Chapter 56
Different nurses took charge in monitoring my parents. It's been three hours at hindi pa sila nagigising. Chrissy went out multiple times to get the necessary things too. Gusto ko mang ako ang mag-asikaso ay hindi ko kayang iwan ang aking mga magulang.
My family is on the way here from the province. Some of my cousins are in Manila pero sa gabi sila bibisita dahil nasa kaniya-kaniyang trabaho. And Stan... well, he stayed with me inside the vast room and until now he's here.
Nakatulog pa yata ako ng trenta minutos at nagising lamang nang may pumasok ulit na nurse. As usual, the nurse checked their vitals and did the usual thing.
"Are they okay?" Hindi ko na napigilang tanungin sa sobrang pag-aalala.
"They're fine, Ma'am. Siguro po'y magigising na sila maya maya. Ganito po talaga ang side effect ng gamot na naibigay sa kanila." She smiled.
Pagkatapos ang ilang sandali ay umalis na rin ito. Pinakuha ko kanina pa ang aking cellphone kay Chrissy at iilang tawag na ang aking sinagot. Gano'n din si Stan, everytime someone calls him, he'd go out the room to answer it.
Humikab ako at bumuga ng hangin pagkatapos ay hinilot ang sentido. Sumasakit ang mga mata ko, siguro'y sa pag-iyak kanina. Medyo nanghihina rin ako at hanggang ngayon ay hindi matanggal ang pag-aalala.
Napalingon ako kay Stan nang tumayo siya mula sa sofa at lumapit sa akin. The familiar beating of my heart when it comes to him started again. Umiwas ako ng tingin. We haven't talked about anything since I stopped crying.
"You're tired. Are you hungry? It's almost dinner. Do you want me to buy something?" He asked and stood beside me.
Nakaupo ako sa silyang nasa pagitan nina Mommy at Daddy. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. He looks serious but not cold. His dark blue eyes were tender and tamed as he stares at me. I blinked and glanced at the big table in the corner filled with fruits and breads.
"Hindi ka ba... uuwi? Wala ka bang gagawin? It's okay if you go home, darating na rin naman ang pamilya namin mamaya." I said lowly.
He licked his lips and his jaw moved. "I can't leave you here alone. I'll wait until they're here."
Ngumuso ako at tumango na lamang. Umuwi na rin kasi si Chrissy. A part of me wants him here but a part of me don't. Ayoko siyang abalahin at ayokong nakakaramdam ako ng kasiyahan na narito siya. It is not right to feel that way when he has a girlfriend or whatever relationship he has with Architect Larmino.
Yes, he holds my heart but his heart is kept by someone else. I should know my boundary even so it's achingly tempting to follow my heart.
"May gusto ka bang ipabili? Those are just breads and fruits but not enough for dinner. I could buy you something," aniya.
Nanatili siyang nakatingin sa akin habang ako nama'y hindi siya matingnan ng diretso. Ngumuso ulit ako dahil nagugutom na nga ako. It's past 7 already. Pero nakakahiya namang utusan siya.
"Uhm... hindi ba kita naabala? M-mamaya na lang ako kakain kapag narito na ang pamilya ko." I said.
Kumunot ang kaniyang noo at umigting ang kaniyang panga. Tumikhim siya.
"Hindi ka nakakaabala, Veil. You look tired and I want you to eat now para may lakas ka. What do you want to eat?" He said more indulging this time.
Kinagat ko ang aking labi at bumuntong hininga. It really amazes me and makes my heart flutter that he's treating me this way now. Kahit anong suway ko sa aking puso na hindi dapat ganito, wala pa rin.
BINABASA MO ANG
CORDIVILLA: Breathless
RomanceStarved of any support from her family, Veil Cordivilla struggles to finish her degree in Architecture. After her very first heartbreak, she questioned herself whether she made the right choice. Now, she's trapped in a place where she has no option...