CHAPTER 22

1.6K 37 0
                                    

CHAPTER 22

"HELLO, love! Where are you?" Bungad na tanong sa akin ni Homer nang sagutin ko ang tawag niya.

Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Charlene na kasalukuyang inaayos ang buhok ko. "Ano ka ba, Homer! 'Wag ka ngang excited d'yan! Heto pa nga lang, o. Inaayusan ko pa lang ang pinakamamahal mo!" Anito na ikinatawa ko. Naka-loud speaker kasi ang phone ko kaya naririnig nito ang sinasabi ni Homer. Hindi ko kasi ito maitapat sa tenga ko dahil ipinapahawak sa akin ni Charlene ang ilang hibla ng buhok ko.

Yes, nandito kami ngayon sa unit ko at siya ang nag-aayos sa akin para sa grand ball na a-attend-an namin ni Homer mamaya. Balak ko nga lang sanang magpasama sa kaniya na magpunta sa kilala niyang salon nang pigilan niya ko at nagpresinta siya na siya na lang daw ang mag-aayos sa akin. Pumayag naman ako dahil may tiwala naman. Mula pa kasi noong magkakilala kami n'ong college, siya na talaga ang make-up artist ko.

And yes, napapayag ko ring sumama si Homer sa akin ngayong gabi sa grand ball. Of course, as my date. Walang pagdadalawang isip nga siyang pumayag, eh. At kahapon, sabay pa kaming naghanap ng formal tuxedo na isusuot niya at gown na isusuot ko for tonight.

Oh, sorry. So, si Charlene na pala ang nag-aayos sa 'yo?" aniya.

"Oo, love. Nagpresinta kasi siya. Saka mas okay na 'to, libre sa gastos." Tugon ko at natatawang tinitigan ko si Charlene mula sa salamin.

"Oy, anong libre? Hindi libre 'to 'no! Sisingilin ko rin sa inyo 'to next time! Iisip pa muna ako ng isisingil ko sa inyong dalawa bilang kabayaran." Agap pa nito.

"Sure! Just make sure that you will make my love the most beautiful woman of that grand ball tonight," Sakay naman ni Homer.

"Oo naman! Kahit naman simplehan ko lang ang ayos dito sa best friend kong 'to, panigurado namang siya na ang pinakamaganda roon. Ang diyosa kaya nito! Wala ka bang tiwala sa beauty ng girlfriend mo?"

"Of course, I have! And I am excited to see her right now. Ang tagal naman kasing mag-7:00 pm,"

Hindi ko na napigilan pang matawa sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"Tumigil na nga kayong dalawa sa pambobola sa akin, okay?" Awat ko na sa kanila. "Ikaw, love, nasaan ka? Nasa bahay ka na ba?"

"Yes, love. Kauuwi ko lang. And now, maliligo na ako para makagayak na ko at masundo na kita d'yan. I am so excited to see you, and I miss you as well," aniya. Mas napangiti naman ako dahil doon. Hindi na kasi kami nagkita pa kaninang lunch dahil kinaray-karay na ako nitong si Charlene.

"O, sige na! Baka mamaya pasukin na ng langgam 'tong cellphone ni Allyna sa pagiging sweet n'yo, eh. Nakakainis kayo! Kung kailan wala ang honey ko saka niyo ko papakitaan ng ganyan! Wala tuloy akong mapaglambingan!" Nakangusong ungot naman bigla ni Charlene na ang tinutukoy ay ang asawa. Sabay na lang kaming natawa ni Homer dito. Nasa trabaho pa kasi ang asawa niya. Pinasundo naman niya sa asawa niya ang anak nila na si Chloe at pinauna na ito sa bahay nila.

Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin ni Homer sa phone, pinagtabuyan na kasi ito ng tuluyan ni Charlene at hindi raw siya makapag-concentrate sa ginagawa kaya wala na nga kaming nagawa pa kundi ang putulin na nga ang tawag. Tutal, magkikita at magkakasama rin naman kami mamaya, eh. Siyempre, miss ko na rin ang lalaking 'yon.

Lahat inayos sa akin ni Charlene. Mula buhok, mukha, at pati hanggang sa isuot ko na ang nirentahan kong gown sa gabing ito. It's a blue night gown. Medyo backless ang dating sa likod at may kahabaan ang slit sa kanang hita ko. Yes, medyo may pagka-revealing sa ilang bahagi ng balat ko pero aprubado naman ito ni Homer. Siya kasi ang pumili nito kahapon at ako naman ang sa kaniya. Sa lahat kasi ng sinukat ko, ito raw ang pinakanagustuhan niya. Kumportable rin naman akong isuot kaya kinuha ko na. Sabi rin ni Charlene, tamang-tama rin daw itong napili ko dahil bagay raw sa kulay kong maputi.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon