CHAPTER 33
IT'S ALREADY WEEKEND, Sabado na ngayon. At maaga akong gumising ngayon upang puntahan ang mag-ama sa bahay nila. Nasabi kasi ni Homer ang importanteng gagawin niya ngayong araw sa trabaho kaya naman nakaisip kaagad ako ng magandang plano kasama si Garrett. Tutal, ako naman ang free sa aming dalawa. At ngayon ko pa lang balak na sabihin 'yon sa kaniya.
Pagdating ko sa bahay nila ay naabutan ko silang mag-ama na nasa dining na at nag-aagahan. Nakangiti naman akong nagpakita sa kanila.
"Good morning!" Masayang bati ko dahilan para sabay silang mapalingon sa akin.
Halatang nagulat naman si Homer sa pagdating ko dahil naudlot ang balak niya sanang paghigop sa kaniyang kape. Napansin ko kaagad na nakagayak na siya. "Love,"
"Tita Mommy ko!" Masayang tawag na sa akin ni Garrett kaya naman mas lalong lumabas ang ngiti ko.
Ilang araw na rin ang nakararaan simula noong unang araw akong tawagin ni Garrett ng ganoon, at simula noon ay araw-araw na niya akong tinatawag ng ganoon. At hanggang ngayon ay tumataba pa rin ang puso ko sa tuwing maririnig ko sa kaniya 'yon. Hindi ko akalain na kahit hindi pa ako tunay na ina ay ganito na kaagad ang kasiyahang nararamdaman ko.
Nilapitan ko silang mag-ama. Hinalikan ko muna sa noo si Garrett bago ko bigyan din ng 'good morning kiss' ang mahal ko. Hindi naman niya naitago ang matamis niyang ngiti habang nakatitig sa akin dahil sa ginawa ko.
"Bakit hindi ka nag-text o tumawag man lang na pupunta ka pala rito ng ganitong kaaga? Balak ko sanang puntahan ka na sa unit mo bago ko dalhin si Garrett kina Yvann at dumiretso sa Laguna, eh." Tanong niya sa akin. Oo, sa Laguna ang punta niya ngayon dahil naroon ngayon ang bagong project nila. "Nag-breakfast ka na ba?"
"Hindi pa, plano ko nga sanang sumabay sa inyo. Mabuti na lang pala at naunahan kita dahil may plano rin ako para sa araw na ito," I told him.
"Then, let's eat! Kakaumpisa pa lang naman naming kumain." Aniya at tumayo para ipaghila ako ng upuan na katabi ni Garrett. Kaagad naman akong naupo roon and give him thanks saka siya bumalik sa upuan niya. Mabilis pa ang naging galaw niya para ipaghain ako. Napangiti na lang ako sa ginawa niyang 'yon.
"Oo nga pala, love. Hindi mo na kailangang iwan si Garrett kina Yvann today. Ako ang sasama at mag-aalaga sa kaniya ngayong araw, para hindi na rin maabala pa 'yong mag-asawa." I told him.
Gulat naman siyang napatitig sa akin at binigyan ako ng nagtatakhang tingin. "Ha? Ahmm, a-are you sure?" Aniya, 'di makapaniwala.
Nakangiti namang tumango ako. "Yes, ako ang sasama kay Garrett today. Isasama ko siya sa bahay, dadalhin ko siya kina Mama. Naroon din sina Ate at Kuya Gav ngayon kasama ang baby nila, gusto na rin kasi nilang makita si Garrett." Wika ko sa kaniya saka ko binalingan si Garrett. "Gusto mo bang sumama sa akin ngayon, Garrett? Pupunta tayo sa parents ko na pwede mo ring maging lolo at lola, tapos makikita mo si baby Gavren doon." Tanong ko rito.
"Lolo at lola po?" React nito.
"Oo,"
"Meron na po akong lolo at lola, 'yong parents po ni Papa. Tapos po, meron din akong lola na Mama ng Mama ko. Meron po ulit akong bago?"
Bahagya naman akong natigilan at sandali kaming nagkatinginan ni Homer. "Ahmm, o-oo. Kung gusto mo lang naman."
Ngumiti naman itong muli ng pagkatamis-tamis. "Opo! Gusto ko po! Gusto ko po ng mga lolo at lola, eh. Love na love nila ko." Anito kaya naman muli na akong napangiti.
Hinaplos ko naman ang buhok nito. "They'll love you, for sure. Sige na, kain ka na r'yan. Para pagkatapos mo, gagayak na tayo."
"Okay po!" Masiglang tugon nito at nagpatuloy na nga sa pagkain. Muli naman kaming nagkangitian ni Homer.
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...