Chapter 11

8.1K 276 35
                                    

Chapter 11

Pagkarating ko sa ikaapat na palapag ng ArDe building ay nahiya pa akong pumasok dahil nakabihis na silang lahat. I got their attention when I went inside the vast room.

"Bakit ngayon ka lang?" Nilapitan ako ni Yanchi, pilit tinatago ang iritasyon sa mukha.

"I'm sorry. Something came up, magbibihis na ako." Iniwasan ko siya at mabilis na tinungo ang CR sa labas ng room.

Saktong sakto lang sa akin ang uniform. The hem of the skirt is four inches above the knee. Nakasuot ako ng cycling dahil alam kong sa paggalaw namin ay aangat ito at masisilipan kami. Mabilis kong inayos ang sarili bago bumalik sa room.

Ang iba ay naglalagay ng make up sa mukha. Lahat ng babae ay naka-high ponytail para malinis tingnan. Habang pinupusod ko ang buhok ay lumapit sa akin si Robin.

"You're late. Bakit?" He asked while putting a gel on his hair.

May naalala tuloy akong palaging nakagel ang buhok. Tsk.

"May ginawa lang." Maikling tugon ko.

Alangan naman kasi na sabihin kong naglasing ako kagabi 'di ba? Tinitigan niya ako. Kinagat niya ang labi at ngumiti.

"Lapitan mo si Diana, lalagyan ng kulay 'yang buhok mo." Aniya at iniwan ako.

Ngumuso ako at nilagay sa tabi ang bag ko. Lahat ay abala sa pag-aayos ng kanilang sarili. Hinanap ko si Diana, isa ring graduating student. Hinintay kong matapos siya sa ginagawa sa kapwa namin flyer.

"Bilis na, dito ka." Tinuro niya ang upuan.

Pumwesto naman ako kaagad doon. Half of my hair will be dyed into white, then the other half is blue. Habang ginagawa niya iyon ay abala si Yanchi sa pagsasalita sa gitna.

"Uulitin ko. Give your best shot. Enjoy the moves and the music, okay? Huwag magpapaapekto sa mga kantiyaw ng ibang department! Focus and determination is what we need to win! Kung may magkakamali, go pa rin! Tapusin niyo na lahat ng ginagawa niyo, we'll be proceeding to the covered court exactly at 10!" Aniya.

Aaminin kong medyo kinakabahan ako. Nanlalamig ang aking tiyan habang pinapalagay kung ano ang maaaring mangyari mamaya. What if I fall? What if I make a wrong move? What if I... damn it Veil!

Nang matapos ang ginagawa ni Diana ay nilagyan niya ng kaunting make up ang mukha ko kahit umayaw ako. I wear make up but I don't trust other people kung sila ang gagawa sa akin.

"Where's your bag? Ako na ang magbubuhat." Pahayag ni Robin nang lapitan niya ako.

Ngumuso ako at umuling. 

"Hindi na, kaya ko naman." Tugon ko pero mapilit siya.

Hinablot ko ang jacket ni Stan na nakapatong sa bag ko. Tinitigan ko muna ito bago nagdesisyong isuot para labanan ang lamig. Hindi maaraw ngayon, makulimlim nga e pero hindi naman naulan.

"Don't bring your bags anymore! Isasara naman itong room, don't worry." Paalala sa amin ni Yanchi.

Nagkibit balikat ako at nginitian si Robin na tumango lang sa akin. Binalik niya ang bag ko at itinabi ang kaniya.

Maingay ang mga kasamahan namin habang pababa kami mula sa ikaapat na palapag. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako at pinanlalamigan ng tyan. Nanginginig ang aking mga tuhod. Is this hangover?

"Let's go Archies! Let's go Archies!" Sigaw ng mga nauuna sa amin.

Tumawa ako para ilibang ang nerbyos. Robin laughed with me too. Others were excitedly nervous.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon