PROLOGUE
"HEY, MAN!" I greeted Yvann as I tapped his shoulder nang lapitan ko siya habang ine-entertain ang mga bisata nila.
Mukhang natalima naman siya sa ginawa ko at agad akong nilingon. "Hey! Finally, you came, asshole!" Nakangising aniya sa akin pabalik.
Then, I shrugged. "Wala akong magagawa, eh. Kaysa naman isumpa mo ko, di ba?" Pabirong tugon ko na lang sa kaniya.
Nagdalawang isip talaga kasi akong dumalo rito sa 5th year wedding anniversary celebration nilang mag-asawa dahil may inaasikaso ako ngayon about sa bago kong hina-handle na project. Pero nitong linggo lang kasi, ni hindi ko na mabilang kung ilang beses ba kong kinulit ng mag-asawang 'to at kinunsensya para lang dumalo.
"Buti alam mo!" Sikmat pa niya. At pagkatapos ay siya namang paglapit na rin sa amin ni Charlene—his wife. Inakbayan niya ito at hinarap nila ko pareho.
"Mabuti nagpakita ka?" Tulad ni Yvann ay sita rin nito sa akin.
"Mahirap na, eh. Kilala ko na topak niyong mag-asawa. Baka ano pang mangyari sa 'kin kapag sinumpa niyo ko!" Naiiling ngunit nakangisi pa ring bwelta ko sa kanilang mag-asawa. Isang tawa naman ang itinugon nila sa akin. "By the way, congrats! Akalain niyo 'yon? Umabot na kayo ng limang taon?" Nanunudyong bati ko naman sa kanila malaunan.
"Well, ganoon talaga kapag itinakda," Yvann said, then, winked at his wife.
Napailing-iling na lang ako sa kanilang dalawa at kumuha na lang ng isang kopitang champagne sa waiter na dumaan at sumimsim. Tss, nagpapaka-love birds na naman sila sa harap ko.
Ilang sandali lang ay bigla namang nag-ring ang cellphone ni Charlene na siyang nakakuha ng atensyon namin. Agad din naman nitong sinagot 'yon.
"Hello, bessy? Nasaan ka na ba?" Bungad nito sa kausap. "Oo, ano ka ba!—Yes, maraming bisita. Karamihan amiga lang nila Mama—Ewan ko sa 'yo! Basta pasok ka lang, ha? 'Wag nang mag-inarte," At pagkatapos ay nakangising ibinaba na muli nito ang cellphone.
"Si Allyna?" Yvann asked his wife.
"Yes, hon. Malapit na raw siya. Akala ko hindi rin pupunta 'yon, eh," anito. Pinagmasdan ko na lang silang mag-asawa habang nag-uusap. Hindi ko kasi kilala ang pinag-uusapan nila.
Hanggang sa bigla na lang akong siniko ni Yvann at nilapitan para bumulong. "Single 'yong friend na 'yon ni Charlene, bro. Gusto mo pakilala kita?" Todo-ngising alok pa sa akin ng loko.
Bahagya ko nga siyang tinulak palayo sa 'kin. "Gago ka talaga! Binubugaw mo na naman ako!"
Siraulo kasi 'yan, eh. Ilang beses na niya kong ipinakilala sa ilang mga babae para maka-date. Ni hindi man lang niya pinapaalam sa 'kin! Pero sa dinami-rami na nang mga babaeng ipinakilala niya sa akin, wala rin naman akong natipuhan. Siguro ganoon talaga kapag hindi pa ulit handa ang puso mo.
"Ayaw mo?" Tila hindi makapaniwalang react pa ni gago. "Pare naman! Ilang taon ka nang single! Ayaw mo pa rin talaga?"
"Pare, hindi naman sa ayaw. Sadyang wala pa rin kasi akong bagong natitipuhan," I simply replied.
"Ay, pare! Panigurado, 'yon, matitipuhan mo!" Giit pa niya.
Mabuti na lang at siniko siya bigla ni Charlene dahilan para malihis ang pansin niya sa akin. "Hon, ano ba? Ang hilig mo talagang pilitin si Homer! Eh, hindi pa nga raw siya handa ulit!" Anito na panay naman ang tingin sa akin habang sinasabi 'yon. Hindi ko tuloy alam kung tinutudyo rin ba ako nito o kinakampihan talaga ako.
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...