CHAPTER 13

1.7K 38 0
                                    

CHAPTER 13

HALOS mapanganga ako nang tuluyan na kaming makapasok ni Homer sa loob. Agad na bumungad sa amin ang malawak na paligid na napupuno ng iba't-ibang kulay at uri ng mga bulaklak. Napakarami! Napakagandang pagmasdan. Kaya naman sa pagka-excite ko, napabitaw na ko sa kamay ni Homer at tuwang-tuwa na nilapitan ko ang mga ito.

Nakahilera bawat grupo ang mga bulaklak base sa uri nito. Agad ko namang nakikilala ang ilan sa mga ito dahil madalas kong nakikita ang mga ito sa pag-se-search ko sa internet. Kaya naman agad kong nilabas ang cellphone ko upang kuhanan ang mga ito sa bawat magagandang anggulo. Sobra akong namamangha sa ganda ng mga bulaklak, ang sarap pagmasdan lalo na 'yong may matitingkad na kulay!

Minsan na akong nakapunta sa ganitong flower garden, at hindi nagbabago, ganito pa rin ang nararamdaman ko kapag nakakarating ako sa ganitong lugar. Malaki talaga ang epekto sa puso ko ng mga ganitong bulaklak, eh. Pakiramdam ko, nagbibigyan din nila ng magandang kulay ang puso ko.

Ilang sandali ay saka ko lang ulit napagtanto na may kasama nga pala ako, hindi nga pala ako nag-iisa. Kaya naman muli kong nilingon si Homer. Nahuli ko naman siya na kuntodo-ngiting nakamasid at nakasunod lang sa akin.

"Sorry, muntik ko na yatang makalimutan na kasama kita. Sobrang captivating kasi ng mga bulaklak." Paumanhin ko naman sa kaniya at muli ko na siyang ilapitan at hinawakan sa kamay. "Thank you for bringing me here. I really love this place!" I said.

"I know you would." Tugon niya sabay pisil sa kamay ko.

"How did you know this place?" Then, I asked.

Iginiya naman niya ako na magpatuloy na sa paglalakad habang magkahawak pa rin ang aming mga kamay at patuloy na pinagmamasdan ang hilera ng mga tanim na bulaklak. Napakaganda talaga!

"I knew this place since I contributed on planning this," Sagot naman niya sa tanong ko.

Hindi makapaniwalang napatingin naman ako ulit sa kaniya. "You were the architect of this flower garden?"

He nodded. "Yes," At agad na sagot niya. "Dalawang taon na ang nakakaraan mula nang maitayo ito. At mula noong araw na buksan ito, araw-araw na itong dinarayo ng mga tao." Aniya pa.

Mukhang tama nga ang sinabi niya dahil ngayon pa lang, hindi na mabilang ang mga taong turista na narito rin ngayon tulad namin at ine-enjoy ang kagandahan ng lugar. Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha sa ganitong kagandang scenery? It's so breathtaking.

Muli ko namang inihanda ang camera ng cellphone ko at itinutok ito sa harap namin. Hinila ko naman siya palapit sa akin and I felt him stilled a bit because of that.

Magkalapit ang mga katawan namin ngayon, sinadya ko 'yon para masakop kami pareho sa camera. Nasa likuran ko siya at muli ay inaayos ko ang pagkakatapat ng cellphone ko sa harap namin at sinadya kong makuha ang scenery sa likod namin para gawing background.

"Come on! Smile okay?" Wika ko sa kaniya. At nang makita ko na nakangiti na nga siya sa camera, I immediately captured it. At siyempre, hindi ako nakuntento sa isa lang. Kumuha pa ako ng ilang shots na iba-iba ang poses namin.

"One last shot—" I told him paglingon ko sa kaniya pero agad akong natigilan nang halos magtama na ang mga mukha namin sa ginawa ko.

Nagkatitigan kami mata sa mata while our faces are inches away and our lips are almost touching kung gagalaw pa ako.

Napalunok na lang ako nang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. And when he looked up at my eyes again, he smiled at bigla na lang siyang gumalaw. Inabot niya 'yong phone sa kamay ko at siya na ang humawak. Bahagya na lang akong napaatras sa gulat sa ginawa niyang 'yon. Pero agad naman niyang hinawakan ang gilid ng mukha ko using his free hand and suddenly kiss me on my forehead while his eyes are shut. And I automatically smiled when I felt flattered for what he did. Kaya naman nakangiting ipinikit ko na rin ang mga mata ko to feel it more kasabay ng malakas na pagkabog ng puso ko.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon