CHAPTER 37

1.6K 31 1
                                    

CHAPTER 37

SA ISANG linggong nakalipas, maayos naman ang naging setup naming lahat para kay Garrett. Inihahatid namin ni Homer si Garrett kay Nadia sa umaga upang ito ang makasama ng anak habang pareho kaming nasa trabaho, at sinusundo rin namin after our working hours.

Ngunit sa pakikitungo ni Homer kay Nadia, wala pa ring nagbabago. Ni hindi niya nga man lang ito makausap at makamusta tungkol sa mga ginawa ni Garrett sa buong mag-hapon, eh. Hindi pa rin niya talaga kayang harapin ang babae ng maayos. Kahit nga sa pagpapaalam ay ako pa rin ang gumagawa. But I know, in time, magagawa niya ring makipag-ayos dito. Sana nga. Para maayos na ang lahat.

Iisang sasakyan na lang din ang gamit namin ni Homer ngayon, hindi na kasi niya ko hinahayaan na mag-drive mag-isa. Araw-araw na niya kong hinahatid at sinusundo sa clinic. Hindi naman ako kumontra pa dahil kapag siya na ang nangulit, wala na kong panalo. Kaya naman halos wala nang gamit ang sasakyan ko ngayon, nasa garahe na lang ng bahay niya.

But today, finally, nagamit kong muli ang sasakyan ko dahil kailangan nilang magpunta ng Laguna. Still, as for their project. Natawa pa nga ako sa kaniya dahil talagang namroblema pa siya about it, kung paano niya raw ako mahahatid kung kakailanganin niyang umalis ng maaga para roon. Para siyang ewan!

Mga bandang alas-quatro pa lang ng umaga ay umalis na siya. Ginising pa nga niya ako n'on pero hindi ko magawang bumangon dahil ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaganoon. Nag-alala pa nga siya sa kalagayan ko at nagdalawang isip pa na tumuloy at iwan ako, pero kinumbinsi ko pa rin siyang tumuloy at iginiit kong okay lang ako. Kaya naman kahit hindi ako bumangon para sa kaniya, pinakiramdaman ko na lang ang naging paghalik niya sa aking noo at ang tuluyang paglabas niya ng kuwarto namin.

Nang tuluyan naman akong gumising at bumangon ay hindi ko inaasahan ang nadatnan ko sa kusina pagbaba ko. Talagang pinagluto niya pa ko ng umagahan bago siya tuluyang umalis. Sobra na naman tuloy akong kinilig dahil sa ginawa niyang 'yon. Kaya naman tinawagan ko siya kaagad at binati para roon. Para sa akin, pagdating sa pag-aalaga at pagpapakilig, wala na yatang makakatalo pa kay Homer sa bagay na 'yon. That's why I'm already looking forward when we finally get married, gusto kong makita kung ganito pa rin ba siya akin. Kung magbabago ba siya o mananatili pa ring ganito.

"Doctora, ayos lang po ba kayo?" Biglang tanong sa akin ni Vina na nasa harapan ko na pala.

Napaangat naman ako ng tingin dito. Nakayukyok kasi ako sa aking table, ang bigat-bigat na naman kasi ng ulo ko. Pati gusto ko na ring matulog pero hindi naman pwede. Bigla na naman kasing  sumama ng ganito ang pakiramdam ko, ewan ko ba. "Yeah, ayos lang ako. Medyo mabigat lang ang ulo ko ngayon at inaantok pero kaya pa naman." I told her at bahagya na lang akong ngumiti. Umayos na rin ako ng upo.

"Naku, 'wag naman po sana kayong magkasakit, Doc." Nag-aalalang wika naman nito. "May paracetamol po tayo sa medkit, kukuhanan ko po kayo—"

"No, ako na lang," Agap ko rito at tumayo na nga kaagad upang magtungo sa mini-kitchen namin kung nasaan ang medkit namin. Oo, baka kailangan lang ng gamot nito.

Kaagad nga akong kumuha ng paracetamol doon at tubig upang inumin. Ngunit nang makarating ako sa sink ay may nahagip naman doon ang aking mga mata na tila mina-magnet nito ako pati na rin ang pang-amoy ko. Bigla pang naglaway ang mga bagang kong nang makita ko ang berdeng kulay nito. Kaya naman dali-dali kong ininom ang gamot na hawak ko at saka ko inabot 'yon.

"Vina, kaninong dalandan 'tong nandito?" I immediately asked Vina paglabas ko ng mini-kitchen habang mahigpit ko nang hawak 'yong dalawang dalandan na nakita ko.

Kaagad naman akong nilingon nito. "Ay, kay Mona po, Doctora. Binigay niya sa akin kanina kaso hindi ko naman po nakain dahil sobrang asim po! Tinapon ko nga po 'yong binawasan kong isa kanina, eh."

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon