EPILOGUE

3.6K 67 8
                                    

EPILOGUE

"DADDY,  ang daya mo naman, eh! I lost again tuloy! Ugh!" Agad kong nilingon si Arianne na bigla na lang nagreklamo sa ama na kalaro nito sa larong chess na siya nitong hilig. Narito ako sa kusina ngayon kasama ang ilan sa aming mga kasambahay sa paghahanda ng mga pagkain para salubungin ang pasko mamaya. Kahit mula kasi rito ay natatanaw ko pa rin sila ngayon sa sala. "I never won over you! What's your secret? Tell me." Dagdag pa nito.

"I don't have any secret, my princess. I'm just playing fair and square with you. Hindi rin naman pwedeng pagbibigyan lang kita, paano ka gagaling?" Giit ni Homer sa anak habang nakangisi, saka niya marahang ginulo ang buhok nito.

Napanguso naman si Arianne dahil sa sinabi ng kaniyang ama. "Pero bakit si Kuya nananalo sa 'yo? Bakit ako hindi!" Patuloy pa rin nito sa pagrereklamo at ngayon ay nakaduro na sa Kuya nitong prente namang nakaupo sa kabilang sofa at abala na naman sa binabasa nitong libro na hindi na naman nito mabitawan.

Nilingon naman ni Allumer ang kapatid ngunit mabilis lang. "Nag-iisip kasi ako, that's why." Anito sa kapatid.

"So, ako hindi?" Sarkastikong angil naman nitong isa.

Binaba na ni Allumer ang binabasang libro at naka-krus ang mga brasong hinarap ito. "What I mean is, nag-iisip muna ako bago ako tuluyang tumira sa mga dapat kong itira. Paano kang mananalo kung basta mo na lang tinitira ang kung ano lang ang makita mong libre at pwedeng kumilos ng hindi mo pinag-iisipan? Ang larong 'yan, dapat pinag-iisipan ng mabuti. You have to be wise, little sister." Payo nito sa kapatid sabay lingon sa ama. "Am I right, Dad?"

Tumango naman si Homer. "Your Kuya Allumer is right, Princess. You have to think wisely before moving." Aniya at itinabi na ang nilaro nilang chessboard saka tinabihan ang anak na babae at inakbayan. "It's alright, my pretty daughter. Matututunan mo rin ang mga strategies, alam kong hindi mo 'to titigilan sa kakalaro para gumaling."

"Yes, Dad, I won't stop! Gusto kong maging champion din ng chess sa school, eh. Mag-pa-practice pa ko ng mag-pa-practice! Tuturuan mo ko, ha?" Anito na agad namang tinanguan ni Homer sabay halik sa noo ng anak. Napangiti naman ako sa kanila dahil doon.

Ilang sandali lang ay ang bunsong si Acquille naman ang lumabas mula sa kuwarto nito. "Daddy! Daddy! Look at my sketch! Natapos ko na po!" Wika nito sa ama at excited na lumapit.

Kaagad namang tinignan ni Homer ang ipinakita nito sa kaniya, at maya-maya lang ay nakita ko kung paano siyang namangha sa nakita. "Wow! Ang ganda, ah! Very good, son. Mukhang matatalo mo na ko sa pag-i-sketch ngayon." Puri pa niya rito.

"Thanks, Dad. But no, hindi ko yata kayo matatalo. Ikaw ang idol ko, eh!" Giit nito na humahanga pa rin sa ama.

"Hindi rin, anak. Tatanda ka pa, mas matututo ka pa at gagaling." Aniya at tumabi rin ito sa kanila habang may pinag-uusapan na hindi na umabot pa sa tenga ko.

Kaya naman napailing na lang ako habang nakangiti at ibinalik na ang pansin ko sa pagtulong sa mga katulong sa paghahanda. Hindi ko na pinatulong pa rito si Homer dahil marami na kami rito, kaya naman doon ko na lang siya pinasama sa mga anak niya upang ang mga ito na lang ang asikasuhin. Ngayon na lang kasi siya ulit magkakaroon ng mahabang oras para sa mga ito dahil nitong mga nakakaraang taon lang ay nagkakaroon na rin sila ng architectural project sa ibang mga bansa.

Sa nakalipas na labing-limang taon na pagsasama namin ni Homer bilang mag-asawa at isang pamilya, iilang salita lang ang bumubuo sa amin— masaya at masagana. Hindi man maituturing na perpekto ang pamilya na meron kami, dahil may mga pagkakataon pa rin na may hindi kami pagkakaunawaan, may mga problema rin kaming kinakaharap, pero hindi naman nagtatagal 'yon dahil napag-uusapan naman namin kaagad. Natuto na kaming pakinggan muna ang isa't isa upang malinawan at masolusyon ang bawat problemang dumarating. At natutunan ko 'yon sa mga nangyari sa relasyon namin bago pa man kami ikasal.

Upon My FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon