CHAPTER 27

1.4K 25 3
                                    

CHAPTER 27

“OKAY? BAKIT parang ang lalim yata ng iniisip natin?” Bigla akong natauhan mula sa malalim na pag-iisip nang makabalik si Charlene at inabot sa akin ‘yong hiningi kong juice. Naupo rin ito kaagad sa katapat kong upuan. “May problem ba? Ano bang iniisip mo?”

Napaayos naman ako ng upo at kaagad na umiling. “Wala naman.” I simply replied at hindi ko maiwasang hindi mapahinga ng malalim.

“Naku, wala raw! Eh, bakit ang lalim yata ng buntong hiningang ‘yon?” Hindi kumbinsidong react kaagad nito. “May gumugulo ba sa isip mo? Tell me. Masama raw ‘yong sinosolo ang mga ganyan, eh.”

Ilang sandali akong natahimik bago muling nagsalita. “I’m just… I’m just thinking about something,” Pag-amin ko na rin.

“Something about what?”

Napatitig ako kay Charlene. Should I tell her about it? Iniisip ko kasi na baka mababaw lang para rito ang pinakaiisip ko ng ilang araw na. ‘Yon din kasi ang iniisip ko sa sarili ko, eh. I don’t know kung dapat pa bang isipin ko ang bagay na ‘yon at patuloy na guluhin ang isip ko but… I can’t help it. It keeps on bothering me.

“It’s about Homer,” And at the end, napagpasyahan ko ring sabihin nga sa kaniya.

Kaagad naming nangunot ang noo niya sa pagbanggit ko kay Homer. “About Homer? Bakit? LQ kayo?” Sunod-sunod na tanong pa nito kaagad.

Muli akong umiling. “No, hindi naman.” I answered at napaiwas ng tingin.

“So, kung wala naman pala, anong gumugulo sa isip mo about kay Homer?”

Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Umayos ako ng upo at matamang napatitig sa kaniya. “’Di ba nanganak na si Ate three days ago?”

“Yeah? Oo nga,”

“And that night, Homer and I immediately went to the hospital.”

“O-kay?”

“And we’re all happy when Ate finally gave birth to baby Gavren… and also Homer.”

“Siyempre naman! Sino bang hindi matutuwa sa ganoon?” At mas lalo pang nangunot ang noo ni Charlene. Tila gulong-gulo na sa mga sinasabi ko. “Why do you look unhappy about it? Aren’t you happy? And why do I feel na hindi mo gusto ‘yong idea na masaya rin si Homer about it?”

At sa isa pang pagkakataon, napahinga na lamang ulit ako ng malalim. “Hindi naman sa gan’on, pero…”

“Pero ano?” Aniya na tila naiinip nang malaman ang pinupunto ko. “Teka nga, bessy! Diretsuhin mo na nga kasi ako. Hindi ko makuha ang gusto mong sabihin, eh!”

“It’s not about Homer being happy about baby Gavren… but it is about the other emotion I saw through his eyes that night!” Pag-amin ko na. At napahilamos na lamang ako ng wala sa oras sa aking mukha. “Aside from being happy, I also saw longing in his eyes while he’s looking at baby Gavren. And that’s what’s bothering me.”

Yes, ilang araw na nga ang nakalilipas pero ang idea na ‘yon ay patuloy pa ring gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam. Ilang beses na akong na-curious about Homer pero sa pagkakataong ito lang ako mas napaisip ng ganito sa kaniya, sa mga hindi ko pa alam tungkol sa kaniya.

I saw Charlene stilled after I said that and she stared at me. Looks like she is waiting for me to continue talking about my thoughts. So I did. “I-I know I’m being lame for thinking and giving meaning about that, but… it’s leaving questions in my mind, Charlene. I can’t think of any possible idea where he’s getting that. For whom is he longing for?”

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon