CHAPTER 28

1.3K 20 0
                                    

CHAPTER 28

NANG MAKARATING ako sa unit ko ay saka ko lang ibinuhos ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha. Sobra akong nagmamadali sa pagmamaneho makarating lang kaagad dito nang napakabigat ng puso.

Wala sa sariling napaupo ako sa sofa.

May anak na siya…

Ang mga nakita at narinig ko kanina ay sobrang gumimbal sa akin. Ang akala ko ay nananaginip lang ako, na baka hindi totoo. Pero sapat nang batayan ang naramdaman kong sakit na dulot n'on sa puso ko. Lalo na nang makita ko ang saya at pangungulila sa mukha ni Homer nang yakapin niya 'yong bata.

Same emotions that I saw in his eyes three days ago.

So, ‘yon pala ‘yon. ‘Yon pala ang katotohanan sa buhay niya na hindi niya maibahagi sa akin. ‘Yon pala ang dahilan ng kalungkutan niya na ilang beses kong nakita sa kaniya. At ang batang ‘yon pala ang dahilan ng emosyong nakita ko sa mga mata niya noong gabing ‘yon nang makita niya si baby Gavren at ilang araw na nagpagulo sa isip ko.

Ngayon malinaw na sa akin, at ang sakit sa damdamin.

And that girl na tinawag n’ong bata na ’Mama’, maybe that’s his ex.
Hindi ko alam, may anak lang ba kaya sila o… kasal din sila?

And that idea clenched my heart in pain again. Hindi ko ‘yon kayang isipin, na nagmahal ako ng lalaking kasal na? No!

Bakit hindi niya sa akin sinabi? Bakit kailangan ko pang makita ang katotohanan sa ganoong tagpo? At kung bakit kasi hindi ko rin inalam?

Nasa ganoong kalalim na pag-iisip ang utak ko habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko nang biglang bumukas ang pinto ng unit ko. Kaagad naman akong napalingon doon at bumungad sa akin ang nag-aalalang si Charlene.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng disappointment nang hindi si Homer ang nakita kong dumating. Hindi ko ba alam sa sarili ko. Kahit na nasa ganito akong sitwasyon, kahit na siya ang dulot ng sakit at pag-iyak ko ngayon, inaasam ko pa rin na sana sinundan niya ko at sana siya ang nasa harapan ko ngayon. Pero hindi.

Bessy…” Ani Charlene at kaagad akong tinabihan at dinaluhan. “I heard what happen. Are you okay—“ Hindi nito itinuloy ang planong pagkamusta sa akin saka biglang napatampal sa noo. “Ang eng-eng ko. Bakit ba 'yon ang tanungin ko kung obvious naman na hindi?” Paninita pa nito sa sarili.

Hindi ako kumibo. Hinayaan lang naman ako ni Charlene dahil nanatili na lang din itong tahimik at pinakikiramdaman ako. Panay ang punas ko ng mga luhang tila hindi na maawat sa pagtulo mula sa mga mata ko, gaanoon na rin ang pagpigil ko sa mga hikbi ko pero hindi ko rin ito mapigilan. Ang hirap pigilan lalo na kapag ganitong sobra kang nasasaktan.

Pero ilang sandali lang din, si Charlene na ang bumasag sa katahimikan.

Bessy… I’m sorry,” Hingi nito ng tawad. “Sorry dahil hindi namin sinabi sa ‘yo ang totoo kahit na may alam kami. Naisip kasi namin na hindi kami ang may karapatan na magsabi sa ‘yo n’on, it’s Homer. To tell you honestly, from the very beginning, pinaalalahanan na namin si Homer about it, to tell you about it, pero kasi sabi niya… sabi niya gusto niyang humanap ng tamang pagkakataon na ipaalam sa ‘yo, natakot kasi siya na baka raw once na malaman mo ang totoo, iwan mo kaagad siya o hindi na tanggapin. So, kami naman ‘tong naawa kay loko at naiintindihan din naman namin ang point niya kaya hinayaan na nga lang namin siya. Sorry, bessy… alam kong may kasalanan din kami sa part na ‘to.” Paliwanag nito kaagad.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon