CHAPTER 4

2.2K 57 1
                                    

CHAPTER 4

ALLYNA

ANOTHER hour had passed while I'm here in my clinic. Kaaalis lang n'ong huling pasyente ko kaya wala na ulit akong ginagawa. Si Vina na kasi ang umako sa pag-check ng data records kaya wala na kong ibang magawa kundi ang magpalipas na nga lang ulit ng panibagong oras.

I took a glance at my phone again, wala rin namang kumo-contact sa akin for this day. Lalo na ang inaasahan kong tatawag.

Ilang sandali, binuksan ko ulit ang cellphone ko. And there, I found myself looking on my contacts and I stopped when I saw his name.

I stared at it. Ano namang gagawin ko? Tatawagan ko siya? Ano namang sasabihin ko?

But in the end, pinatay ko na lang ulit ito at napasandal na lang sa swivel chair ko.

Dalawang araw na simula n'ong huling kita namin ni Homer. I really enjoyed the day with him, I admit that I'm comfortable with that guy. He's so nice and gentleman, at mukhang hindi naman siya nagkukunwari sa bagay na 'yon.

At n'ong gabi noong araw din na 'yon, sa hindi ko malaman na kadahilanan, doon na ko nagsimulang mag-abang ng tawag niya from time to time. Alam kong aabutin ng ilang araw bago niya matapos 'yong sketch plan para kontakin niya ko ulit, pero ewan ko ba! Abang pa rin ako nang abang sa walang kasiguraduhan.

Aaminin ko rin na itong nangyayari sa sa sarili ko ngayon, hindi ko na rin maipaliwanag. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito towards him. Basta, isang araw, gusto ko na ulit siyang makita.

Teka, gusto ko na ba siya? I asked myself.

Napailing-iling na lang ako sa tinatakbo ng isip ko. Mukhang nababaliw ka na nga para kausapin ang sarili mo, Allyna.

"Doctora, okay lang po ba kayo?"

Bigla naman akong natauhan nang marinig ko ang boses ni Vina. Kaagad akong napatingin dito, and I can see through her face na parang na-wi-weirdo-han siya sa akin.

Napaayos ako ng upo. "Ha? Why? What do you mean?" Kunwari ay hindi ako aware sa concern niya.

"Parang malalim po kasi ang iniisip niyo, tapos, patingin-tingin ka pa po d'yan sa cellphone niyo. May inaasahan po ba kayong tawag?" Anito.

"Ah, wala, wala naman!" Tanggi ko. Nakakahiya, Allyna! May nakakita pa tuloy sa ka-weirdo-han mo!

Napatango-tango na lang ito malaunan bilang tugon.

Napasulyap naman ako muli sa wall clock. May thirty minutes pa bago ang lunch break. At kahit na ganoon ay naisip ko nang magpaalam kay Vina.

But when I was about to speak ay naunahan na ako nito.

"Doctora, mag-break na po kaya kayo? Baka po kasi gutom na kayo, eh. Di ba, sabi niyo, hindi na kayo nakapag-breakfast kanina? Kapag po may dumating sasabihin ko na lang na bumalik mamaya." Wika nito.

That's true. Hindi ko na nagawang mag-breakfast kanina dahil tinanghali na ko ng gising. Pero kahit na walang kain ay hindi ko naman ramdam 'yon ngayon. Pero mukhang kailangan ko na nga ring kumain, ayoko nang magpalipas pa ulit ng gutom.

"Yeah, mukhang kailangan ko na ngang kumain." Sang-ayon ko na nga sa kaniya. Kaya naman tumayo na ako at tinanggal na ang gown ko at maayos na isinampay ito sa swivel chair ko. "How about you? Ayos ka lang ba na maiwan dito?"

"Opo, Doctora! Darating din naman po rito maya-maya sina Andrew at Giselle, hindi po ko maiiwang mag-isa." Tugon nito na ang tinutukoy ay ang dalawang pinsan na kilala ko na rin. Sa kabilang shop lang kasi nagtatrabaho ang dalawa at dito dumadayo ang mga ito kapag lunch break.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon