CHAPTER 12
IT'S WEEKEND. Specifically, Sunday. And today, we decided to go on a date. Sa ilang araw na nagdaan, pareho kaming naging busy. Lalo na siya. And since we finally have a free time now, we will spent this long day together.
Kaya naman maaga akong nagising. Baka kasi mamaya, bumulaga na naman siya bigla sa harap ng pinto ko.
Actually, we're going to church first to attend a mass. Mas mainam 'yong sisimulan mo 'yong araw niyo na blessed kayo, di ba?
I just wear a plain white long-sleeve na may lace on top at simple skinny jeans lang sa pambaba para kumportable ang galaw ko kaysa sa mag-dress. Then, I wear a high-heeled closed shoes na color white din. And for my face, I just put a light and thin make up at hinayaan ko lang na nakalugay ang straight kong buhok. Honestly, I'm not a fan of a heavy make-up. Kung maaari nga mas gusto ko na powder and lip gloss lang, eh. Pero para mas magmukha man lang akong presentable sa harap niya, medyo nag-ayos pa rin ako.
When I was about to get my sling bag and phone, wallet, powder, and lip gloss for retouch lang ang kayang ilagay, the doorbell finally rang. Pagsukbit ko nito, nilingon ko na ang pinto. Napangiti ako nang maisip ko na siya na siguro 'yan.
At hindi nga ako nagkamali, pagbukas ko ng pinto, siya na nga ang bumungad sa harap ko.
"Hi," I greeted him with a smile on my face.
Hindi naman siya kumibo agad. He just stared at me that lasted for seconds, then after that, sinuklian niya na rin ako ng isang matamis na ngiti.
"Hi, beautiful..." He finally greeted me, never breaking his eyes on me.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Beautiful ka d'yan!" React ko at lumabas na ako ng unit ko. Siniguro ko munang i-lock ang pinto bago ko siya muling hinarap. "Let's go?" At anyaya ko na nga sa kaniya.
He simply nod and offer his hand on me. Agad ko namang tinanggap 'yon at magkahawak-kamay naming tinungo ang elevator.
Nang makarating kami sa simbahan, saktong kasisimula lang ng misa. Hindi naman puno ang simbahan kaya madali lang din kaming nakahanap ng mauupuan.
Habang nakikinig kay Father, mataman lang kaming nakikinig dito. Pero kasabay n'on ay ang paglalaro naman niya sa kamay ko. Minsan hinihilot niya ang palad ko, minsan naman ang mga daliri ko naman ang pinagdidiskitahan niya. Hinayaan ko na lang naman siya sa bagay na 'yon. Mabuti na lang at hindi malakas ang kiliti ko sa kamay at hindi rin ako pasmado.
Maya't maya rin ang titig niya sa akin na para bang sa isang iglap lang ay mawawala ako sa paningin niya. Napapangiti na lang ako sa kaniya at bahagyang napapailing kapag nagtatama ang mga paningin namin. Ang kulit niya!
Pagkatapos ng misa ay agad din kaming lumabas ng simbahan. Napagdesisyunan namin na humanap ng makakainan para mag-breakfast muna. Until we end up on a café nearby. Natakam kasi ako sa mga pastries na nakita ko roon.
"Mahaba pa ang araw na 'to, saan naman ang next destination natin?" I asked him nang malapit ko nang maubos ang pagkain ko.
"Don't worry, naplano ko na kung saan kita dadalhin ngayon. Since this is our first date, I made sure na magugustuhan mo ang lugar na 'yon." Aniya sabay dukwang bigla sa akin para punasan ang gilid ng labi ko gamit ang thumb niya. Bahagya naman akong napaatras sa gulat nang gawin niya 'yon. At napamaang na lang ako nang bigla na lang din niyang isubo ang hinlalaki niya upang kainin ang kung anumang pinunasan niya sa labi ko. Malamang, cheese 'yon ng special ensaymada na kinakain ko.
"A-Ano ka ba! Bakit kailangan mo pang gawin 'yon? Galing kaya sa labi ko 'yon!" Halos pabulong na sita ko nga sa kaniya, baka kasi makakuha ako ng atensyon ng ibang narito.
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...