CHAPTER 26

1.4K 21 0
                                    

CHAPTER 26

GABI NA RIN nang makababa kami ng eroplano pabalik dito sa Manila. After we checked out sa resort kasi tinupad namin ang usapan naming lahat na libutin ang ilan sa mga magaganda at kilalang lugar sa Cebu. Sinulit na namin since minsan lang kaming mapadpad doon.

We went first sa Sto. Niño Church na kahit napakaraming taong nagsisimba, pinilit pa rin naming maka-attend sa misa. We have a lot to thank Him, lalo na ako.

After doon, marami pa kaming pinuntahan. At lahat ng moments namin doon ay may mga pictures kami na I will definitely collect and compiled later. It was one of our unforgettable memories, and I want to treasure it.

We still held each other's hand habang patungo na kaming lahat sa labas ng airport upang salubungin ang service naming mula kina Charlene na siyang naghatid din sa amin dito noon. Sa kabilang kamay naman ay bitbit ni Homer ang mga gamit namin.

Nang malapit na kami sa exit ng airport, siya namang pag-ring ng phone ko mula sa bulsa ng suot kong jeans. I immediately stopped from walking, kaya naman binitawan ko muna ang kamay ni Homer to take it out. Nadamay naman siya sa akin sa paghinto sa paglalakad. Kaagad ko namang sinagot ang tawag nang makita kong si Mama ang tumatawag.

"Hey, Ma! Nasa Manila na po kami. Bakit—"

(Anak, ang Ate mo nasa ospital na. She's finally going to deliver their child now! Heto nga, papunta na nga kami ng Papa mo roon ngayon.)

Nanlaki ang mga mata ko sa ibinalitang 'yon ni Mama. Hindi ko pa nga naiwasang mapatakip sa bibig sa sobrang gulat. Napalingon pa ako kay Homer na ngayon ay halata ang pagtatakha sa hitsura habang nakatitig sa akin.

"O-Okay, Ma. Pupunta na rin po ako d'yan! Saan po bang ospital dinala si Ate?" Kaagad namang sinabi sa akin ni Mama ang ospital. "Sige po, Ma. Susunod na po kami agad doon." At kaagad ko na nga ring in-end ang call.

"Wait, tama ba ang sinabi mo? Bakit nasa ospital ang Ate mo?" Homer asked na may himig pag-aalala sa tono nito.

"Manganganak na si Ate, love! Kailangan kong sumunod sa kanila sa ospital!" Balita ko sa kanila.

"Manganganak na si Ate Ailene?" Hindi makapaniwalang react din ni Charlene. Doon ko lang napansin na napahinto rin pala silang lahat sa paglalakad at nakatitig ngayon sa akin. Kaagad ko naman itong tinanguan.

"Come on, let's go. Sasamahan na kita, love." Homer said, then faced his family. "Mom, Dad, mauna na po kayong umuwi. Sasamahan ko po si Allyna sa ospital."

"Sure, anak. Dapat nga samahan mo na siya. Kami nang bahala pauwi. Iwan mo na lang sa sasakyan ang gamit niyo." Wika ng Mom niya. Isang tango na lang ang tinugon ni Homer dito.

Dali-dali na nga kaming lumabas ng airport at hinagilap ang van na susundo sa amin para iwan na nga muna rito ang gamit namin. Muli na lang kaming nagpaalam sa kanilang lahat at nagmamadaling pumara ng taxi patungo sa ospital kung saan manganganak si Ate.

Na-e-excite na akong makarating sa ospital. Siyempre naman, 'yon ang una kong magiging pamangkin at lahat kami ay excited na masilayan siya. Excited na rin kaming malaman kung babae ba o lalaki ang magiging unang pamangkin ko. Ayaw kasing ipaalam sa amin ni Ate para surprise raw.

Wala pang sampung minuto ay narating na nga namin ang ospital. Malapit lang kasi ito mula sa airport, mabuti na lang.

Pagpasok namin sa ospital ay nagmamadali naming hinagilap ang delivery room kung nasaan naroon si Ate ngayon.

"Ma! Pa! Kuya Gav!" I called them when we finally saw them in front of the delivery room. Matamang nakaupo lang sina Mama at Papa sa waiting area, habang si Kuya Gav naman ay hindi mapakali sa pagpaparoo't parito sa paglalakad.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon