CHAPTER 7

1.9K 35 0
                                    

CHAPTER 7

HOMER

"SARAP ng ngiti natin, ah?" Rinig kong wika ni Yvann mula sa aking likuran. Nilingon ko naman ito kaagad habang nakaupo ako rito ngayon sa mini bar counter ng bahay ko at sumisimsim ng brandy, nakarating na pala ang loko.

"Hey!" Bati ko naman sa kaniya. Tinapik naman niya ko sa balikat paglapit niya sa 'kin sabay upo sa katabi kong stool.

"Ganyan ba ang dulot sa 'yo ng meet the family moment mo kanina, ha?" Tudyo na naman ng loko sa akin, sabay salin na rin ng brandy sa kinuha niyang basong may yelo. "Kumusta pala?" Pangungusyoso pa niya agad sabay simsim ng brandy.

Ganito lagi ang hilig naming gawin lalo na kapag may free time kami o di kaya ay stress. Pero this time, nasumpungan ko lang na mag-relax.

Uminom muna ulit ako sa baso ko bago siya sinagot. "Okay lang. It was fun and amazing, bro! Her family was so great, hindi ko akalain na i-we-welcome nila ako ng ganoon." Kwento ko na nga sa kaniya na mas lalong nagpaguhit ng ngiti sa mga labi ko.

"Naks naman! Wala pa man din pero good shot ka na kaagad, ah? Good sign 'yan, pre!" Tugon naman niya sabay tapik na naman ulit sa balikat ko. "So, ano na ang next move mo? Popormahan mo na ba?"

Natahimik ako at napatitig sa kaniya. Ngunit sandali lang 'yon at doon naman ako tumitig sa hawak kong baso saka ito inalog-alog, pinapanood ko kung paano umikot ang yelo rito.

"Hindi ko alam, pre. Pero nagsimula na akong magparamdam sa kaniya kanina, ewan ko kung napapansin na ba niya." Wika ko sabay simsim ulit sa brandy ko.

Naalala ko na naman tuloy 'yong nasabi ko sa kaniya kanina habang lulan kami ng sasakyan papunta sa resto nina Charlene. What I said to her earlier was true. Kaso, hindi naman niya nagawang makasagot dahil biglang nag-text si Charlene sa kaniya hanggang sa maliko na niya sa iba ang usapan. Hindi ko alam kung na-gets niya ba 'yon o hindi.

Nagulat naman ako nang bigla na lang akong suntukin ng loko sa balikat! Tila naguguluhan namang napalingon ako sa kaniya dahil doon.

"Loko ka pala, eh! Bakit kailangan mo pang daanin sa pagpaparamdam kung pwede namang diretsuhin mo na sa pagtatapat?" Aniya na naiiling pa. "Gusto mo siya, di ba? Bakit di mo na kasi diskartehan agad? Pare, ang mga babae, hindi kumakagat 'yan sa mga ganyang pagpaparamdam lang basta! Gusto nila 'yong nalalaman nila para may napanghahawakan sila!" Payo pa niya sa akin na parang hindi ko alam ang mga ganoong bagay. Tsh.

"Gago, alam ko! Humahanap lang naman ako ng tiyempo kung kailan poporma. 'Wag ka kasing mainip!" Wika ko nga sa kaniya.

Bigla naman akong nginisihan ng loko. "Ah, sus! Ang sabihin mo, baka takot ka lang na ma-reject! Aminin mo na!" Aniya pa na siyang ikinailing ko na lang. "'Wag kang mag-alala, pare. Mukhang type ka rin naman ni Allyna, eh. Gusto ka lang sigurong kilalanin pa muna niya kahit papaano." Dagdag pa niya.

Binatukan ko nga siya agad sa sinabi niyang 'yon. "Eh, 'yan nga ang sinasabi ko sa 'yo, loko ka! Ganoon nga ang gusto kong ibigay sa kaniya para hindi niya ko pag-isipan ng kung ano. 'Yong magkakilanlan pa muna kami kahit papaano. Tapos, minamadali mo naman ako! Tsh." Sita ko nga sa kaniya. Nginisihan lang naman ulit ako ng loko sabay tungga sa baso niyang mga natitira pang brandy.

Pero muli naman akong napaisip dahil sa nabanggit niya.

Magkakaroon nga kaya ako ng pag-asa kay Allyna tulad ng sinasabi ni Yvann? Kapag umamin kaya ako, tatanggapin kaya niya ang nararamdaman ko o hindi?

Ang hirap mag-isip! Kaya ang hirap magbaka-sakali, eh. Tsk, ito kasi ang kahinaan naming mga lalaki pagdating sa mga babaeng gustong-gusto talaga namin. Ang rejection. Kaya nga hindi kami makagawa ng basta-bastang kilos para sa kanila.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon