CHAPTER 23

1.5K 29 0
                                    

CHAPTER 23

WHEN I heard my alarm clock started to rang, I immediately woke up from my bed. I have to, para maaga kong masimulan at matapos ang kailangan kong gawin ngayong umaga bago kami lumarga ni Homer mamaya.

One week after, ngayon ay birthday naman ni Homer. Sakto, it's also our third month of being together. Yes, I can't forget the day when we started to be official. Kaya espesyal talaga ngayon ang araw na 'to.

Unlike sa ginawa ni Homer noong birthday ko, na kung saan ay sinurpresa niya ko, wala naman akong ganoong balak sa kaniya ngayon. We both decided na ilaan na lang ang buong araw na ito para sa aming dalawa. Sakto naman na linggo rin ngayon kaya pareho kaming libre. At napagpasyahan ko na mag-picnic kami sa park ngayon.

Kaya heto, 5:00 am pa lang ay gumising na talaga ako para makapagsimula na sa paghahanda ng mga pagkain na dadalhin namin mamaya. By 7:00 am kasi ay a-attend muna kami ng mass, then saka kami didiretso sa park.

I told him yesterday about this, he offered me a help pa nga pero hindi ko 'yon tinanggap. Gusto ko kasing gumawa ng ganitong effort para sa espesyal na araw niyang ito like what he did on my birthday. Kaya magkasama na lang kaming nag-grocery kahapon to buy ingredients that I will be needed to cook my planned dishes that I am going to prepare for our picnic later.

I prepared a usual healthy foods na dinadala sa picnic—sandwiches, fruits, vegetable salad, fresh squeezed apple juice, at dagdag na lang 'yong chips na binili rin namin kahapon. Then, lahat 'yon ay magkakabukod kong inilagay sa food canister at inayos sa picnic basket na dadalhin namin. After that, inihanda ko na rin kasama nito ang gagamitin naming picnic blanket para hindi namin makalimutan.

Past 6:00 am na nang matapos ako sa paghahanda kaya naman dali-dali na akong nagtungo sa banyo para maligo. Mabilis na ang aking naging galaw dahil baka maya-maya lang ay bigla na naman siyang dumating ng maaga.

At narinig ko na nga ang pagtunog ng doorbell nang saktong tapos na akong magbihis at ngayon ay nakaharap na lang sa salamin at inaayos ang aking sarili.

Nand'yan na siya.

Inayos ko na lang sandali ang pagkakalagay ng light lipstick sa labi ko. Nang matapos ako ay kinuha ko na ang aking sling bag at nagtungo na nga sa pintuan upang pagbuksan siya.

Pagbukas ko ng pinto ay nandoon na nga siya at matamang nakatayo. Kaagad ko naman siyang sinalubong ng may pagkatamis-tamis na ngiti sa aking mga labi at masaya siyang binati. "Happy birthday, love! And happy 3rd month of love for us." At agad kong ibinuka ang aking mga bisig to invite him for a hug. Tila nagulat naman siya sa ginawa ko pero kaagad din siyang nakabawi at yumakap sa akin ng mahigpit.

"Thank you, love. And to you, too. Happy 3rd month of love." Aniya at bumitaw na rin sa akin. Masaya niya ring sinuklian ang ngiti ko at mabilis niya akong hinalikan sa aking mga labi, na agad ko rin namang tinugon. Ilang segundo din 'yon tumagal bago niya muli akong pinakawalan and stared at me. "Let's go?"

"Wait, I'll just go get the basket and the blanket—"

Ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naunahan na niya akong makapasok sa sala. Ang bilis niya talagang gumalaw! Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya. Nakita naman niya agad 'yong picnic basket at blanket na ipinatong ko roon sa coffee table. Binitbit na niya agad ang mga ito at muli akong binalikan. Ini-lock ko na lang kaagad ang pinto ng unit ko ng makalabas kami.

"Let's go?" Anyaya na niya ulit sa akin. Nakangiting tinanguan ko na lang siya at kumapit na ako sa braso niya. Sabay na nga kaming naglakad paalis.

Nang makababa ay pinasakay na muna niya ako sa passenger seat bago niya inilagay sa compartment ng sasakyan 'yong picnic basket at blanket, at pagkatapos ay umikot na nga siya papunta sa driver's seat at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon