CHAPTER 29
PAGPASOK ko sa kusina ay naabutan ko na sina Mama at Papa na naroon na, they are about to eat breakfast. Sakto lang pala ang paglabas ko ng kuwarto, masasaluhan ko pa sila.
Kaagad ko namang binuo ang ngiti sa mga labi ko bago ko sila tuluyang lapitan. “Good morning, Ma! Good morning, Pa!” Bati ko na sa kanila sabay halik sa kanilang mga pisngi. Sinamahan ko na rin sila sa mesa.
“Mabuti naman at gising ka na. Ipagigising pa lang sana kita kay Lucy, eh.” Ani Mama habang nagsisimula na itong magsandok ng pagkain.
“Kanina pa po ako gising, ngayon lang po ako lumabas kasi may tinapos pa muna akong records doon sa kuwarto.” Tugon ko habang inaalalayan si Papa sa pagkuha ng ulam.
Totoo ‘yon, hindi rin naman kasi ako makatulog ng maayos. Honestly, nitong buong lingo na nagdaan, hindi na ako nakakatulog ng maayos. Pero ayoko nang sabihin sa kanila ‘yon dahil ayokong pag-alalahanin pa sila.
I also kept on thinking about everything, about Homer. Lagi siyang sumasagi sa isip ko. ‘Yong pagsisinungaling na ginawa niya, but at the same time, I miss him. Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko, hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat kong pairalin.
Natigilan naman bigla si Mama sa ginagawa at matamang napatitig sa akin. ”Sa ganitong kaaga, ‘yon pa rin ang inaatupag mo? Hindi ba ‘yon din ang inasikaso mo kagabi bago ka matulog?” Then, she heaved a sigh. “Anak, baka akala mo hindi namin napapansin ‘yang ginagawa mo? Sa isang linggong pananatili mo rito, ganyan na ang ginagawa mo. Bakit dinadala mo hanggang dito sa bahay ang trabaho mo sa halip na nagpapahinga ka na lang? Allyna, ganyan ba ang ginagawa mo habang malayo ka sa amin?” Sita nito sa akin na may himig pag-aalala.
“Bakit ikaw pa ang kailangang gumawa n’yan? Don’t you have an assistant? Siya dapat ang gumagawa n’on, ‘di ba?” Dagdag naman ni Papa.
Napahinto na rin ako sa pagsandok ko ng aking pagkain at tinitigan ko rin sila pabalik, tila hinihintay kasi nila ang sasabihin ko habang may pag-aalala sa kanilang mukha. Once again, I forced a smile to them.
“Ma, Pa, don’t worry about me, okay? I’m fine.” I told them. “Opo, may assistant ako, pero kinakailangan pa rin po na mai-ayos ko ang records ng pasiyente ko at i-check as a doctor. Saka para hindi na po ganoon mahirapan si Vina. And don’t worry, Ma, Pa, hindi naman po ganito ang ginagawa ko habang nakatira ako sa condo ko, ngayon lang po talagang week na ito naging abala ako.” Paliwanag ko pa.
Ilang sandali pa nila akong pinakatitigan bago tuluyang napatango. “Okay, if you say so.” Wika na lang ni Mama at nagpatuloy na sa pagsandok ng pagkain. Ganoon na lang din ang ginawa ko.
“Kumusta pala kayo ni Homer? Mukhang hindi ko napapansin na dumadalaw siya sa ‘yo rito, ah?” Ilang sandali ay si Papa naman ang nagtanong.
Kaya naman dito nabaling ang aking pansin, “Ahmm, okay naman po kami. Hindi lang po siya nadadalaw rito kasi busy rin po siya sa projects nila.” Pagdadahilan ko na lang at nag-iwas na muli ng tingin.
Hindi ko pa rin kasi nasasabi sa kanila ang tungkol kay Homer, sa pagkakaroon nito ng anak. Ayoko na kasi silang idamay pa, natatakot ako na baka pati sila ay ma-disappoint kay Homer. Pero hindi ko gusto itong ginagawa ko, ang paglilihim sa kanila. nasanay kasi kami na sinasabi sa kanila ang lahat. Hindi ako sanay sa ganito but I have to.
BINABASA MO ANG
Upon My Fall
RomanceHindi akalain ni Homer na makakatagpo siya ng isang "anghel" sa anniversary ng kasal ng kaibigan niya. Hanggang sa malaman niya na ang tinuturing niya palang "anghel" ay kaibigan pa pala ng asawa ng kaibigan niya-and her name is Allyna Fortez. Sa pa...