Chapter 21

7.7K 267 79
                                    

Chapter 21

Nagmistulang isang concert ang 19th Commencement Exercise ng Del Cañaveras College dahil sa rami ng tao. Punong puno ang higit libong plastik na upuan sa harap ng ginawang stage. On the other side of the soccer field are concrete benches also jam-packed with students and visitors.

Sa harap nakapwesto ang mga graduating students. Iba't iba ang kurso pero iisa lang ang layunin sa araw na 'to. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga iba't ibang uri ng ngiti sa kanilang mukha.

Ano kayang pakiramdam nila ngayon? Would I feel the same when I graduate also? Ngayon pa lang ay hindi na ako makapaghintay.

Kaizer is the Summa Cum Laude of the Engineering Department. Ang Mommy niya ang sumama sa kaniya sa stage. His mother stayed classy and demure just like the first time I saw her. Nakapagtatakang hindi ko na masyadong nakikita sina Zain at Kaizer na magkasama.

Though I don't see much Zain inside the school, hindi ko na masyadong nakikita silang dalawa ni Kaizer. Did they break up?

The dean smiled at me when I went up the stage to receive a certificate and medal for achieving the second-highest average in the dean's list. I notched back my original standing and I'm more than happy about it. 

Tanghali na nang matapos ang program. Nakausap ko kanina si Yanchi at pinayuhan akong hintayin dahil may sasabihin daw siya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong ko ang pamilya ni Kaizer. Iiwas na sana ako ng daan nang mahagip ako ng tingin ni Kaizer.

Hindi ako nakagalaw nang bigla siyang tumakbo sa direksyon ko. When he stood in front of me I was kind of speechless. Anong kailangan niya?

"Congratulations," he greeted and gave me a smile.

Hindi ko sinuklian ang kaniyang ngiti. Tumango lamang ako. Napatitig ako sa kaniyang  mukha.

"Thank you and congratulations too," I said.

Napansin ko lang na pumayat siya. Hindi katulad noon na malaman pero matigas ang hubog ng katawan. Lumiit ang kaniyang pisngi.

"Veil, I want to-"

"Kaizer, why are you still talking to this girl?" I heard his mother's voice from behind.

Kumunot ang noo ko. I got slightly intimidated when I saw his family on his back, his parents and his two siblings.

"Mom-"

"I thought you already cut ties with her. She cheated on you, why are you still communicating with her?" Her mother exclaimed indignantly when she stood beside Kaizer.

Nanlaki ang mga mata ko. Wait... what? Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo at ang mariin na pagkunot nito. Anong ibig niyang sabihin?

Kaizer's face hardened at his mother's statement. He looked at me apologetically.

"Sabina, stop it." Tito Julius, Kaizer's father, held his wife's elbow.

"Ano, Julius? We treated her as a family but she still cheated on our son! This is the time to confront her!" Matigas na pahayag ni Tita Sabina.

Umawang ang bibig ko sa kaniyang sinabi. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. She's saying I cheated on Kaizer... what? Ako? Nagcheat? What?!

"Mom, stop it!" Saway ni Kaizer sa ina.

May iilang napapatingin sa amin. Uminit ang mukha ko sa galit at gulat.

"What, Kaizer? Huwag mong sabihin na gusto mo pa rin ang babaeng 'to pagkatapos kang pagtaksilan? Zain is much better than this... girl!" Tita Sabina fired irately.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon