CHAPTER 30

1.8K 25 0
                                    

CHAPTER 30

"HERE, FOR YOU." Napalingon ako kay Homer nang muli ako nitong balikan at inabot sa akin ang isang baso ng tubig na hiningi ko sa kaniya kanina lang. Kaagad ko naman 'yong tinanggap and I gave him thanks for that.

Narito kami ngayon sa balkonahe ng bahay niya. After I check his son's condition, ako na ang nagyaya sa kaniya to have a talk, finally. At dito ko na nga pinili na mag-usap kami.

I took a sip first on the glass of water that he gave me before facing him. "Don't worry about your son. I already gave him a right meds para bumaba na ang lagnat niya, tama lang na nakapagpahinga na siya ngayon. I found out that he stressed his self out kaya siya nilagnat ng ganoon." Wika ko sa  kaniya.

Napatango-tango naman siya at tila nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ko. "Mabuti naman. Isang linggo na kasi siyang ganoon. He's still looking for his mother na hindi naman babalik." Aniya at saka niya ko tinitigan ng mataman. "Thanks for coming, Allyna."

Tipid ko na lang siyang nginitian at tinanguan bago ko ibinalik ang pansin ko sa maaliwalas na tanawin ng gabi.

Ilang sandali ay naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa akin habang nakasandig ang mga siko ko sa railings. Muli kaming natahimik at tila nagpapakiramdaman lang.

I was the one who broke the silence. "He's really your son, kamukhang-kamukha mo siya." I told him.

"Yeah, aminado naman ako d'yan." Tugon naman niya agad.

Muli ko naman siyang nilingon. "How old is he?"

"Six years old," He answered. "He's the reason why you found me lonely on the day before we go to Tagaytay. Birthday niya kasi n'on and I missed him." Dagdag pa niya.

Napatango-tango na lang ako sa sinabi niya, I got nothing to say. Talaga pa lang nangungulila siya sa anak niya. Now I understand.

"So, I guess, you're happy now because he's with you now finally." Wika ko.

Hindi naman siya sumagot kaagad, mataman niya munang sinalubong ang aking mga mata at malaunan ay napahinga siyang muli ng malalim. "Kinda,"

Nangunot ang noo ko sa sagot niya. "Kinda?"

He nodded without breaking an eye contact with me. “Masaya ako na nasa akin na ulit ang anak ko at kasama ko na siya, pero hindi naman ako kumpleto dahil wala ka.”

I stayed silent for what he said, I just let him continue what he's saying.

“I’m sorry kung pinili kong maglihim sa ‘yo. Sorry kung hinintay ko pa na ikaw mismo ang makaalam sa ganoong tagpo ng nililihim ko. Alam kong nasaktan kita ng sobra sa pagtatago ko sa ‘yo ng totoo tungkol sa nakaraan ko, pero natakot lang naman ako na hindi mo ko matanggap. Na iwan mo ko tungkol doon… na nangyari rin naman.” Aniya.

Doon na ako nagbawi ng tingin sa kaniya. Muli kong binalik ang aking pansin sa kawalan and I breathe in.  “I admit, I was really hurt when I found it out, at sa ganoong tagpo pa. It was like cutting my heart into pieces by the mere thought of you having your own family already and it’s not me that you’re with. Ang sakit makita na you’re in a picture of a complete family but I am not the woman with you." Pag-amin ko. Kasabay n'on ang pamumuo na rin ng luha sa aking mga mata ngunit pinilit kong pigilan 'yon sa pagtulo. "Natakot ako... nasaktan, dahil hindi ko pala kayang tanggapin na hindi ako ang kasama ng taong mahal ko sa ganoong tagpo, sa ganoong eksena." Patuloy ko at hindi ko na napigilan pa ang pumiyok.

He moved close to me at  hindi na siya nag-alinlangan pa na yakapin ako, hinalikan niya pa ako sa gilid ng aking ulo. Doon na ko napaiyak nang tuluyan kaya naman hindi ko na siya pinigilan pa. Sa halip ay inihilig ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya. I missed him so much.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon