CHAPTER 8
ALLYNA
"ASHLEY, listen, okay?" Kuha ko sa atensyon ng pamangkin ni Charles matapos ko itong i-check up. Marahan naman itong tumango. "Iwas na muna sa sweets and junk foods, ha? And you have to take a rest para lumakas ka na ulit. Kapag nagawa mo 'yon, your body will be strong and healthy again!" Payo ko nga rito.
"Okay, Doc. Susundin ko po ang sinabi niyo! Ayoko na po ulit maging weak." Tugon naman kaagad nito.
Natuwa naman ako sa sinabi nito. "Very good!" Wika ko sabay pisil ng marahan sa magkabilang pisngi nito. Ang cute kasi nitong pamangkin ni Charles, eh. Ang taba pa.
"Ipa-take mo na lang sa kaniya 'yang mga gamot na ibinigay ko. Then, alalayan niyo muna siya sa paglalaro ng matagal, kailangan muna niya ng enough na pahinga." Payo ko na rin kay Charles nang muli ko itong harapin.
"Okay, sasabihan ko 'yong nanay nito. Hindi ko na kasi mahaharap ng matagal 'tong batang 'to, eh. Hindi naman masamahan dito ng ina dahil nasa trabaho, sa akin lang naiwan." Anito.
"Kailan pala ang balik mo sa London? Bakit kasi hindi mo pa isinama ang asawa mo rito sa Pilipinas nang makapagbakasyon naman?" I asked.
Doon na kasi siya naka-based sa London kasama ang foreigner niyang asawa. Sabi niya kasi kanina, siya lang ang umuwi rito sa Pilipinas, umuwi lang daw siya rito dahil sa pagkakaatake ng Mommy niya na mabuti na lang ngayon ay agad din namang naka-recover.
"Aalis na rin ako sa isang araw. Sabi ko nga, umuwi lang ako dahil kay Mommy. Hindi ako pwedeng mag-leave ng matagal sa trabaho, eh. Hindi ko naman maisama si Trevor dahil kailangang-kailangan siya sa trabaho niya kaya hindi nga kami makauwi ng magkasama rito." He explained. Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. Trevor, that's his husband's name.
"O sige na, aalis na kami. Baka napaghihintay ko na ng matagal 'yong special friend mo, eh." Paalam na nito malaunan, at nginitian na naman ako ng mapangtudyo after saying that. "Gwapo siya, bagay kayo. At mukhang interesado talaga siya sa 'yo." Dagdag pa nito na talagang binalingan pa ng tingin si Homer na ngayon ay nasa veranda, doon na siya naghintay habang chine-check up ko si Ashley.
Naiiling na napangiti na lang ako sa sinabi nito. After that ay sinamahan ko na silang mag-Tito palabas ng clinic ko. Agad namang napatayo si Homer nang makita niya na lumabas kami.
"'Yong bilin ko para kay Ashley, ha? And 'wag mo namang kalimutang balitaan ako sa susunod na balik mo rito! Nakakagulat ka, bigla ka na lang sumusulpot dito habang akala ko, nasa London ka!"
Napangisi naman siya sa sinabi ko. "Sige, sasabihan kita. Nawala lang naman sa isip ko na contact-in ka pagdating ko rito dahil sa nangyari kay Mommy."
Napatango ako. "Okay, and speaking of Tita, dadalawin ko na lang siya minsan sa inyo. Kakamustahin ko siya." I told him.
"Okay, sasabihan ko siya. Aasa 'yon, bahala ka!" Biro pa niya na pareho na lang naming ikinangisi.
Sa isang taong relasyon kasi namin noon three years ago, nakilala ko rin ang parents niya at ang ilan niyang kapatid. Minsan ko ring itong na-meet ng dalawin siya roon sa London at nakapalagayan ko rin ng loob.
Noong umamin nga siya sa pamilya niya, tinulungan ko pa siyang magpaliwanag sa mga ito. Kahit na medyo hindi pa ako okay sa break up namin that time ay ako ang sumuporta sa kaniya, dahil 'yon ang magpapalaya sa totoong siya at magpapaligaya. Siyempre, bilang mga magulang nito, nagulat sila sa pinagtapat niya pero malaunan ay natutunan na lang din nilang tanggapin anak.
Pagkatapos n'on ay hindi na kami ulit nagkita. Lumayo na ko at itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa papatapos ko nang pagma-masters doon sa London. Hanggang sa kalahating taon lang ang lumipas, nabalitaan ko na lang kasal na siya. Siya mismo ang nagkwento sa akin noon nang muli kaming magkita bago ako umuwi sa Pilipinas after graduation. Hanggang sa naging magkaibigan na nga lang kami.
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...