CHAPTER 14
WHEN lunch time came, of course, sinundo na naman ako ni Homer sa clinic para sabay kaming kumain. Actually, sa mga ganitong oras lang at sa gabi bago umuwi sa kani-kaniya naming inuuwian kami nagkakaroon ng time para magkita at magkasama.
"Hey," Pukaw ko sa atensyon niya nang maabutan ko siyang nakasandig sa hood ng kotse niya at malamang ay hinihintay ang paglabas ko. Inayos ko pa muna kasi 'yong gamit ko roon sa loob at binilinan si Vina bago kami umalis.
Napaangat naman siya kaagad ng tingin sa akin. Nang lapitan ko siya ay agad naman niya kong hinalikan sa noo na siyang nakasanayan ko na sa kaniya sa tuwing magkikita kami.
Kung noong nililigawan pa lang niya ko kuno ay sweet na siya, mas nadagdagan pa ngayon. Hindi siya nag-aalinlangan na i-express ang true feelings niya for me sa ilang araw pa lang na lumipas. And that's why I am falling deeply for this man.
"Let's go?" He asked. Tinanguan ko na lang siya bilang tugon. At hindi nagtagal ay pinagbuksan na nga niya ako ng pintuan sa passenger seat at inalalayan pa akong makasakay roon. Nang makasakay na rin siya ay agad na rin niyang pinaandar paalis ang sasakyan.
Sa resto lang nina Charlene kami kakain, request kasi n'ong mag-asawa. Noong isang araw pa inuungot ni Charlene 'yon, lalo pa noong sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa amin ni Homer. Dahil doon ay gusto niya raw kaming makita at intrigahin, of course. Pero noong mga nagdaang araw ay wala naman si Homer dahil kailangan niyang bisitahin ang project nila sa Batangas, ngayon lang siya nalibre kaya ngayon lang kami ulit lilibot sa resto ng bruhang 'yon.
Nang makarating kami roon ay pinarada na rin niya agad ang kaniyang sasakyan sa hilera ng mga nakaparada ring sasakyan. Muli naman niya kong inalalayan sa pagbaba at magkasalikop ang aming mga kamay ng sabay na naming pasukin ang resto.
"OMG! OMG!" Bungad kaagad sa amin ni Charlene nang makita kami nito. Tila ba gulat na gulat ito at hindi makapaniwala sa nakikita. Actually, sa magkahawak-kamay namin ni Homer siya nakatingin. "OMG! Totoo na nga!" Tili pa niya na talagang nilapitan pa kami at itinaas ang makahawak naming kamay. "Honey, look!"
Nakangiting nilapitan nga rin kami ni Yvann at tinapik si Homer sa balikat. "So, finally. I'm happy for you, bro."
"Salamat, salamat." Kagat naman ni Homer sa kaibigan habang nakangisi.
"OMG, bessy! Ako rin, siyempre. I'm so happy for the both of you! Sabi ko na nga ba, mag-ki-click talaga kayo!" Bulalas pa ni Charlene na talagang napapatakip pa sa bibig. Nakangising napailing-iling na lang ako sa reaksyon nilang mag-asawa.
"At dahil d'yan, libre ko na ang lunch niyo!" Dagdag pa niya at inanyayahan na kaming maupo. Pinaghila pa muna ko ni Homer ng upuan bago tuluyang naupo sa katabi kong upuan. "Pero siyempre, chi-chikahan niyo kami kung paano nga ba 'yan nangyari bilang kapalit. Kaya sige na, pili na kayo nang makakain na muna tayo!" Aniya pa na tila hindi na nga makapaghintay sa ikukwento namin.
Pero hindi pa man nai-se-serve ang pagkain namin ay panay na ang intriga sa amin ng mag-asawa. Panay ang pakuwento at pangungulit sa amin, though expected naman na namin ito.
Masaya naman naming sinasagot ang mga tanong nila at masaya rin naming kinukwento sa kanila ni Homer ang lahat, wala namang dapat ikahiya, eh. Especially now that we both know that we love each other.
Hanggang sa kahit na naihain na sa amin ang pagkain, nagpatuloy lang kaming lahat sa masayang kwentuhan. Tila hindi kasi nauubusan ng tanong at kwento 'tong si Charlene, eh. Napakadaldal! At ganoon din si Yvann na panay ang tudyo kay Homer. Mabuti na lang at nasasakyan naman nitong isa, mukhang sanay na sanay na siya sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...