Chapter 49

7K 186 61
                                    

Chapter 49

I don't know how many times I blinked in a minute. Cold sweats travelled down my face. My heart's beat is no longer in its normal state. It was pounding so hastily and torturously.

Isa pang kurap. Dalawa pa. Tatlo pa. Ang ideyang baka guni-guni lamang ang lahat ay naglaho.

He was there, standing in his might and intimidating stance. The shadow of his facial hair is visible in his freshly shaved face. His impeccable jaw is in a hard clench. His dainty red lips were in a sharp line. His thick eyebrows and long lashes accentuated those two divine deep blue eyes.

Ang mga matang palaging laman ng panaginip ko. Ang dahilan ng pag-iyak ko sa tuwing nagigising ko ng dis-oras ng gabi. Ang mga matang punong puno ng pagkabigo at galit. Pero ngayon, lamig ang nakikita ko ro'n habang nakikipag-usap siya sa mga tao sa lamesa.

No, it can't be! I already lost hope that maybe someday, I could still meet him! No! He's not fucking in front of me right now! That's not him! That is fucking not him!

But the reaction of my heart is undeniable. Makakalimot man lahat ng senses sa katawan ko. Kahit ang mata ko, hinding hindi naman makakalimot ang puso ko. Hinding hindi. Kaya kahit na anong pagtatanggi na hindi nga siya iyon, walang saysay.

Umawang ang labi ko sa halo halong emosyon. Uminit ang gilid ng aking mga mata habang pinapanood siya. Bumagsak ang tingin ko sa babaeng nasa tabi niya. Nanginig ang kamay kong hawak ni Austen.

"Veil..." Third softly called.

The tall voluptuous girl standing beside him is very stunning. Her blonde hair suited her light tanned skin. She's wearing a grey bodycon dress with its plunging neckline. Bumagsak ang tingin ko sa baywang nito, kung saan nakapulupot ang braso ni Stan.

Suminghap ako at napalingon sa kapatid ko. Napahawak ako sa braso niya dahil sa panghihina. His serious face softened then he hugged me quickly. Nanginig ang balikat ko at hindi ko na napigilan nang bumagsak ang luha ko. Halo halo ang matinding emosyon sa aking sistema. Gulat, mangha, pangungulila, pait, kirot, at panghihina.

"W-what's going on? Bakita siya narito?" I said in a panic as my tears stream down my face.

Third's girlfriend, I supposed, handed me a handkerchief. Tinanggap ko iyon at padampi-dampi ang pagpunas na ginawa ko kahit nanginginig ang kamay ko. Third looked at me carefully.

"I don't know but I think he is with Mr. Orodio." Maingat niyang tugon.

Hind ako nagsalita at tumingala upang pigilan ang nagbabadya pang mga luha. Kumalas ako sa pagkakahawak ni Austen at tinalikuran sila.

"Ate! Where are you going?" Nag-aalalang tanong ng kapatid ko.

"I need to be alone, Austen. I need a fresh air." Sagot ko at walang lingon lingon na iniwan sila roon.

Nakayuko ako upang hindi mapansin ng ibang bisita ang namumula kong mata at ang bahid ng luha sa aking mukha. Mabilis akong nakalabas sa function hall. Nang makita ko ang dalawang staff na nagbabantay sa entrance ay mabilis akong lumapit. Binati nila ako kahit halata ang pagtataka sa kanilang mukha.

"Can you check the guests list for me?" Suminghap ako.

Mabilis silang tumalima.

"Ano pong pangalan, Ma'am?" Tanong ng isa.

Huminga ako ng malalim at hinimok ang natitirang lakas upang banggitin ang pangalan ng lalaking naging laman ng puso ko sa nakalipas na limang taon. Pumikit ako ng mariin at tumikhim.

"Stanford Verdejas." Nanginig ang boses ko.

Tinitigan ako ng isa pero napaigtad ito nang sikuhin siya ng kasama niya. Mabilis nilang hinalungkat ang tatlong folder na naroon bago sila nag-angat ng tingin sa akin.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon