Chapter 39

8.1K 215 41
                                    

Chapter 39

Madilim pa ang kwarto nang magising ako. Ramdam ko ang kaunting lamig kahit balot na ako sa makapal na kumot na umabot hanggang sa dibdib. Ngumiwi ako nang makaramdam ng kirot sa gitna ng aking hita at ang hita ko mismo.

Damn, Stanford! Nasapo ko ang noo at luminga para hanapin si Stan pero wala siya. Mag-aalas sais pa lamang ng umaga base sa orasan na nasa kaniyang lamesa. I'm only on my panties. Hindi ko maalala kung binalik ko ba 'yon o ano.

Nang bumukas ang pintuan ay kumunot ang aking noo. Pumasok doon si Stan na naka-muscle shirt at shorts. Nang magtama ang aming mga mata ay umiwas ako ng tingin. Kaagad na kumalat ang init mula sa aking leeg patungo sa aking mukha.

How am I going to face him after what happened? Wala akong maramdaman na pagsisisi o kung ano man na pag-alma sa nangyari sa amin. I wanted it. Pakiramdam ko ay bumigay ako agad but I don't have any regrets.

"Good morning. Maaga pa, how are you feeling?" Aniya.

Hinalikan niya ang aking noo bago umupo sa gilid ko. Ngumuso ako at hinigpitan ang hawak sa dulo ng kumot na nasa aking dibdib. Pakiramdam ko sa tuwing gagalw ako ay kumikirot ang akong katawan lalo na 'yong ginalaw niya kahapon.

"F-fine..." tumikhim ako at yumuko.

Naramdaman ko ang paggalaw niya. Sinulyapan ko siya at nakita kong hinablot niya ang kaniyang damit sa upuan na nasa gilid namin. Nang humarap ulit siya sa akin ay hindi na ako nakaiwas ng tingin.

He warmly smiled and showed me his t-shirt. Kinunot ko ang noo at pinagmasdan siya. I feel so little while watching him. His arms are robust and the muscles are very much defined. His shoulders are broad and he's just so big for me.

"Hindi na kita nadamitan kagabi dahil tulog na tulog ka na. Arms up, I'm gonna dress you up." He said and came closer.

Nakagat ko ang labi at umiling. Kailangan pa ba 'yon? Maliligo na rin naman ako maya maya e. Tinitigan niya ako nang hindi ako gumalaw. Pinapanood niya ang ekspresyon ko kaya umiwas ako ng tingin.

"C'mon, Veil. I know you're still sore and it's still cold. Mas lalong sasakit ang katawan mo." Pilit niya at hinaplos ang aking mukha.

Huminga ako ng malalim at pumikit para kalmahin ang pusong nagwawala na naman. Unti-unti kong binitawan ang kumot. Nakita naman na niya lahat, what's there to hide, Veil? But damn it! I feel so embarrassed.

Bumagsak ang kaniyang mata sa aking dibdib. Wala akong bra so stop staring, Stanford! Umirap ako at akmang ibabalik ang kumot nang pinigilan niya ako. He closed his eyes and puffed a breath.

"Hands up, baby..." he's suddenly baby-talking me.

Umirap ako nang makita ang kaniyang ngiti. Dinamitan niya ako at muling inayos ang kumot sa aking katawan.

"Are you going to sleep again?" Tanong niya.

"H-hindi na... maliligo na rin naman ako mamaya. Pupunta pa tayong apartment para sa damit ko." Inayos ko ang aking buhok.

Pinatong niya ang kaniyang kamay sa akin hita at kunot noong tinitgan ako. Kinagat niya ang labi at pumikit.

"Papasok ka pa ba sa internship mo? Can you manage it... I'm sorry I was a bit rough last night. Hindi ka ba galit sa akin?" Maingat niyang tanong.

Tinitigan ko siya. His beautiful blue eyes looked at me softly and concerned. It always get me. It's like staring into a magnificent ocean with no end. Humampas ng malakas ang aking puso.

"Hindi..." umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.

Stan brought my breakfast in the room. He got busy attending me and I noticed he's carefully watching my actions. Kung makikita niya lang akong ngingiwi saglit ay mabilis siyang kikilos para tanungin kung okay ako.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon