CHAPTER 36

1.5K 23 0
                                    

CHAPTER 36

HOMER

DALI-DALI akong nagpaalam sa mga kasamahan ko sa firm upang umalis nang tumawag sa akin si Allyna at sabihin nitong naroon ngayon sa bahay si Nadia.

Bakit naroon ngayon 'yong babaeng 'yon? Bakit bigla na naman itong lumitaw?

Pagkaparada na pagkaparada ko pa lang ng sasakyan sa garahe ay kaagad akong bumaba at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. At sala ay nakita ko kaagad silang tatlo roon—si Nadia, Allyna, at Garrett. Pilit ang ngiting nakamasid lang si Allyna sa mag-inang nagkukulitan, na sigurado akong pakitang-tao lang ni Nadia.

Ewan ko ba, alam kong ilang beses na akong binawal ni Allyna na 'wag pag-isipan ito ng masama dahil kahit anuman pa man daw ay ina pa rin ito ni Garrett, pero laging nakatatak sa isip ko ang ginawa nito lalo na nang nalaman ko ang naging pagpapalaki nito sa anak ko noong nasa kaniya pa.

"O, love, nand'yan ka na pala!" Ani Allyna nang makita ako. Kaagad pa siyang tumayo at sinalubong ako. Hinalikan ko naman siya sa noo bilang sukli.

"Papa! Bumalik na si Mama!" Masaya namang turan ni Garrett na todo-kapit pa sa ina.

"Like what I told you, Nadia is here." Bulong sa akin ni Allyna na nasa tabi ko pa rin. Napatitig naman ako sa mukha niya. Nakangiti siya ngunit alam ko at ramdam kong hindi 'yon ang buo niyang ngiti na madalas niyang ibigay sa akin.

Doon naman muling bumalik ang pansin ko sa gawi nina Nadia na biglang nag-iwas ng tingin sa ginawa kong paglingon. Kaagad ding nawala ang emosyon sa mga mata ko, malamig ko lamang itong tinitigan. "Bakit nandito ka? 'Di ba nasa Japan ka na?" Matigas ang tonong tanong ko pa.

Pinilit naman niyang ibalik ang mga mata sa akin. "Ahmm, kaya nga narito ako p-para... p-para makausap ka sana tungkol d'yan."

Nangunot ang noo ko. "About what? Ano namang kinalaman ko sa bigla mong pagbalik at pagsulpot—"

Hindi ko na naituloy pa ang itatanong ko rito nang biglang pisilin ni Allyna ang braso ko.

Kaya naman muli ko siyang nilingon at pasimple niya kong inilingan. "'Wag mo naman siyang kausapin ng ganiyan. Just hear her out first, gusto ka niyang makausap." Sa halip ay pakiusap pa niya sa akin. Napahinga pa muna ako ng malalim bago tuluyang tumango sa gusto niya. Kaya naman muli na siyang ngumiti sa akin. "Dadalhin ko muna si Garrett sa taas para makapag-usap kayo—"

"No, mag-uusap kami kasama ka." Pigil ko kaagad sa kaniya nang akmang aakayin na niya si Garrett sa taas.

Maang naman siyang napatitig sa akin, at sandali ay nilingon pa muna niya si Nadia na nagtatakha at ibinalik niya ulit sa akin ang kaniyang pansin. "Ha? P-Pero, love, hindi naman ako kasali—"

"Ang ano man sa akin ay bahagi ka, love. And first of all, you're my fiancé now. May karapatan kang makisali sa mga kailangan niyang sabihin sa akin." Giit ko na sinadya ko talagang idiin ang salitang 'fiancé' saka ko siya nginitian.  At si Glenda naman na nasa tabi ang nilingon ko. "Glenda, dalhin mo muna si Garrett sa kuwarto niya, please?"

"Yes, Sir." At kaagad nga nitong nilapitan si Garrett. Nang una ay ayaw pa sanang sumama ni Garrett rito, ngunit mabuti na lang at nagkusa si Nadia na kumbinsihin ito at doon pa lang ito sumama kay Glenda. Habang pumapanhik na sa taas ay nakahabol pa rin ang tingin nito sa amin at natigil lang nang tuluyan na itong makapasok sa kuwarto.

"Now, talk. Ayokong patagalin mo pa ang nais mong sabihin sa akin." Muli ay baling ko kay Nadia. Inalalayan ko namang maupo sa tabi ko si Allyna na may nagtatanong pa ring mga tingin.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon