CHAPTER 17

1.6K 31 0
                                    

CHAPTER 17

"I AM VERY sorry, Doc Heidy, kung hindi man kami makaka-attend sa wedding anniv niyo bukas. Kinailangan talaga naming bumalik dito sa Manila, eh." Paulit-ulit na hingi ko ng tawad kay Doc Heidy nang tawagan ko ito. I explained to her what happened kung bakit kinailangan namin bumalik kaagad dito sa Manila.

(It's okay, Doc Ally. Don't mention it. Tama lang ang ginawa niyo. Mahalaga ang lagay ng Papa mo ngayon. We understand. Don't worry, we will pray for his recovery.) She said at kagat-labing napatango-tango na lang ako sa kawalan.

Hindi naman nagtagal ang naging pag-uusap namin ni Doc Heidy. After that, ibinulsa ko na lang ang aking phone at muli kong nilingon si Mama na ngayon ay nakaupo sa waiting area katabi si Homer na inaalo ito. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pag-iyak si Mama. Kasalukuyan pa rin kasing nasa emergency room si Papa at hinihintay pa rin namin ang paglabas ng doktor mula sa loob upang makakuha ng balita.

Ikinuwento ni Mama sa amin ang mga nangyari bago atakihin si Papa. Pareho raw kasi silang galing sa isang charity event at kakauwi lang daw nila sa bahay nang bigla na lang kapusin si Papa ng hininga at mawalan na nga ng malay. Inaatake na pala n'on si Papa. Mabuti na lang daw ay naroon pa si Mang Boy na driver nila at di pa nakakauwi kaya naitakbo agad dito si Papa. Masiyado sigurong napagod si Papa sa activity sa charity event, gabi na rin kasi itong natapos.

Ngayon lang din nasabi sa amin ni Mama na ilang beses na raw niyang napansin kay Papa na tila may iniinda ito, lalo na sa paghinga. Ilang beses na raw niya itong naabutan na naninikip ang dibdib. Gusto na nga raw niya sana itong ipaalam sa amin pero pinigilan siya ni Papa, ayaw raw kasi nitong mag-alala pa kami.

Hanggang sa nangyari nga ito. This is the very first heart attack na nangyari kay Papa, ito rin ang pinakamalala sa lahat ng sakit na nagkaroon siya. Kung bakit hindi man lang namin napansin na magkakaproblema pala ng ganito si Papa sa puso. Lalo na ako na naturingan pa namang doktor.

Kaya naman grabe talaga ang iyak ko kanina dahil sa sobrang pag-aalala. Hindi ko kasi talaga inaakala na mangyayari ang ganitong sakit kay Papa. Siya na masiyahin at malakas tignan, pero puso pala niya ang bibigay. Pero kanina, bago pa man kami lumabas ng sasakyan at pumasok dito sa ospital, pinilit ko ang sarili ko na tumahan sa pag-iyak dahil ayokong makita ako ni Mama na mahina. Gusto ko kasi na kahit sa akin man lang ay makakuha siya ng lakas dahil sa nangyari.

And aside of that, Homer helped me a lot to calm down. Habang bumibyahe kami pabalik dito sa Manila ay patuloy lang ako sa pag-iyak at pag-aalala kay Papa. Patuloy lang siya sa pagpapatahan at pag-alo sa akin kahit na kasalukuyan siyang nagmamaneho. Patuloy rin niyang sinasabi sa akin na 'Papa is going to be fine' sabay halik ng paulit-ulit sa likod ng aking kamay. Mabuti na lang talaga at nandito lang siya sa tabi ko.

Homer looked up at me once again and gave me an encouraging smile. I just forced myself to smile para suklian 'yon saka niya ko minuwestrahan na lumapit sa kaniya. And I did what he told me to do. Lumapit nga ako sa kanila ni Mama. Inilahad naman niya agad ang isang kamay niya sa akin upang hawakan ko na siyang ginawa ko rin saka ako naupo sa kabilang gilid niya. Kaya naman dalawa na kami ngayon na ina-alo niya.

Tila nanghihina namang inihilig ko ang ulo ko sa kaniyang balikat. Binitawan naman niya ang kamay ko at muli niyang hinagod ng marahan ang aking likod.

After a while, I looked up at him and there, I caught his eyes with mine again. I gave him an apologetic look. "I'm sorry if our supposed to be weekend vacation was spoiled by this." Wika ko sa kaniya.

Tila natalima naman si Mama sa narinig. Kaya napatitig rin ito kay Homer. "Nasa bakasyon pala kayo? I am very sorry kung napauwi pa kayo rito ulit dahil sa nangyaring 'to. Sana nag-eenjoy na kayo ngayon ng magkasama." Paumanhin pa nito.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon