Chapter 19

8.1K 243 24
                                    

Chapter 19

"Do you want to go home?" Stan asked softly, not tearing his dark and mysterious eyes on me.

I am still hung up from what happened a while ago. Lumalalim na ang gabi at naroon pa rin kami sa aming pwesto. Hindi ko na rin masyadong namalayan na matagal na pala kaming nakatayo roon at kung hindi pa nagtanong si Stan ay tuluyan na akong nalunod sa mga iniisip.

Tumikhim ako at pinilit na tumayo ng maayos. Humawak ako sa mga bisig niyang nasa aking baywang pa rin. Nahihilo ako sa kaniyang malalim at misteryosong titig. Nag-init ang mukha ko nang maalala ang malalim at mahabang halik na pinagsaluhan namin kanina. Did that really happened? I cannot believe it! Hindi pa rin ako makapaniwala at wala akong masabi!

"C'mon, I'll take you home." He said.

I folded my lips, hinayaan siyang igiya ang aking katawan sa direksyon na nais niya. Gusto ko mang mainis dahil hindi ako makatanggi, dahil hindi ako makaprotesta ay wala na akong nagawa. But when I saw the car in front of us, my jaw dropped.

It's the same Ford Mustang I saw twice! Akala ko ay lalagpasan namin iyon pero nang patunugin niya ay nanlaki ang mata ko. Does he own this damn luxurious car? Gulat ko siyang binalingan ng tingin. He leered at me for a second, his lips twitched then he looked away.

Hindi ko alam kung bakit parang pinapalo ang puso ko ng mabigat ng kahoy. Ang lakas ng tambol nito at hayun na naman ang kiliti sa aking tiyan! Things as bizarre as these are assailing me every damn time he's around!

"S-sayo ba 'to?" Mahinang tanong ko nang nasa gilid na kami ng magarang sasakyan.

Tumikhim siya, "yes." Paos na tugon niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Inalalayan niya ako papasok ng sasakyan. Seconds later, he's already in the driver's seat. I cannot stop looking at him. He looks deadly serious but his eyes seem glowing. It's taking my breath away, slowly drowning to the fact that I am really feeling something for this guy!

"Ikaw ba 'yong nakita ko sa harap ng apartment at sa s-skul?" I asked breathily.

He glanced at me darkly. He sighed and started the engine, jaw clenching and veins protruded on his arms when he gripped the steering wheel.

"Yes. That's when I saw you with your rumored boyfriend." He uttered grimly, stressing every word.

Umawang ang labi ko. Nahigit ko ang hininga at umiwas ng tingin. I cannot stop thinking about the kiss every time my eyes drift to his lips! Ano bang nangyayari sa akin?!

"Hindi ko nga siya boyfriend." Saway ko at ikinunot ang noo.

Pilit kong tinatabunan ang nakakahibang na pakiramdam ng iritasyon at kung ano pa para lamang matigil sa pagwawala ang puso.

Matalim siyang tumikhim bago ako binigyan ng aroganteng sulyap.

"That's the best thing I heard ever since I came back here." He said huskily.

Ngumuso ako at yumuko, pilit itinago ang sobrang pag-iinit ng mukha. I don't want him to see that! I don't want to feed his ego too much if he finds out that his effect on me is very boisterous! Ayokong isipin niya na magiging madali ang panliligaw niya sa akin!

Oh my gosh! Does that mean I am really agreeing with the idea of Stan Verdejas, courting me?! Nababaliw na ata ako!

"May bago sa 'yo e." Puna ni Kevin habang nakatitig sa akin.

Today is Sunday, and as usual tambay lang ako sa gym ni Kev simula pa kaninang alas dos. Kahapon ay hindi ako lumabas ng bahay. Hindi rin ako pumasok sa SeLo dahil masyado pa akong nawiwindang sa bilis ng mga pangyayari. Hindi makausad ang utak ko, nanatili itong nakapako sa mga nangyari noong nakaraang araw pa.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon