CHAPTER 24
"NAKAKALOKA kayong mag-jowa! Hindi namin akalain na seseryosohin niyo talaga 'yong biro ko!" Bulalas ni Charlene habang inilalagay nina Homer, Harvey, at Yvann ang mga gamit namin sa compartment ng family van ng mga ito. Ito na ang ginamit naming sasakyan papunta sa airport at family driver na rin nila Charlene ang maghahatid sa amin dahil hassle pa kung sasakyan pa namin ang gagamitin, walang magda-drive pabalik.
"Pero thank you talaga, ah? Nagkaroon tuloy kami ng instant bakasyon. Namimiss ko na ring mag-beach!" Wika pa nito sabay lingon sa Mom ni Homer na nasa sa loob na ng van pagdating. "Tita, thank you, ah!"
Kaagad namang ngumiti si Tita Glenda kay Charlene. "Don't mention it, hija. Mas marami, mas masaya." Anito at nag-apir pa talaga sila.
Natawa na lang ako sa reaksyong 'yon ni Charlene habang karga ko naman ang anak nitong si Chloe. "Excited daw si Mommy mo na mag-beach? Si pretty Chloe ba excited din?" Tanong ko sa bata sabay halik sa pisngi nito.
Mabilis naman itong tumango nang nakangiti. "Opo, Ninang Ganda! Nakikita ko po 'yong beach sa TV, eh. 'Yong may malaking tubig? Tapos maraming nag-su-swim!"
"Talaga? So, mag-su-swim ka rin?" I asked her.
"Opo!" At napangisi na lang ako sa napaka-cute na reaksyon nito.
Naisip nga namin na isama silang buong mag-anak sa 2-day beach vacation namin kasama ang family ni Homer, bilang pambawi na nga sa naitulong ng mag-asawa sa amin. Oo, talagang na-shocked nga si Charlene when we told them about it at the same time excited. Hindi nga raw nila akalain na tototohanin namin ang biro niya sa amin.
Well, deserve naman nilang mag-anak na bigyan sila ng instant bakasyon para makapag-relax naman sila, tutal, bakasyon pa naman ni Chloe from school. Alam naman naming may kakayahan din sila na gawin 'yon kahit solo lang nilang mag-anak, pero parang hindi na nila 'yon napagtuunan ng pansin dahil sa mga trabahong araw-araw nilang kinakaharap. Lalo na ni Yvann. They also need a break.
"So, ano, Ate Cha? Nag-ready ka ba naman ng swimsuit mo?" Pabirong tanong sa kaniya ni Hailey kapagkuwan.
"Ay, oo naman!" Pagmamalaki pa ng loka. Pero agad na lumapit pa sa amin at bumulong. "Pero secret lang kay Yvann. Papaluin ako n'on kapag nalaman niya." Aniya pa na ikinatawa naman namin pare-pareho.
"Eh, ikaw, bessy? May dala ka ba?" Biglang pasa naman ni Charlene ng tanong sa akin.
"Ha?" Maang ko. "Ahmm, hindi na. You know, hindi ako nagsusuot ng gan'on. First and last na talaga noong pageant n'ong college. Hindi ko talaga kinaya 'yong ganoon ka-revealing!" I answered.
Wala talaga akong dinala, hindi naman kasi sumagi sa isip ko ang magsuot ng swimsuit for swimming. Saka isa pa, hindi naman talaga ako ganoon ka-beach goer, eh. Madalang akong sumabak sa ganitong bakasyon lalo na nang mapunta na ko sa field ng medisina, hindi ko na naisisingit.
"Ano ka ba naman! Minsan na nga lang, eh. Talagang itatago mo lang ang kagandahan ng katawan mo sa buong bakasyon natin?" React bigla ni Cha.
"Why, Ate? Ayaw ka bang payagan ni Kuya?" Tanong naman ni Hailey.
"Ahmm, hindi naman. Well, hindi ko rin naman binabanggit sa kaniya na may hinanda akong ganoon dahil wala namam talaga. Talagang ayoko lang." I said.
"No, Ate! Kailangan 'yon! Minsan lang 'to, eh!" Pagpupumilit pa ni Hailey. "Wala kang dala? Well, I have a spare one-piece bikini here. 'Yon na lang ang sa 'yo kung ayaw mo ng revealing, okay?" Bigla namang dumikit ito sa akin at bumulong. "Saka gusto namin makita kung paanong maglayaw sa 'yo si Kuya kapag nakita kang napaka-sexy ng suot!" Anito na may mapanloko pa talagang ngisi sa mga labi.
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...