CHAPTER 2

3K 55 0
                                    

CHAPTER 2

ALLYNA

"AND NOW, tell me, what can you say about Homer?" Pang-uusisang tanong sa akin ni Charlene after niyang i-serve sa akin ang hiningi kong breakfast. I still have an hour before 10:00 AM, time kung kailan ko binubuksan ang clinic ko. Dito na ko dumiretso sa resto nila dahil tinamad na akong magluto ng breakfast para sa sarili ko.

Humigop muna ako sa coffee na ibinigay niya at saka ako kunot-noong nag-angat ng tingin sa kaniya. "You mean, Mr. Architect?" I asked back.

Then, she rolled her eyes. "Duh! As if naman may iba pa kong Homer na pinakilala sa 'yo!" Sarcastic niyang tugon. "So, ano nga? Kumusta siya sa 'yo, hmm?" Muling pang-uusisa niya na talagang nangalumbaba pa sa harap ko habang nakatitig sa akin ng todo-ngiti na tila interesado talaga sa isasagot ko.

"Ahmm, he's nice. Yeah... he's nice." Sagot ko naman sabay subo ng kanin.

Bigla namang bumagsak ang mga balikat niya sa sinabi ko. "Just nice? Really, bessy? Nice lang ang masasabi mo sa kaniya? Wala na bang—"

"Well, he's also a gentleman, comfortable to talk with and... he's good looking." I added na parang 'yon ang hinihintay niyang isasagot ko dahilan para halos mapatili siya sa harap ko. Pinandilatan ko nga siya kaagad sa tinuran niyang 'yon. Natutop naman niya agad ang bibig.

"Did you just say 'he's good looking'? So, you find him handsome?!" Bulalas pa niya na halatang nagpipigil ng kilig.

Mas lalo tuloy nangunot ang noo ko sa kaniya. "What's wrong with that? Talaga naman, ah? Alam ko naman na 'yan lang ang hinihintay mong sabihin ko, eh. Psh." Wika ko at muli na lang akong sumubo ng pagkain.

"So, ano pa? Do you find him attractive, huh?" Dagdag pa niya.

And for that, I can't help but to smile. "Yes, and I won't deny it."

"Really?!" She shrieked. "So, attracted ka na sa kaniya?"

Pinanlakihan ko nga siya ng mga mata sa pagkabigla sa tanong niyang 'yon. "I didn't say that, okay! Bakit ba nang-uusisa ka ng ganyan, ha?" Sita ko nga. Nakakahalata na ko, eh.

"Hmm, wala naman. But to tell you this, I like Homer for you. And I'll tell you, too, that he's a very good man. Isa siya sa mga natitirang specie ng mga matitino sa panahon ngayon." Aniya.

Nagbawi na lang ako ng tingin at nagbaling na lang ng pansin sa breakfast ko. "But I think, he's already taken. He said that he's already happy and contented." Turan ko sa mababang boses. Well, I admit that there's something on me na nanghinayang when he said that to me.

"Eh, bakit parang bigla kang nalungkot d'yan?" Pang-aalaska pa niya sa akin. Nagpatay-malisya naman ako sa harap niya, showing her that that's not true. Kunwari. "Loka! Porque ba nagsabi 'yong tao ng happy and contented, taken na agad? Hindi ba pwedeng happy and contented na siya sa anong meron siya sa buhay niya ngayon? Sa successful profession niya, gan'on! Ano ka ba! Single and very ready to mingle 'yong si Homer! Matagal nang lonely ang puso n'on!"

And for that, I immediately looked back at her again. "He's single? Talaga?" Naniniguro na tanong ko.

Mapang-asar naman niya kong nginitian. "Bakit parang naging interesado ka?" Aniya pa. Napangisi na lang ako sa kabaliwan niya at napailing-iling. "Oo, single 'yon. Don't worry, wala siyang sabit!"

"Ewan ko sa 'yo!" React ko na lang at hindi ko na lang siya pinansin.

Honestly, hearing that Homer is not in a relationship makes something inside me feel relaxed. And what I said was true, that's all I observed to him from our twice encounter. Hindi ko lang alam kung totoo, mahirap nang magtiwala kaagad sa panahong 'to. Marami nang lalaking nagkukunwaring mabait sa una, saka naman lalabas ang totoong ugali kapag hulog ka na.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon