CHAPTER 35

1.7K 34 0
                                    

CHAPTER 35

ALLYNA

"TITA MOMMY, bakit wala pa po si Papa? Malapit na po kong antukin, eh. Baka po hindi ko na naman siya mahintay." Kaagad akong napalingon kay Garrett nang tanungin ako Kasalukuyan kaming magkatabi ngayon sa sofa habang nanonood ito ng cartoons sa TV.

Kaya naman sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay sinilip kong muli ang aking cellphone, muli kong tinignan ang huling text ni Homer na hindi na nasundan pa. Magda-dalawang oras na mula nang i-text niya 'yon sa akin.

"Ahmm, wala pa kasing text ulit si Papa mo, eh. Pero baka malapit na rin 'yon, anak. Umuulan kasi sa labas, o. Baka nag-iingat si Papa sa pagda-drive kaya hindi na siya nag-text ulit, delikado kasi sa daan ngayon. Hintayin na lang natin siya ng konti pa, okay?" Paliwanag ko na lang dito. Kaagad naman itong tumango at ibinalik ang pansin sa pinapanood.

Pero sa kabilang banda, napapaisip na rin ako at nagsisimula na ring mag-alala. Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na kinakabahan at kailangan kong malaman na maayos lang ang kalagayan niya. Baka naman kasi may mangyari pang hindi maganda sa kaniya kapag tinawagan ko siya, eh. Na baka mawala ang focus niya sa pagda-drive kapag sinagot niya ang tawag ko. Tulad ng sinabi ko kay Garrett, delikado sa daan ngayon dahil naulan.

Nasaan na nga ba ang lalaking 'yon?

Kung uuwi na siya, hindi na rin namin makakasabay ang anak niya na kumain dahil pinauna ko na ito. Nagutom na kasi ito kanina pagdating pa lamang namin dito sa bahay nila kaya naman pinauna ko na ito. Ako na lang ang sasabay sa kaniya mamaya. Paniguradong gutom 'yon pag-uwi at kakailanganin na may kasabay na kumain mamaya.

Ilang sandali ay pasimple akong tumayo at iniwan sandali si Garrett sa sala. Nagtungo ako sa gawing bintana upang sumilip sa labas. Huminto na rin pala ang ulan, mabuti naman. At nang babalikan ko nang muli si Garrett ay siya namang pag-ring ng cellphone na hawak ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang pangalan ni Homer na naka-rehistro sa incoming call kaya dali-dali ko itong sinagot.

"Love! Thanks, God, tumawag ka! Nasaan ka na ba? Malapit ka na ba? Ayos ka lang ba?" Kaagad ay sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Gumaan ang pakiramdam ko sa pagtawag niya , pero hindi ko maintindihan, bakit parang naroon pa rin ang hindi ko maipaliwanag na kaba sa dibdib ko?

At mas lalo akong nagtakha nang sa halip na boses niya ang marinig ko sa kabilang linya ay ibang tao ang narinig ko. (Ahmm, hello po? Kamag-anak po ba ito ni Mr. Homer Valmonte? Ang may-ari ng cellphone na ito?)

Natigilan ako. "Ahmm, o-oo, kamag-anak niya ito. Sino ito? Bakit ikaw ang may hawak ng cellphone niya?" Kunot na kunot ang noong tanong ko sa babaeng nasa kabilang linya. B-Bakit ganito? Bakit parang ayokong marinig ang sasabihin nito? Bakit unti-unti ay mas bumubilis ang tibok ng puso ko sa paraang hindi ko gusto?

(Ganoon po ba, Ma'am? Kayo po kasi ang #1 sa speed dial ng niya at kayo nga po ang natawagan ko gamit itong cellphone niya.)

"B-Bakit nga? Bakit na sa 'yo ang phone niya?"

(Kasi, Ma'am, emergency po. Nurse po ako ng Guillermo Hospital at ako po ang naatasan na tawagan ang kaanak niya. Ma'am, naaksidente po si Mr. Valmonte, sumemplang po ang motor niya sa kalsada at narito nga po siya ngayon sa ospital—)

"W-WHAT?" Gulat na bulalas ko habang sapo ang aking dibdib. Tila ba isa 'yong bombang sumabog dahilan para tambulin sa sobrang pag-aalala ang puso't isip ko ngayon. Bigla na lang ding nanginig ang mga kamay ko sa sobrang kaba. Sinasabi ko na ba, eh. Iba 'yong kabang nararamdaman ko kanina pa sa hindi pa niya pag-uwi.

Hindi ko na pinatagal pa ang tawag na 'yon ng nurse ng nasabi nitong ospital. Hindi mapakaling din-ial ko kaagad ang number ni Charlene, halos maiyak na ako habang hinihintay ang pagsagot nito.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon