CHAPTER 19

1.5K 29 0
                                    

CHAPTER 19

ISANG linggo pa ang inilagi ni Papa sa ospital bago siya tuluyang nakalabas. Sa loob kasi ng isang linggo ay inobserbahan pa ng kaniyang doktor ang kalusugan niya, kung may kailangan pa bang bantayan sa kalagayan niya. And thankfully, wala naman nang iba. Kailangan na lang talaga ni Papa ng pahinga at umiwas sa matinding pagod na makakaapekto sa puso niya.

At dahil wala na si Papa sa ospital, nakatutok na akong muli sa clinic ko na ilang araw ko ring half-day kung buksan.

Back to work na rin si Homer ngayon. Actually, three days na kaming hindi nagkikita dahil bumalik siya sa Batangas at nag-stay siya ngayon doon para muling tutukan ang project nila doon.

Well, we have a communication naman pero halos sa gabi na lang dahil pareho nga kaming busy sa araw. Minsan, nasisingit pa rin niyang mag-text but just to check if I already eaten breakfast or lunch. Nakakapag-reply ako sa kaniya pero about an hour ago na. Laging late. At sandali lang din naman kaming nagkakausap sa gabi dahil pinipili ko na lang na patulugin siya ng maaga para makapagpahinga na siya.

But today, mula kaninang paggising ko, hindi pa ako nakakatanggap ni isang text sa kaniya. Past lunch na pero wala pa rin.

Hindi naman sa nagdududa ako, ah? Pero hindi ko lang maiwasang mapaisip kung bakit. Is he really that busy today?

Tsk, ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag nakasanayan mo na, ang hirap nang kumakawala. Kaya kahit sa konting pagbabago lang, napapaisip ka na.

"Hindi po ba nagte-text si Prince Charming, Doktora?" Tila bigla naman akong nakaahon sa malalim na pag-iisip nang biglang magtanong si Vina. Kaya naman napaangat agad ako ng tingin dito na nasa harapan ko na pala matapos magbaba ng records sa table ko.

Nilayo ko na ang cellphone ko sa akin at saka ako nagpakawala ng isang malalim na hininga. "Wala pa nga, eh. Hindi alam kung bakit."

"Baka naman po busy lang ngayong araw. 'Wag po kayong mag-aalala, panigurado naman pong co-contact-in din kayo n'on... siguro mamaya lang. Wala naman pong araw na pumalya si Architect sa inyo, eh." Wika pa ni Vina na may mapanukso pang ngiti sa mga labi.

Bahagya na lang akong napangiti at napatango. "Yeah, siguro nga." Tugon ko na lang at napaayos na ulit ng upo. "By the way, ano 'tong records na 'to?"

"Medical records po ni Kielle, Doctora. Tapos ko na po kasing i-print. I-examine niyo na po." Tukoy nito sa naging pasyente ko kahapon.

"Okay, sige. Thanks, Vina!" I just said at sinimulan ko na ngang tignan itong records na binigay niya sa akin. At nang hindi na ko masiyadong isip nang isip about Homer. Siguro naman okay lang siya roon.

"NAKABALIK na ba si Homer mula sa Batangas, anak?" Mama asked habang tinutulungan ko silang maghain ng dinner sa mesa.

Napalingon naman ako rito matapos kong ilapag sa mesa ang ulam. "Ahmm, hindi pa nga po, eh. Hindi ko rin po alam kung hanggang kailan siya roon. Ngayong araw po kasi, mula pa kaninang umaga, wala siyang text sa akin." I answered at napahinto na lang ako sa kinatatayuan ko.

Napahinto na rin si Mama sa kaniyang ginagawa at napatitig sa akin. "And you're worried, aren't you?" She asked, and I just gave her a weak smile. "Sinubukan mo na ba siyang tawagan para kamustahin siya? Baka naman masiyado lang talaga siyang naging busy ngayong araw at hindi na niya magawang harapin ang phone niya?"

I shrugged. "I didn't, Ma. Naisip ko po kasi na baka madistorbo ko lang siya dahil baka nga ganoon talaga siya ka-busy ngayong araw. Ayoko namang lumabas na konting kibot at konting hindi niya lang pagpaparamdam, napaparanoid na agad ako." Dahilan ko.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon