CHAPTER 25

1.5K 24 0
                                    

CHAPTER 25

"OKAY KA LANG?" I asked Charlene while looking at her reflection in the mirror. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng kamay sa sink. Nasa loob kasi kami ng CR ngayon. We excuse ourselves for a while dahil nagpapasama nga siya sa akin dito.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at mula sa salamin, doon din niya ako tinitigan saka siya tumango. "Oo naman. Bakit?"

I shrugged my shoulders saka ko siya nginitian. "Wala naman. Gusto ko lang itanong, hindi ka ba nagseselos kay Irene?"

Yes, I want to ask her that dahil nalaman ko lang kanina kay Homer na ex pala ni Yvann si Irene way back on their high school days. Napansin ko kasi na hindi siya ganoon kadaldal habang kasama namin sa mesa si Irene.

I know Charlene, I've witnessed her once before kung paano siya magselos at kung paano niya inaway si Yvann dahil sa pinagselosan niya noong pinagbubuntis niya si Chloe. Magka-video chat kami that time. Though, naiintindihan naman namin na maybe dala lang 'yon ng pagbubuntis niya, iba pa rin talaga siya mag-alburoto kapag may pinagselosan.

Kaya nga curious ako ngayon knowing na hindi lang basta sino ang kasama namin ngayon. Ex 'yon ni Yvann at naging parte rin si Irene sa buhay noon ni Yvann. Baka mamaya, kaya pala siya medyo nananahimik d'yan dahil mamaya niya kukumprontahin si Yvann sa kwarto. Ayokong magkaroon ng ayaw ang dalawa ngayong nasa bakasyon.

Bigla naman siyang natawa at hinarap ako. "Ano ka ba, bessy! Hindi 'no!" Tanggi naman nito kaagad sa tanong ko. "Yes, alam ko na ex siya ni Yvann pero wala na sa akin 'yon! Sanay na ko r'yan kay Irene. Ninang nga rin siya ni Chloe, eh. Okay, aaminin ko, noong unang beses na nag-meet kami at nalaman ko na ex niya si Irene at nakita ko pa kung gaano sila ka-close, giniyera ko talaga 'yang si Yvann! Pero after noong makausap ko siya noon at siya pa mismo ang nanghingi ng tawad sa akin, naging okay na rin kami. 'Yon nga lang, hindi lang talaga kami ganoon ka-close." She explained.

Umayos naman siya ng tayo sabay crossed arms at mataman akong tinitigan. "Ikaw nga dapat ang tinatanong ko n'yan, eh. Hindi ka ba nagseselos sa kanila ni Homer? Mas close silang dalawa." Balik-tanong naman niya sa akin malaunan.

She's right. Kitang-kita ko kung gaano ka-close sina Homer at Irene. Hindi lang kay Homer kundi sa buong pamilya nito.

Homer explained to me earlier na kababata niya si Irene, na mula pa pala noong elementary sila ay magkasama na sila kaya ganoon sila kalapit sa isa't isa at wala raw akong dapat na ipagselos. In-explain niya 'yon sa akin kanina after niya akong ipakilala kay Irene at doon na nga niya rin ikinuwento sa akin ang tungkol kina Yvann at Irene. I understand naman at natutuwa ako na ako pa rin pala ang iniisip niya, para di ako mag-worry.

I looked away and stared at my reflection in the mirror for a while. "Aaminin ko na medyo nagseselos ako sa closeness nila. Pero dahil ipinaliwanag na sa akin lahat ni Homer ang lahat kung sino at ano sa kaniya si Irene, hindi ko kailangang pairalin ang selos ko. If she's an important childhood at 'yon lang talaga, then be it. I trust his words." I told her.

"Aww..." React naman ni Charlene na tila ba touched na touched sa mga sinabi ko. "Truly 'yan, bessy! Wala ka naman talagang dapat ikaselos kay Irene, mabait din naman 'yong babaeng 'yon. At isa pa, ikakasal na rin 'yon, eh."

Napangiti na lang ako at napatango. Oo nga, ikakasal na nga rin 'yong si Irene. Actually, kasama rin nito ngayon ang French boyfriend nito na ayon sa kwento nito ay nakilala nito noon sa isang bakasyon nito sa France. Irene is a flight attendant kaya nga raw madalang na kung magkita sila ni Homer. Isinama raw nito ang fianceé sa bansa upang formally na maipakilala sa mga magulang nito.

Hindi nagtagal ay lumabas na rin kami ni Charlene mula sa CR at binalikan na sina Homer roon sa resto kung saan magkakasalo kaming lahat, kasama nga sina Irene at ang fianceé nito na nagmemeryenda.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon