Chapter 40

7.5K 184 77
                                    

Chapter 40

"Do you have the invitation card, Ma'am?" Tanong sa akin ng babaeng nagbabantay sa labas ng hall.

Kaagad kong hinalungkat ang aking pouch at kinuha ang card do'n. She checked the card and scanned a folder.

"Veil Keana Lahaira Cordivilla, Ma'am?" She asked.

Ngumuso ako sa pagbigkas niya ng aking buong pangalan. Tumango ako at ngumiti. Pinitik niya ang kaniyang kamay at may lumapit na isa pang babae sa akin. They look like they are part of the organizing team of this event.

"Guide Ms. Cordivilla inside." Utos niya rito.

"This way Ma'am," the other girl smiled at me and gestured her hand.

Tahimik akong sumunod. Bumukas ang pintuan at bumungad ang isang malawak na bulwagan. My eyes instantly scanned the whole corners. All I can see is gold and white. Halatang pinaghandaan ng husto at ang napaka-eleganteng dekorasyon ng bulwagan ay nagpapakitang ang gaganapin na pagtitipon ay para sa mga elegante at bigating tao.

Maraming tao at lahat ay nasa kanilang mga pormal na damit. Halo halo ang mga naroon. Puno ang bawat pabilog na lamesa at sa tingin ko'y kanina pa nga nagsimula ang event dahil may mga nakahain ng pagkain.

Natigil ako sa paglingon nang nag-vibrate ang aking cellphone.

"Hello," pabulong na batik o kay Austen.

"I can see you, ate. Fifth table on your left." Aniya.

Kumunot ang aking noo at mabilis na iginala ang paningin sa kaliwa. Palakas na palakas ang tambol ng aking puso. Ilang segundo pa bago ko mahanap ang panglimang lamesa.

Nalaglag ang panga ko nang makita ang mga pinsan ko sa pabilog na lamesa. The young Cordivilla's are here! Medyo maingay ang kanilang table dahil marami sila roon at nang magsimula akong maglakad ay pinatay ko na ang tawag. Nakita kong may sinabi si Austen sa kanila dahilan ng kanilang paglingon.

I expected them to be here but why am I still surprised? Nanlaki ang mata ng iba at napatayo pa sila sa kanilang table upang salubungin ako.

"You're here!" Bungad ni Ate Era sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Hinila niya ako patungo sa table at sumunod si Amanda at Kiel sa kaniya. Ang iba'y gulat pero ang iba'y parang alam ng darating ako. Did Austen brief them?

"We're glad you came." Tipid na ngumiti si Cale sa akin.

I am still not comfortable around them. Pakiramdam ko ay may malaking pader sa pagitan ko at nila. The fragmented bond I caused them or my family years ago formed a firm barrier between us. I feel like they're trying to reach out to me but there's something that stops them. That's what I think.

Nilingon ko si Austen na seryosong nakatingin sa akin. Where are our parents? My aunts and uncles? Kaming magpipinsan lamang ang narito sa pabilog na lamesa. Nilingon ko ang nagsasalita sa harap. Wealthy families are being presented and the background of their businesses.

I glanced at my cousins. They all look elegant and fabulous. I know that they always appear to gatherings like this because I did too way back. When I am still part of the family. Am I still a part of it? Do I belong here?

Kumikirot ang aking puso sa mga iniisip. Batid kong maya maya lamang ay makakaharap ko na ang aking mga magulang. Paano ko sila haharapin? Ang mga tita at tito ko? Are they mad of me too?

"Austen told us his plans. What about your plan?" Tanong ni kuya Seb sa akin.

Lahat ng mata ay dumirekta sa akin at natahimik ang iba. Tiningnan ko sila at bumuntong hininga. Before I left, I am close to most of them. Now, they feel like strangers staring at me.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon