CHAPTER 20
MASIGLA akong bumangon ngayong araw. Bakit hindi? Today is my birthday! Yes, my age has been added to make me more older but I don't mind because that's a part of our lives. And every year, I am always thankful to God because He continue giving me another blessed year in this world. Lalo na ngayon na binigyan niya ng panibagong masayang bahagi ang buhay ko sa katauhan ng taong minamahal ko ngayon.
And as well for my family and friends. Every year, they are always there for me and always making my another given year happy and well-celebrated. Nagpapaunahan pa nga ang mga 'yon taon-taon sa pagbati sa akin kahit pa noong nasa ibang bansa pa ako. They are always there to celebrate with me.
Pagbangon na pagbangon ko ay malapad ang aking ngiti nang damputin ko ang cellphone ko. But at the moment I lighted it on, my smile slowly vanished when I saw that there's no any messages from one of them greeting me happy birthday. As in wala talaga, and this is a first! Dati madaling araw pa lang ay may bumabati na sa akin, eh.
Napatingala ako sa wallclock ko. Ah, maaga pa naman pala. 6:30 am pa lang, Allyna! Maybe I got too excited for today. Kagabi pa lang kasi bago matulog, hinuhulaan ko na kaagad kung sino na naman kaya sa kanila ang mauuna sa pagbati sa akin. Siguro, dapat talaga hindi ka ganoon nae-excite sa pagdating ng isang bagay kasi kadalasan ang inaasahan mo ang di nangyayari.
Mula rin kasi noong isang araw, sinadya ko talaga na hindi banggitin sa kanila ang araw na ito. Gusto ko talaga na sila ang makaalala. And it may be a reason kaya wala pang bumabati sa akin.
Nakalimutan nga kaya nila? Nito kasing mga nakakaraang araw ay marami ring nangyari. Posible kaya?
Sunod-sunod naman akong napailing upang iwaksi 'yon sa isip ko. Why am I thinking that way? Why am I being childish about it? Baka nga nakaligtaan lang nila kung anong date ngayon. Yeah, baka nga ganoon lang.
Kaya naman to get my day started, tuluyan na kong umalis sa kama at nagtungo na sa kusina to prepare breakfast. Dinala ko na rin ang cellphone ko with me para kung baka sakali mang may tumawag o mag-text na sa kanila, di ba?
I just prepared a simple breakfast for me. Like, I toasted a loaf and fried an egg enough for me and I partnered those with a hot coffee. At nang matapos ako at maupo na sa mesa, I checked my phone again. And nothing changed.
Naisip ko naman bigla si Homer. Tulog pa kaya 'yon? Wala pa rin kasi maski isang simple greetings ang isang 'yon, eh. Well, inabot naman kasi kami kagabi ng almost midnight talking on the phone. Baka nga napuyat.
And unlike what I did last time, na hinayaan ko lang siya ang unang magparamdam, hindi na ganoon ang ginawa ko ngayon. I texted him first to greet him.
TO: My Sweetest Love
Hey, love! Good morning! :) Are you already awake? O napuyat ka kagabi?Nakangiting napakagat na lang ako sa aking ibabang labi when I sent him that.
Pero ilang minuto ang lumipas, wala akong natanggap na reply mula sa kaniya. Hindi ko naman maiwasang mapataas ng kilay dahil doon. Oh, maybe tulog pa nga 'yon. Kaya naman sinimulan ko na lang ang pagkain.
While eating, I decided to open my social media accounts. It's been a while na rin since the last time I opened my accounts.
Napangiti ako nang makita ko na may ilan na palang bumati sa akin sa Facebook. Ang iba sa kanila mga kakilala ko somewhere, parents ng mga naging patients ko, at ang iba naman ay mga classmates ko noong college and even in high school.
After I give thanks to all of them with the same replies, doon ko rin napansin na ni isa pa rin pala sa pamilya at mga kaibigan ko ay wala pa ring bumabati.
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...