CHAPTER 31
"GARRETT!" Masayang salubong ko kay Garrett nang puntahan ko ito kina Charlene when lunch time came. Naabutan ko itong nakikipaglaro kay Chloe at sa mga pinsan nito sa garden area ng bahay ng mag-asawa.
Kaagad namang lumingon sa akin ang mga bata at sumilay ang saya sa mukha ni Garrett at Chloe nang makita ako. "Tita Ally!" Sabay pang bulalas nila at patakbong lumapit sa akin pareho.
"Don't run, baka madapa kayo." I told them ngunit nasa harap ko na sila. Kaya naman marahan ko na lang na ginulo ang kanilang buhok ng may ngiti sa aking mga labi. Ipinakita ko rin sa kanila ang mga dala kong ilang bundles ng pagkain from McDonalds. "Here, I brought your favorite!"
Mas lalo namang sumaya ang mukha nila. "Yey!" Bulalas kaagad ng mga ito na nasiyahan sa aking dala at talagang pumalakpak pa sila kaya naman mas natuwa ako. Lumapit na rin sa amin ang mga kalaro nila dahil sa dala ko.
"Kumain na ba kayo?" I asked them.
"Not yet, Tita Ganda!" Chloe said.
"Hinihintay po kita, Tita Ally, eh." Garrett added.
"Then let's go, kain na tayo!" Anyaya ko na nga sa kanila at tuwang-tuwa sila na sumunod na sa akin patungo sa dining area ng bahay nina Charlene.
Kaagad naman akong tinulungan ng mga maids sa mga dala ko at tinulungan ako ng mga ito na ihain ang mga pagkain para sa mga bata. Halatang excited na ang mga ito na kumain dahil talagang nakaupo na sila sa kani-kaniya nilang mga upuan at nag-aabang.
"Sige na, kain na kayo." Muli ay anyaya ko sa kanila at excited nga silang nagsikuha na ng pagkain. Nakangiting napatitig na lang ako sa mga ito.
"Kayo, Doc, hindi pa po ba kayo kakain?" Ate Lala asked after a while.
Nilingon ko ito at nginitian. "Mamaya na lang, Ate Lala. Darating si Charlene, eh. Sabay na lang kaming dalawa." Tugon ko at napatango na lang ito.
It's been a week already mula nang mapagkasunduan namin ni Homer na rito na muna dalhin ang anak niya kina Charlene sa umaga para may makalaro man lang ito rito at hindi mainip sa bahay nila. Ayos lang naman sa mag-asawa dahil sa bahay lang din naman nananatili si Chloe, kalaro lang din ang mga pinsan nito dahil bakasyon pa.
Muli ko namang ibinalik ang pansin ko sa mga batang masaya pa ring kumakain at kapagkuwan ay nilabas ko ang phone ko to take a photo of Garrett and send it immediately to Homer.
To: My Sweetest Love
Narito na ko sa anak mo. Look at Garrett, he looks so happy.Sa halip na mag-reply siya sa text ko ay bigla na lang rumehistro ang pangalan niya sa phone ko into a call. Kaagad ko naman itong sinagot.
(Thank you, love.) Kaagad ay bungad niya.
Napangiti naman ako. "You're welcome, love. Kapag nakikita kong masaya 'tong anak mo, masaya na rin ako."
(Thank you very much,) Muli ay salita niya. (By the way, ikaw, kumain ka na ba?)
"No, not yet. Uuwi kasi si Charlene, magsasabay na kaming kumain." I told him. "How about you? Busy ka pa ba?"
(I had an early lunch with my colleagues, may sabay-sabay kasi kaming tinatapos dito. Minamadali ko na nga sila para makasama na kita, eh.)
Natawa ako sa sinabi niya. "Maloko ka talaga, eh. You don't have to do that, I can wait for you."
(Ahh... you made my heart thump again, love.) Pagda-drama pa niya. (Basta pupuntahan kaagad kita once na matapos kami rito, okay?)
"Okay, take your time. Ako munang bahala ngayon kay Garrett."
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...