CHAPTER 18
ALLYNA
NAMUMUNGAY pa ang aking mga mata nang ngitian ko ang mag-asawa. "Nandito pala kayo. Sabi ko na nga ba boses mo, Cha, ang naririnig ko, eh." Then, lumingon ako kay Homer. "Why didn't you wake me up, love?"
"Ahmm, I-I was about to. Pero nakita kasi nila kung gaano kasarap ang tulog mo kaya... kaya hindi ka na lang nila pinagising." Aniya na... naiilang?
Muli ko namang naalala ang narinig kong pinag-uusapan nila kanina na something about the truth na hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin nila doon.
"By the way, ano 'yong kailangan kong malaman?" I asked them again. Bigla na rin kasi silang natahimik at nagkatinginan. Seryoso ba 'yon?
"Ahmm, love. I..." Homer spoke na para bang bumebwelo pa siya sa dapat niyang sabihin. Kaswal ngunit mataman ko lang naman siyang tinitigan.
Until mapagawi ang tingin ko sa bed ni Papa. At first, akala ko namamalik-mata lang ako nang makita ko na he moved his hand fast. Kaya nang sumunod ay hindi ko na inalis pa ang titig ko roon. Hanggang sa ilang sandali lang din ay halos mapanganga na lang ako nang makita ko ang tuluyang pagdilat ni Papa. Kaya naman ganoon na lang ang mabilis kong pagtayo at paglapit dito.
"Papa! Oh, thank God, you're awake!" Bulalas ko at napayakap kaagad dito sa sobrang tuwa. Gumanti naman agad ng yakap sa akin si Papa. Thank, God!
"KUMUSTA? Ano nang nararamdaman mo? Ayos na ba ang pakiramdam mo, mahal?" Sunod-sunod na tanong agad ni Mama kay Papa nang makabalik ito. Mula pa kanina nang dumating ito ay hindi na nito tinantanan pa si Papa sa kakatanong upang siguraduhing ayos na talaga ito.
"Tsk, oo naman! Ano ka ba naman, mahal! Don't worry." Giit naman ni Papa na mukhang nakukulitan na kay Mama.
"Pa, nag-aalala lang si Mama sa inyo. Alam niyo po bang hindi talaga kayo iniwan niyan kagabi buong gabi? Pati 'yong iyak niya dahil sa nangyari sa inyo. Intindihin niyo na si Mama." Singit ko naman habang nasa likod ni Mama. Napangiti naman si Mama sabay haplos sa kamay ni Papa.
"Oo nga naman, Pa." Singit naman ni Ate. "Ewan ko ba kasi sa inyo, Pa. O, ayan, kita mong nangyari sa 'yo! Baka naman po sumuway na naman kayo at magpumilit sa mga gusto niyo pa ring gawin, ah?" Dagdag pa ni Ate at heto na nga, sinisimulan na niyang sermunan si Papa.
"Ikaw naman, anak. Alam niyo namang matanda na ko, ginagawa ko lang naman ang mga nagpapasaya sa akin. Mahal ko naman ang ginagawa ko, hindi ko lang talaga napapansin ang pagod dahil doon." Giit pa ni Papa. Saka ito bumaling kay Mama. "Sorry, mahal, napag-alala kita." Sinsero pa nitong paumanhin kay Mama sabay halik sa kamay nito.
"Ikaw kasi, mahal. Sa susunod, matuto ka nang makinig sa amin ng mga anak mo. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala nang bigla ka na lang nawalan ng malay sa harap ko." Dagdag na sermon naman ni Mama sabay haplos sa buhok ni Papa. Napatango na lang si Papa rito at pinili na lang na manahimik.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa nakikita kong masayang tagpo ngayon ng mga magulang ko. Mula pa pagkabata namin ni Ate, walang pagkakataon na hindi namin sila nakita na ganyang ka-sweet. Kahit na napakarami nang taon nilang mag-asawa at magkasama, tila hindi kumukupas ang sparks nila. Na siya namang ikinatutuwa ko bilang anak nila at ang swerte ko dahil biniyayaan ako ng mga magulang na katulad nila at pamilya na mayroon kami. Hindi man ganoon kalaki pero lubos na masaya.
At siyempre, ganoon din ang hinihiling kong maging kapalaran ko. At kung kay Homer ko man maranasan 'yon, mas lubos akong magpapasalamat sa Panginoon dahil ngayon pa lang na binigyan Niya ako ng pagkakataon na makakilala ng tulad ni Homer sa buhay ko at mahalin ako, ang swerte ko na. Paano pa kaya kung makasama ko pa siya hanggang sa pagtanda katulad nina Mama at Papa?
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...