CHAPTER 34

1.6K 28 0
                                    

CHAPTER 34

"HEY, LOVE!" Bumungad kaagad sa harap ko ang tinig ni Allyna pagkalabas ko ng opisina namin. Kaya naman ganoon kaagad ang pagbalatay ng masayang ngiti sa mga labi ko nang makita ko sila. Kanina lang ay tin-ext niya ako na daraanan na lang daw nila ako rito sa firm upang sabay-sabay kaming kumain ng lunch. Ilang araw ko na rin kasi silang hindi nakakasabay kumain dahil sa inaasikaso namin.

"Papa!" Ani Garrett na patakbong lumapit sa akin na siya namang sinalubong ko at binuhat, saka ako lumapit kay Allyna at kaagad na humalik sa noo nito.

"Architect Wilmar told me na nasa loob ka raw ng opisina mo at may small meeting raw kayo ng mga kasama mo about sa project niyo. Kaya naman naghintay na lang kami ni Garrett sa paglabas mo kaysa sa ipatawag ka pa, baka kasi maabala ka pa namin." Aniya.

"Matagal ba kayong naghintay?" I asked.

Umiling siya. "Hindi naman. Halos kadarating lang din namin. Tulad nga ng sabi ko sa 'yo, galing kami ni Garrett sa school na bago niyang papasukan. In-enroll ko na siya roon, classmates sila ni Chloe."

"Yes, Papa! Ang ganda po n'ong school. Excited na po kong pumasok kasi classmates kami ni Chloe!" Bulalas naman bigla ni Garrett na halata nga ang excitement sa tono. Napangiti na lang kami pareho ni Allyna dahil doon.

"Tara na, let's have lunch! Baka nagugutom na kayo." Wika ko na lang at nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko para makaalis na kami. Paglabas ay sumakay na rin kami kaagad sa sasakyan ko patungo sa resto nina Charlene.

Pagdating doon ay nakaabang na pala ang mag-asawa sa amin at nagsabay-sabay kaming kumain. Naging masaya at masagana ang pagkain naming lahat, nasasaluhan kasi ng kwentuhan at tawanan. Puro kasiyahan lang ang lahat sa amin, ang gaan lang sa pakiramdam.

Ilang sandali ay palihim kong pinagmasdan si Allyna sa ginagawa niyang pag-alalay kay Garrett sa pagkain at sa pagsubo rito. Giliw na giliw siya sa ginagawa at tila ba wiling-wili na siyang ginagawa 'yon sa anak ko. Halos siya na nga ang umasikaso at sumasama kay Garrett araw-araw, eh. Siya pa ang nagkukusang mag-alaga rito, mula sa pagsundo sa umaga sa bahay namin at pagdala kina Charlene hanggang sa pagsundo pa rito pagkatapos ng clinic hours niya. Naaabutan ko na nga lang sila sa bahay ko pag-uwi ko, eh.

At hindi ko mapigilang makaramdam ng tuwa sa gawi niyang 'yon para sa anak ko. Iba kung alagaan niya ito, tila ba pinaninindigan na niya talaga ang pagtayo rito bilang pangalawang ina ni Garrett. Hindi ko akalain na mamahalin niya ng ganito kalalim ang anak ko kahit pa noong una ay ito ang dahilan para masaktan ko siya. Kaya naman mas lalong pumapasok sa isip ko na hinding-hindi ako nagkamali sa ginawa kong desisyon. Hindi na ako aatras pa roon at 'yon na ang plano ko sa aking buhay ngayon.

"Love, gusto ko rin n'on." Ilang sandali ay bulong ko sa kaniya. At dahil katabi ko lang siya, kaagad niya akong nilingon ng bahagya at saka ko ininguso 'yong fish fillet. Dali-dali naman siyang umabot ng isa roon at inilagay 'yon sa plato ko. Pagkatapos, kaagad din niyang binalikan si Garrett at muling sinubuan ito. Palihim naman akong napanguso dahil doon. "Hindi mo rin ba ko susubuan?" Ungot ko pa.

Kaya naman muli niya kong nilingon, umayos pa siya ng upo at nakangising tinitigan ako. "Naiinggit ka lang sa anak mo, e." Aniya na napapailing pa.

"Eh, kasi naman, love. Hindi mo na ginagawa sa akin ang ganyan, bibihira na lang. Hindi mo na nga rin ako nalalambing, eh. Nakakatampo na." Sita ko sa kaniya at nagkunwari pa akong nalungkot talaga.

Ngunit nginisihan niya lang ako at hindi makapaniwalang tinitigan. "Pinagseselosan mo ba ang sarili mong anak?" Aniya. Hindi naman ako kumibo, nakanguso pa rin. "Tumigil ka nga! Hindi ka cute." Dagdag pa niya at nagulat na napatitig naman ako sa kaniya.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon