Chapter 50

7.6K 206 28
                                    

Chapter 50

"Matamlay ka yata ngayon, Architect? You should be energized para mahawaan po kami. Kinakabahan po kami sa inyo e." Nagkamot ng batok si Lawin habang pinagmamasdan ako.

Tumikhim ako at tipid na ngumiti sa team ko. Mayamaya ay presentation na namin pero malas nga lang at bakit ngayon pa ako nagka-lagnat. Naramdaman ko ito kaninang madaling araw na kaagad ko namang nilabanan ng gamot pero wala yata itong epekto.

"Okay lang bayo kayo, Ma'am? May masakit po ba sa inyo?" Nag-aalalang tanong ni Nick.

I raised my right hand and slowly nodded my head. Ramdam ko ang init na nagmumula sa aking katawan at ang literal na kirot sa ulo ko. Damn it! Sumabay talaga ito sa pagdadalamhati ng puso ko? I have a presentation coming up!

"I'm fine, I'm jus having a little headache pero okay na ito mamaya. We should focus on the deliberation later. Yezy, nakahanda na ba iyong mga folders?" Bumaling ako sa tanging babae sa aking team.

"Ma'am, gusto niyong kumuha ako ng gamot?" Tumayo si Nick na mabilis kong pinigilan.

"I'm fine, naka-inom na ako, thank you. Sit down and let's review our designs. Yezy..." huminga ako ng malalim.

"Yes, Architect. I prepared enough copies for the board and the team." Tugon ni Yezy.

Tumango ako at hinilot ang sentido. Uminom ako ng tubig at mariin na pumikit. Nanunubig ang aking mga mata at mainit ito. Ang malas naman at ngayon pa talaga ito sinumpong! Nag-aalala ang aking team at panay ang payo nilang magpahinga muna ako habang hindi pa nag-uumpisa ang presentation. May isa pa kaming oras para maghanda kaya naman ay natulog ako ng trenta minutos.

Hindi ko alam kung bumuti na ba ang pakiramdam ko pero mainit pa rin ang aking katawan. Medyo kumikirot din ang aking ulo pero kaya ko namang iraos ang presentation.

Pumasok si Nick sa aking opisina pagkatapos ng dalawang katok sa pinto. Bakas sa mukha ang pag-aalala niya kaya naman ay tumayo ako at kahit nakadama ng kaunting pagkahilo ay ngumiti ako.

"I'm all good. Are we being summoned to the conference hall now?" I asked and smiled.

Tinitigan niya ako at tumango. Pinakita niya sa akin ang laptop niyang nakahanda na. I sighed and nibbled my lip.

"Wait for me outside," I said.

"Ma'am, kung hindi kaya huwag niyo na pong pilitin para hindi lumala. Yoy need to rest Architect, we can do it tomorrow or another day. I'm sure they will understand." Ngumiwi si Nick.

I chuckled and shook my head. Ayokong ipagpaliban ito, pakiramdam ko naman ay kaya ko 'tsaka nakahanda na silang lahat. It will only take an hour to finish that so it will be fine. Lumabas si Nick sa opisina habang ako naman ay nag-ayos ng sarili.

The sorrounding of my eyes are moist and it's a bit bloodshot. I put on some powder and lipstick to brighten up my pale face. Inilugay ko na lamang ang buhok ko at inayos saglit ang aking damit. Pagkalabas ko sa opisina ay naroon ang team ko at naghihintay.

"Architect, nauna na si Nick at Yezy para ihanda iyong mga gagamitin." Pauna ni Lawin.

Tumango ako at tiningnan ang ilang naroon. Tatlo lang naman ang sasama sa akin sa conference hall. I talked to some of the Junior architects before making my way towards the venue of the presentation. Lawin followed behind me.

"Good afternoon, Architect." Bati nang nakasalubong kong Project Manager.

"Good afternoon, Sir. Sa conference po ang diretso niyo?" I asked.

He nodded and fixed his glasses. "Mr. Caprio will be here any minute. We will also be having some guests in the board."

Tiningnan ko siya habang sumasakay kami ng elevator. Guests? I was not informed. Si Jerry Caprio iyong kliyente namin.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon