CHAPTER 38

1.7K 36 1
                                    

CHAPTER 38

PAGMULAT ng aking mga mata ay puting kisame ang bumungad sa aking paningin. Maayos na rin ang pakiramdam ko ngunit nararamdaman ko pa rin ang pananamlay ng aking katawan. Sobra akong napagod sa mga nangyari kanina. At ngayon ay bumabalik 'yon sa aking isipan.

"L-Love, thank God, you're awake!" Dahan-dahang nalipat ang paningin ko kay Homer nang magsalita ito sa tabi ko. Nakakapit siya ng mahigpit sa aking kanang kamay at panay ang halik doon. "A-Ayos ka lang ba? A-Ayos lang ba ang pakiramdam mo, ha?" Nag-aalala pang tanong niya sa akin.

"OMG, bessy! Alam mo ba ang nangyari sa 'yo kanina, ha? Nawalan ka ng malay bigla! Sobra akong nag-alala nang itawag 'yon sa amin ni Homer at dinala ka nga niya rito sa ospital! Ayos ka lang ba, ha?" At bigla ay singit din ni Charlene na narito rin pala.

Ngunit hindi n'on naalis ang pansin ko kay Homer. Sandali kong mariing ipinikit ang aking mga mata, iniisip ko na sana panaginip na lang ang mga nangyari kanina, ngunit hindi. Dahil kahit nang muli kong idilat ang aking mga mata ay sariwa pa rin 'yon sa isip ko. Ang eskpresyon ng mukha ni Nadia, ang determinasyon niya sa kaniyang mga sinasabi, ang pagpapamukha niya sa akin ng katotohanan... at ang makita silang buo at ako lang ang pilit nakikisingit.

"Ano pang ginagawa mo rito?" Matamlay at mahinang tanong ko na kay Homer habang pinipilit kong maupo sa aking kama. Walang emosyon ko pang sinalubong ang kaniyang mga mata at halata roon ang pagkagulat sa sinabi ko.

"L-Love..."

"Bessy, ano ba 'yang sinasabi mo? Siyempre, nandito si Homer para sa 'yo." Tila walang ideyang sabi naman ni Charlene. Ngunit hindi ko 'yon pinansin.

"Sinabi ko na kanina, 'di ba? Ayoko na... Pagod na ko, Homer... Puntahan mo na sila, 'yong totoo mong pamilya." Patuloy ko sa pagtataboy sa kaniya.

"Allyna, n-no... Ikaw... Ikaw ang magiging pamilya ko, ang makakasama ko, hindi si Nadia

"She still loves you and she wants you back! Gusto niyang buuin muli ang pamilya niyo, na pilit kong sinisingitan kahit wala naman akong lugar! Hindi ako, Homer, hindi ako ang dapat na naroon kundi siya!" Giit ko. "'Di ba wala kayong closure? Now, talk! Baka maayos niyo pa, baka ma-realize mo pang siya pa rin pala! Na siya naman talaga—"

"Allyna, ano ba?! Sinabi nang hindi si Nadia ang kailangan ko kundi ikaw! 'Wag kang maniwala sa babaeng 'yon, sinisira lang niya tayo!" Hindi na rin niya napigilang magtaas ng boses.

"Siya nga ba ang sumisira sa atin, Homer? O baka ako naman talaga ang sumisira sa inyo?" Balik-tanong ko sa kaniya, hindi inaalis ang aking mga mata sa kaniya.

"A-Ally, ano bang pinagsasasabi niyo, ha? May nangyari ba kanina na hindi namin alam?" Bigla ay tanong na naman ni Charlene na nagpalipat-lipat pa ang tingin sa aming dalawa.

Doon na ako nagbawi ng tingin sa kaniya, sa ibang dako ko ito binaling. "Puntahan mo na sila, hindi ka dapat nandito sa akin. Hindi ako ang dapat na kasama mo kundi ang pamilya mo—" Matapang ko pang sinabi sabay hubad sa singsing na ibinigay niya akin at inabot 'yon sa kaniya. "Hindi dapat ako ang nagmamay-ari n'yan kundi si Nadia. Give that to her."

"A-Allyna, no, please.... no, don't do this, hmm? Don't push me away! Ikaw ang kailangan ko hindi si Nadia—"

"Please, Homer! Hindi ko kaya ang ganito! Siya ang pamilya mo, hindi ako! May anak kayo, ako... wala lang ako. So, please..." At doon na ko muling naiyak. Naninikip na naman ang dibdib ko, ang sakit pa ring isipin ng lahat ngunit 'yon naman ang totoo. "A-Ayoko na... U-Umalis ka na..."

"Allyna, please, don't say that! No, 'wag mo naman akong ipagtabuyan ng biglaan! Please—" Pagpapabawi niya sa mga sinabi ko at mas humigpit pa ang kapit niya sa mga kamay ko, panay naman ang laban ko roon ngunit ayaw niyang bumitaw.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon