Chapter 2
"What is happening to your grades Miss Cordivilla? If you fall from the dean's list, your scholarship stops. Compose yourself! You are wasting a great opportunity here, maraming nagkakandarapa para sa pwesto mo but here you are wasting it. Bumaba ka ng apat na pwesto! What is the problem?"
Huminga ako ng malalim pagkatapos marinig ang galit at hinaing ng Program Chair sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil guilty ako. Para bang bumuhos ang lahat lahat ng emosyon dahil sa sinabi niya. Isang malaking sampal ang iginawad ng mga salita niya sa akin.
I can't lose my scholarship! Wala akong pangtustos sa ganoon kalaking halaga, sapat na nga lang ang kinikita ko sa mga gig ko para bayaran ang 30% na excess ng tuition ko at ang pang-araw araw kong gastusin. Paano pa kaya kapag buong tuition ko na ang babayaran ko?!
Pumikit ako at inangat ang tingin sa Program Chair naming nakakunot ang noo at nakataas ang kilay sa akin.
"I'm really sorry Ma'am, babawi po ako." Iyon lamang ang nasabi ko dahil pakiramdam ko ay pati siya masusumbatan ko kapag nagtagal pa ako rito.
Why did I let my emotional problem affect this one? It's the most important thing right now! Iyong scholarship na inalagaan ko ng tatlong taon. I can't lose it or I'm going to be a poor rat!
"Babawi ka? Isn't it I reminded you about this two months ago? I didn't see any improvement, Miss Cordivilla. Mas lumala pa nga yata. May problema ba tayo, Miss Cordivilla?" Mas lalong tumaas ang kilay niya sa akin.
I know this is all my fault. Shit! I need to compensate!
"Ma'am babawi po talaga ako. This time, I'll be serious. Nagka-problema lang po kasi sa nakaraang buwan but I will really going to cope up seriously now. Last chance po, Ma'am. I'll get my place back." Sinalubong ko ang galit at seryoso niyang mga mata.
Nagtiim bagang siya at kumibot ang kulay lila niyang mga labi. I shivered at that pero hindi ko siya tinantanan ng tingin. I need to convince her or else I don't know what to do anymore!
"Last chance Miss Cordivilla, if you aren't going to do this properly for the last time. I'm sorry to say, there will be no more chances. Deal with your problem, don't let it affect your academic performance. I know how much you want to finish your degree but you need to discipline yourself and more motivation. You may go now." Tinitigan niya ako mula sa kaniyang salamin at agad ding inabala ang sarili sa mga pinipirmahan niyang mga papeles bago ako pumasok.
Suminghap ako at bahagyang ngumiti. "Thank you Ma'am. I'll cope up."
Hindi ko na siya nilingon at dire-diretsong lumabas sa opisina. Gusto kong pagsusuntukin ang mga mukha ng mga lalaking sumisipol pagdaan ko. Kaagad akong dumiretso sa Architecture building at mabilis na tinungo ang information board.
Suminghap ako at kinagat ang labi nang makita ko ang resulta ng academic performance namin pagkatapos ng first sem. Fuck! I sucked.
Kumuyom ang kamao ko habang tinitingnan ang pangalan ko sa pang anim na numero.
6. Veil Keana Lahaira Cordivilla - 3.2
What the hell?! Ang layo sa dating average ko na 3.7!
What did I do?! Gusto kong suntukin ang salamin ng information board pero pinigilan ko ang sarili. This is all my doing! I am the one to blame of my own failure! Hindi ko inisip ang pwedeng maging epekto ng inaakto ko sa grades ko. Shit!
I am a consistent top 2 Dean's lister, point lang palagi ang lamang ko sa top 1 namin. I never really tried to beat our top 1, kuntento na ako sa top 2 kahit na maliit lang ang lamang ng average namin. Pero ngayon, gusto kong magwala sa galit, inis, pagkabigo, lahat lahat na!
BINABASA MO ANG
CORDIVILLA: Breathless
RomanceStarved of any support from her family, Veil Cordivilla struggles to finish her degree in Architecture. After her very first heartbreak, she questioned herself whether she made the right choice. Now, she's trapped in a place where she has no option...