Chapter 43
Hirap na hirap ako sa pagtulog sa gabing 'yon. Ilang minuto akong nanatiling umiiyak habang kinakalma ang sarili at ang pusong nababasag. For an hour I tried to concentrate on my drawing and forget for a while about the heated fight with Stanford. Pero nang hindi na makayanan ay nagkulong na ako sa aking kwarto.
I want to text or call him while I'm already inside my room. Pero sa tuwing nagtitipa naman ako ng mensahe ay binubura ko rin 'yon. My hearth throbs painfully everytime I remember the pain and anger in his eyes. Para bang sobra sobra ang sinabi ko.
Nagsisisi akong sinabi ko 'yon. I didn't mean it. Shit. Huminga ako ng malalim nang pakiramdam ko'y maluluha na naman ako.
He's just so hard to convince! At nang dahil sa mga sinabi niya'y para na ring umurong pa ang natitirang matinong ideya sa aking isipan. I just want him to go back to work and fix his problems! As much as I want him with me all the time, dahil na rin sa nasanay ako at mamimiss ko siya kapag umalis ulit siya, I don't want him to fail his work!
Paano ko siya kukumbinsihin ngayon kung nag-away naman kami? Ano pa bang dapat kong gawin para makumbinsi siya? And most importantly, how am I going to convince him without hurting him and making him angry? I pondered on that matter all night until I fall asleep.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ang cellphone ko kaagad ang hinagilap ko upang tingnan kung may mensahe ba ro'n. Sumikip ang aking dibdib nang makita wala kahit isa lalo na mula sa taong inaasahan ko.
Ginalit mo siya, Veil! Now don't expect anything!
Wala sa sarili akong tumayo mula sa pagkakahiga. Mabigat ang aking pakiramdam pero pinilit ko pa ring kumilos na. Alas sais ay nagsimula na akong mag-ayos ng sarili at ng mga gamit. Pinainit ko na lang din ang niluto ni Stan kahapon. Habang kumakain ay naglalaro pa rin ang isip ko sa kung paano ko kukumbinsihin si Stan.
Ngumiwi ako nang makita sa salamin na medyo halata ang eyebags ko. I put on a bit of make up to cover it up. Lagpas alas syete nang matapos ako sa lahat. Nang makalabas ako sa building ay halos malaglag ko ang mga bitbit na gamit at mapatakbo pabalik sa loob nang makita kung sino ang nasa labas.
Stanford is leaning against his Mustang and when he saw me, he lazily corrected his posture. He looks so serious and I can already feel the dark aura around him even though his bit far from me. He's wearing his casual clothes that suited him well.
Humataw ang aking puso at hindi ko alam kung ano ang gagawin nang magkatinginan kami. Akala ko ay hindi niya ako susunduin sa galit niya mula sa away naming kahapon! Kaya maaga ako para makakuha agad ng taxi lalo't medyo malayo ang kinaroroonan ng LCADS.
Seryoso siya at malamig ang titig. Iniwas niya ang tingin sa akin at binuksan ang pintuan ng front seat kahit hindi pa ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Ilang beses akong bumuga ng hangin upang kalmahin ang nagwawalang puso pero hindi naman iyon tumalab.
Dahan dahan akong naglakad palapit sa kaniya. Should I talk to him? Greet him? Say sorry? Ano? Fuck. Why am I so nervous?!
Kinagat ko ang labi nang makalapit na ako sa kaniya. Muli ay nagkatinginan kami at halos manginig ako sa lamig ng kaniyang titig. Kumirot ang aking puso. Tikom ang kaniyang labi at pansin ko ang medyo pamumula ng kaniyang mga mata.
"Uhm... Ah... g-good morning." Nag-aalangan na bati ko.
He didn't give any reaction and just nodded at me. Kinagat ko lalo ang labi at mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan. Marahas pa rin ang tambol ng aking puso pero ngayo'y may halo ng kirot dahil sa lamig na pinakita niya sa akin.
I shouldn't be angry right? It was my fault. I should say sorry. I should apologize but then again, how about my plans of convincing him? Kung babawiin ko ang mga salita ko paano na 'yong dapat kong gawin?
BINABASA MO ANG
CORDIVILLA: Breathless
RomantizmStarved of any support from her family, Veil Cordivilla struggles to finish her degree in Architecture. After her very first heartbreak, she questioned herself whether she made the right choice. Now, she's trapped in a place where she has no option...