Chapter 26

8.4K 269 46
                                    

Chapter 26

"I'm excited!" Kevin squealed beside me while taking photos of him.

Ako naman ay nakangusong pinapanood siya. We're outside my apartment building and we're waiting for Stan and his friends. Ang dalawang maleta na siyang dadalhin namin ni Kevin ay nasa gilid ng inuupuan kong bench.

I think Stanford went to his friends first 'tsaka sila pupunta rito sa amin para kunin kami. Medyo kinakabahan ako, maybe because I am still not comfortable with his friends around.

Hindi ko naman kasi sila nakakasalamuha aside from Neil and Terrance.

"Bakit parang wala kang gana?" Tanong ni Kevin nang mapansin ang pagiging tahimik ko.

I shrugged and rested my head on the cold wall behind the bench.

"Ayaw mo ba sa vacation na 'to? Kung ayaw mo, 'wag ka nang sumama para masolo ko si Verdejas." Panunuya niya.

I leered and glared at him at the same time. Umiling na lang ako sa kabaliwan niya.

Nang tumunog ang aking cellphone ay kinuha ko ito. A message from Stan just came in.

Stan:

We're near. Don't forget to wear my jacket.

Ngumuso ako. Sinabihan niya akong isuot 'yong jacket niyang hanggang ngayon ay hindi ko pa isinasauli. Nakapatong na ito sa hita ko. Hindi ko pa susuotin dahil mainit pa naman.

Malamig ba sa Kalinga? Summer naman e. Though I have never been there, I feel like it's not cold there during this time of the month.

"Earphone, charger, wallet, sanitizer, WiFi..."

Pinapanood ko lamang si Kevin habang sinisiyasat ang laman ng kaniyang bag. Kanina ko pa naayos at nacheck ang akin. Anim na pares lang naman ng damit ang kinuha ko. May panlabas na roon kung sakaling mamamasyal kami.

Naghintay pa kami ng ilang minuto nang mapansin kong medyo nagtatalon na si Kevin sa aking harapan.

"They're here!" He declared eagerly.

Napatuwid ako ng upo nang sunod sunod na pumarada ang apat na sasakyan sa harapan ng apartment. It drew too much attention from the folks around since these coupés are highly sustained and visibly expensive.

Sa unahan ay ang Ford Mustang ni Stanford. Next is a Land Rover, followed by a Volvo and a Dodge Durango.

Filthy rich chaps.

Narinig ko ang pagmumura ni Kevin sa kung ano. Sunod sunod na bumukas ang pinto pero hindi na roon natuon ang atensyon ko kung 'di sa lalaking seryosong seryoso na naglalakad palapit sa akin.

I slowly got up from my seat. I blinked twice, the darkness clouding his eyes is too much to handle.

"Are you alright?" Mariing tanong niya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Yes. Bakit?"

"Hindi ka na nagreply." Salubong ang kaniyang kilay.

Hindi na ako nakasagot dahil dumaan si Kevin sa aming gilid at kinuha ang maleta niya. He smirked at us and walked towards the cars.

I gave his friends a shy smile. Nasa labas sila ng mga sasakyan, dahil hindi masyadong tinted ang tatlo pang sasakyan maliban ang kay Stan, nakikita ko kung sino ang mga nasa loob.

Indeed, there are girls I am not familiar with. Siguro ay nasa anim lahat. Ang mga kaibigan naman ni Stan ay pito.

Si Neil, Terrance at Spencer ang kilala ko.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon