CHAPTER 21

1.6K 23 1
                                    

CHAPTER 21

NAGISING ako na wala na si Homer sa tabi ko. Naunahan na pala niya kong gumising. Mataas na rin ang araw sa labas nang matanaw ko ito mula sa bintana. Masiyado palang napasarap ang tulog ko.

I smiled when a memory last night came back to my mind. Bakit nga ba hindi magiging masarap ang tulog ko? I had a night to remember last night with Homer, that's why.

Napahila na lang ako ng isang unan at niyakap ito ng nakangiti. I'm still naked underneath the comforter covering my body.

Last night, we already did it. And I am happy about it. He's my first, sinuko ko na ang sinasabi nilang bataan and I don't regret it because I gave it to the man I love the most.

Actually, we didn't did it just once, but thrice. Yes, three times! Kaya nga madaling araw na nang kami ay makatulog dahil sa pagod. Tila nawala nga ako sa sarili when we were doing it, eh. Parang kung nasa tamang huwisyo ang isip ko, hindi ko aakalain na magagawa ko ang ganoon. At ngayon ko nga 'yon naiisip. I've gone wild last night at natatawa na lang ako ngayon habang naaalala ko 'yon. I can't believe that I could be a seductress.

Ilang sandali lang ay bumangon na ako. But the moment I moved my legs, agad din akong napahinto nang may konting kirot akong naramdaman sa aking gitnang pagitan. I think ito na ang resulta.

Kahit na may iniinda, pinilit ko pa ring bumangon mula sa kama. I search for my clothes na sa pagkakatanda ko ay naikalat ko na lang basta rito sa sahig kagabi, pero ngayon, namataan ko na ito sa bedside table at maayos nang nakatupi. Napangiti na lang ako ng matamis sa ginawa niyang 'yon. He's really a gentleman.

Pero sa halip na isuot kong muli ang damit ko, tumayo na lang ako at naghagilap ng damit na maaari kong isuot mula sa kaniyang walk-in closet. Hindi ako nakita rito ng mga pambabaeng damit na ipinapahiram niya sa akin kaya kumuha na lang ako ng isang cotton shirt niya at boxers.

Pinagmasdan ko pa ang sarili ko sa salamin nang maisuot ko na ang mga damit niya. Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi upang magpigil ng labis na ngiti. First time din ito na magsusuot ako ng damit na pag-aari ng lalaki, ang kumportable pala. Though, maluwang sa akin ang shirt niya dahil sa laki ng katawan niyang 'yon but I don't mind.

Lalabas na sana ako ng kwarto niya upang hagilapin siya nang muling mahagip ng mga mata ko ang coal-sketched portrait ko na ginawa niya bilang regalo niya sa akin. Nakuha na naman nito ang atensyon ko kaya nahinto ulit ako at tumayo sa harap nito upang pagmasdan.

Hindi na tuloy napuknat pa ang masayang ngiti sa mga labi ko dala nitong regalo niya. It is indeed a masterpiece, his masterpiece that he had been made for me. Ang saya-saya ng ngiti ko sa sketch niya na ang dahilan din naman ay siya.

Naagaw naman ang atensyon ko nang biglang bumukas ang pinto nitong kwarto niya at niluwa siya. His eyes roamed at his bed until it finally darted on me nang hindi niya ako nakita roon. He smiled at tuluyan na siyang pumasok saka ako nilapitan.

"Hey," Masuyong bati niya sa akin. "Akala ko tulog ka pa, eh. Gigisingin na sana kita para makapag-breakfast na tayo." Aniya at yumakap pa kaagad sa bewang ko nang makalapit na siya sa akin sabay halik ng madiin sa gilid ng ulo ko. "Good morning, by the way."

"Good morning din. Actually, kagigising ko lang." I replied.

Sandali siyang napatingin sa ginawa niyang sketch na nasa harap ko at tila nahinuha niya agad kung bakit ako narito. Hinawi niya naman bigla ang ilang hibla ng buhok ko na nagkalat sa aking mukha at inipit niya 'yon sa likod ng tenga ko. "You're staring at it again. Hindi ka kumbinsido na ako gumawa n'yan 'no?" Aniya habang naniningkit pa ang kaniyang mga mata.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon