CHAPTER 6
ALLYNA
KASALUKUYAN akong nag-aayos ng mga gamit dito sa event nang bigla kong maramdaman ang marahang pagsiko ng kung sino sa kaliwang gilid ko. Paglingon ko ay nakita ko si Ate na pangisi-ngisi.
Ilang minuto lang n'ong dumating kami rito kanina ay dumating na rin silang mag-asawa. Kahit na maselan ang kalagayan niya sa pagbubuntis ng first baby nila ay pinilit pa rin talaga niyang pumunta.
"Why?" Tila walang ideya na tanong ko sa kaniya.
"May kumikislap d'yan sa Architect mo, ah? Nakikita ko." Aniya.
Hindi ko naman mapigilang mapakunot ng noo sa ibig niyang sabihin. "Ha? Anong sinasabi mo d'yan, Ate?"
Nakangising inirapan naman niya ko bigla. "Ay, sus! 'Wag ka ngang pa-inosente d'yan, sister! Halatang-halata kaya sa kaniya, lalo na kapag tinatapunan ka niya ng tingin! Ilang beses kong nahuli 'yon kanina kahit malayo siya sa atin." Tugon niya sabay pasimpleng sulyap pa sa kinaroroonan nina Homer, Kuya Gav at Papa na ngayon ay nag-uusap about doon sa sketch plan. Sandali rin naman akong sumulyap sa mga ito dahil sa sinabi niya.
Nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya. Ibinaling ko ang pansin ko sa box na pinaglagyan kanina ng mga pagkain para sa mga bata. "Ewan ko sa 'yo, Ate! Porque buntis ka lang, kung anu-ano na lang nakikita mo!" Bwelta ko nga sa kaniya ignoring what she's saying.
"Ano ka ba! Hindi kung anu-ano lang 'yong nakikita ko sa mga mata niya! Hoy, 'yong mga gaanong tingin, nakita ko na 'yan minsan sa Kuya Gav mo noong nagkagusto siya sa akin!" Giit pa niya na siya namang ikinatawa ko.
"Wow, Ate, ha? Talagang idinamay mo pa ang love story niyo ni Kuya Gav!" Naiiling na bwelta ko nga sa kaniya.
"Why? Totoo naman 'yon, 'no!" Aniya sabay ngiti na rin sa akin. "Basta, kahit gaano ka pa magpaka-in denial d'yan, 'yon talaga ang na-fi-feel ko. Saka, ano naman kung may something sa 'yo 'yang si Architect, eh, ang gwapo naman niya? Bagay kayo! Tapos binalita kaagad sa akin ni Mama kanina na single pa siya—at mukhang tigasin naman siya." Pagpupumilit pa nito na alam kong may ibig sabihin siya roon sa huli niyang sinabi. It's about my ex-boyfriend na minsan ko na ring ikinuwento kay Homer. Alam din nila kasi 'yon. Hindi ko na lang siya pinansin.
Napahinga naman ako ng malalim habang kasalukuyang inaayos pa rin ang ilang mga gamit. "'Yan, isa pa 'yang si Mama! Harap-harapan ba naman niyang tinanong 'yan kay Homer? Nakakahiya!"
"Mukhang bet din kasi ni Mama si Architect para sa 'yo! Aside sa gwapo na raw at professional, mukha rin daw mabait."
Doon na ko napatigil sa ginagawa ko at wala sa sariling napatuwid ng tayo at napatingin muli sa kinaroroonan nina Homer. Saka ako napangiti. "Actually, mabait talaga siya." Hindi lang siya mabait, gentleman at masaya pa siyang kasama.
"Aruru! Agree agad siya, o!" Agad namang react niya na talagang sinilip pa ang mukha ko. Tsk, nakita pa niya tuloy akong nakangiti! "Uy~ Sis, may dapat ka na bang i-kuwento sa 'kin?" Pangungulit pa niya.
Nagbawi nga agad ako ng tingin sa mga ito at agad na nagmaang-maangan. "What are you talking about?"
"Pa-in denial queen lang ang peg?" Aniya ng nakangisi pa rin. "Type mo rin 'no?"
Napailing-iling na lang ako at hindi ko na ngang napigilang mahawa sa pagngisi niya. "Ate, mag-iisang linggo pa lang kaming magkakilala. Nagbibigay ka na kaagad ng malisya d'yan."
"Eh, ano naman ngayon? Kailangan bang manghingi ng matagal na panahon para masabi mo sa sarili mo na gusto mo ang isang tao?" Bigla ay tanong naman niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...