CHAPTER 10

1.9K 43 0
                                    

CHAPTER 10

ALLYNA

"GOOD MORNING, Doctora!" Masiglang bati sa akin ni Vina at ngiting-ngiting pa na tila kay ganda ng naging gising niya nang salubungin ako nito pagdating ko sa clinic.

Kaya naman agad ko ring tinugon ang masayang ngiti nito. "Good morning din!" Gandang bati ko at pumasok na ng tuluyang sa loob.

Agad naman akong natigilan nang mabungaran ko ang naggagandahang mga bulalak na ngayon ay nasa ibabaw ng table ko. Napangiti kaagad ako ng maisip ko kung sino ang may gawa nito.

"Ang aga pong nagpunta ni Architect dito, Doctora. Pagdating ko kanina, nakaabang na po siya sa labas dala-dala 'yang mga 'yan. 'Wag ko raw po munang sasabihin sa inyo, surprise daw po niya sa inyo 'yan, eh." Ani Vina na nasa likuran ko na pala.

Napangisi na lang ako habang naiiling upang itago ang labis na kilig na nararamdaman ko. Sabi ko na nga ba. Kaya pala hindi niya ko tinext kaagad kanina dahil may ganito pala siyang balak. That guy.

Kaya naman dali-dali kong inilabas ang phone ko sa aking handbag para i-text siya. Baka kasi busy na siya ngayon at madistorbo ko kung tatawagan ko pa.

To: Homer
Good morning! Thanks for the flowers. It made my day. :)

Hindi ko na inaasahan pa kung mag-re-reply ba siya sa text kong 'yon. Pero nang akmang ibababa ko na ang phone ko sa table, bigla naman siyang tumawag! So, hindi naman pala  siya busy.

(Good morning to you, too, my beautiful lady!) Kaagad niya namang bungad sa akin nang sagutin na niya ang tawag ko. (How's the flowers? Do you like them?) Then, he asked.

"Yeah, of course. I love them. And you got me for these." I told him while smiling from ear to ear. "So, ito na ba ang simula ng panliligaw mo?" I asked him. Umabot pa ko ng isa bulalak doon sa bouquet at inamoy. I really love flowers.

At doon ko naman napansin si Vina na nasa likuran ko pa rin pala at ngiting-ngiti na halarang kinikilig! Malamang, narinig niya ang sinabi ko.

"Doon po muna ako sa loob, Doctora." Pabulong na paalam naman nito sa akin nang may mapang-tudyo pa ring ngiti sa akin at agad na ngang nagtungo roon sa patient's room para siguro mag-ayos. Naiiling na napasunod na lang ako ng tingin dito. Panigurado, bibiruin ako n'on mamaya!

(Yes, and I'm happy na nagustuhan mo.) He said. (By the way, I'll pick you up there by lunch.)

Muli ko namang sinilayan ang mga bulaklak at marahang hinaplos. "Sure, I'll wait for you."

(Susunduin kita at pupunta tayo roon sa parents mo.) Dagdag pa niya.

Natigilan ako at nangunot ang aking noo sa sinabi niyang 'yon. "Sa bahay? And why is that all of a sudden?" Is he going to tell them already?!

(I have an update for your father about the plan. Kaya naman tinawagan ko siya kanina at ang Mama mo ang nakasagot. N'ong sinabi ko 'yon, sinabi niya na isama raw kita, na siya naman talagang gagawin ko, para roon na raw tayo mag-lunch.) He explained.

Ah, 'yon naman pala. "Si Mama talaga, malamang excited na naman 'yon sa pagpunta natin doon ng magkasama."

(Yeah, mukha nga. Kaya nga natutuwa ako at hindi ko matanggihan ang parents mo. Lalo na ang Mama mo. Kinakamusta kasi niya ako last week lang kung kailan daw ako bibisita sa inyo para sa update, hindi naman ako makapagbigay ng specific date. Kaya naman pinilit kong ayusin 'yong i-a-update ko sa Papa mo.) Aniya pa.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. "Kino-contact ka ni Mama?!" Hay, si Mama talaga!

(Ahmm... Yes, and sorry dahil hindi ko na nasabi sa 'yo. 'Wag ko na raw sabihin sa 'yo, eh.)

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon