CHAPTER 32

1.5K 29 0
                                    

CHAPTER 32

NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang biglang pagtunog ng doorbell dito sa aking unit. Pupungas-pungas na gumalaw ako sa kama upang abutin ang digital wall clock sa aking bedside table na halos iisang mata lang ang nakadilat sa akin. At nang makita ko ang oras, it's already 7:34 am. Nagising ako bago pa man tumunog ang alarm na sana ay 8:00 am.

Nang muling tumunog ang doorbell ay napilitan na akong bumangon mula sa kama. Hindi ko alam kung sino ang nasa labas, kaya para sigurado, mabilis muna akong nagtungo sa kusina upang magmumog man lang. Then after that, saka lang ako tuluyang dumiretso sa pinto upang pagbuksan na ang kung sino mang bisita ko.

"Good morning, Tita Ally!" Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay ang magsiglang bati na 'yon ni Garrett ang bumungad sa akin. Nagulat pa nga ako. Ngunit nang makabawi ako, sinuklian ko rin ang matamis nitong ngiti.

"Good morning din sa' yo, Garrett!" Ganting bati ko rito sabay pisil sa cute nitong pisngi. Napangisi naman ito.

"Good morning, love. Naistorbo ba namin ang tulog mo?" Nabaling naman ang pansin ko kay Homer na siyang may buhat kay Garrett.

"Good morning din sa 'yo, love." Ganting bati ko saka ako umiling. "And no, it's okay. Medyo nauna lang ako ng gising sa alarm ko but it's okay, kayo naman ang bumungad sa umaga ko, eh. You two are more than enough to start my day to be wonderful." Kaagad naman siyang napangiti sa sinabi ko, at bago pa man ako kumilos ay naunahan na niya kong halikan sa labi. Napangiti na lang din ako sa kaniya dahil doon.

"By the way, we brought our breakfast! Gusto ko sana na sabay-sabay tayong mag-breakfast ngayon at dito naman sa unit mo." Aniya at ipinakita nga sa akin ang nakapaper bag na dala niya.

"Great! Then, come in! Para makakain na rin tayo ng maaga, baka gutom na 'yang si Garrett." Anyaya ko at niluwangan ko na ang pagkakabukas ng pinto upang papasukin sila. Ibinaba naman ni Homer ang anak at ako na ang gumiya rito papasok sa loob habang hawak ito sa kamay. Nakasunod naman siya sa likod namin.

"Baby, maaga ka bang nagising?" I asked Garrett bago pa man ito makaupo sa couch.

He nodded immediately. "Opo! Tinulungan ko po si Papa na mag-ready ng breakfast, eh."

Muli kong pinanggigilan ang mga pisngi nito. "Wow naman! You're such a good boy, baby." Puri ko sabay halik ng matunog sa pisngi nito. Mula nang makasundo ko ito, nasanay na ako na panggigilan at halikan ito sa pisngi.

Sa mga araw na nakalipas, unti-unti ay nakukuha ko na rin ang loob ni Garrett. Noong una ay tipid lang itong sumasagot sa akin at sa Papa lang niya dumidiretso, pero malaunan ay naging malapit din ito sa akin at sinimulan na akong lambingin. Nadiskubre ko nga ang pagiging madaldal nito, eh. Na kahit pati Mama niya ay nakukwento na niya sa akin, though it's okay lang din naman dahil feeling ko mula roon ay nalalaman ko kung gaano talaga ito kalapit sa ina.

"Love, ako, hindi mo ba ako hahalikan ng ganoon? I was the one who made the breakfast." Nabaling naman ang pansin ko kay Homer at proud pa siyang nakangiti sa akin.

Napapailing na nginisihan ko siya. "No, I won't."

Kaya naman bigla na lang nalukot ang mukha niya. "What? Why? Come on, I'm ready!" At ininguso pa niya ang mga labi niya sa akin.

Pinisil ko lang ang kaniyang ilong at inagaw ko sa kamay niya ang kaniyang paperbag na dala. "Come, ihain na natin 'to sa kusina." At napasimangot pa siya lalo sa ginawa ko. Napalingon naman ulit ako kay Garrett nang marinig ko ang ngisi nito na tila pinagtatawanan ang ama.

"Tita Ally! Tita Ally! Ako po, sasama rin po akong mag-ready ng breakfast sa table. Big boy na ako, eh!" Masiglang wika pa nito na itinaas pa ang kamay. Napaka-energetic nito ngayon kaya mas natutuwa ako.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon