Chapter 14
Three consecutive weeks, halos isang buwan na akong hinahatid ni Stan sa DCC. Ilang beses ko siyang iniwasan, tinaboy at kung anu anong dahilan ang sinabi ko para lang hindi niya ako maihatid pero ako rin ang sumuko sa huli.
Early in the morning, I would find him in front of our building. Isang beses kong sinubukan na agahan ng husto, nakatakas ako sa kaniya. But then, the next morning he's already there at 6! Mukhang alam niyang iniiwasan ko nga siya. Pero sa huli ay tumigil din ako. Even if I don't have the choice, at kahit wala akong magawa dahil mukhang hindi talaga ako makakatakas sa kaniya, I am still trying to maintain our distance.
Hinahatid niya lang ako, wala ng iba. We don't usually talk inside the car. Bilang nga ang araw na nag-usap kami sa loob ng sasakyan niya habang hinahatid niya ako, at mabilisan lang 'yon. I don't know why he is doing that, I asked countless times pero hindi niya ako sinasagot.
I still feel distant kahit na mag iisang buwan na niya akong hinahatid. Iyon lang ang oras sa araw na nakikita ko siya. Sa gabi ay hindi na. Hindi na siya nagpupunta sa bar. Ayoko na ring magtanong kay Brax o kahit na sino dahil ayokong mapahiya at may masabi sila! Lalong lalo na ayaw ko magtanong mismo sa kaniya.
Friday morning, I am energized to go to school. Hindi ko alam kung bakit. Nakangiti ako habang palabas nang apartment pero naglaho rin ito dahil sa nabungaran sa labas.
Okay... I think this is not new, dahil sa tuloy tuloy na pagsundo ni Stan sa akin ay ilang beses ko na rin itong nakita. Is this the third or fourth time?
Nasa gilid ng sasakyan si Stan at kausap si Sansan. Minsan na akong tinanong ni Sansan kung boyfriend ko ba 'yong sumusundo sa akin. Nagtataka marahil dahil ang pinakilala kong boyfriend noon ay si Kaizer na siyang sumusundo noon sa akin. I told her Kaizer and I already broke up months ago.
I also said no, hindi ko boyfriend si Stan, and that is when she started reaching out to him. Kapag nakikita na niya akong papalabas ay lalayo na siya kay Stan, nangingiti at tatanguan lang ako.
"Narito na pala si Veil, e." Ngumiti si Sansan at nilingon ako.
I just nodded. Hindi makangiti dahil pinipigilan kong umangat ang kilay ko. Stan was smiling too but when he gazed at me, he slightly pouted. Naningkit ang mata ko sa kaniya. He's enjoying this? Ano bang pinag-uusapan nila at pareho silang nangingiti?
Umismid ako at sinipat si Sansan na namumula ang mukha, tinanguan niya muna si Stan bago ako at naglakad pabalik sa loob ng apartment. When I gazed at Stan, his serious and snob expression is on it again.
"Let's go," he said and opened the door.
Tahimik akong pumasok at hinintay na makasakay din siya. Huminga ako ng malalim bago umatake.
"Alam mo, naisip ko tuloy na kaya mo ako sinusundo ay dahil kay Sansan." I sounded suspicious.
Kunot ang noong sinulyapan niya ako. Pumorma ng bilog ang kaniyang maninipis na labi. Hindi makapaniwala sa akusasyon ko.
"She approached me first..." aniya na parang kinokontra ang sinabi ko.
I raised my brows and crossed my arms. Is that so, Stan? As far as I know, you like mingling with women. Or is flirt the right word for it?
"Gustong gusto mo naman?" Mapakla akong tumawa.
Sinulyapan niya ako. Ilang segundo niya akong tinitigan gamit ang seryosong ekspresyon bago binaling ang mata sa kalsada. Tumahimik ako at napagtanto ang ginawa. I sounded like a... jealous... girlfriend! Damn it! Stop with the questions, stupid!
"She's friendly. I can't push her away, especially that she's your friend." He gently said and glanced at me again.
Maingat ang ekspresyon niya na parang tinatantya ako. Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Umangat ang kilay ko at mariin siyang binalingan ng tingin.
BINABASA MO ANG
CORDIVILLA: Breathless
RomansaStarved of any support from her family, Veil Cordivilla struggles to finish her degree in Architecture. After her very first heartbreak, she questioned herself whether she made the right choice. Now, she's trapped in a place where she has no option...