Chapter 38

8.7K 261 21
                                    

Chapter 38

Now, I regret sleeping at Stan's house. Late tuloy ako sa internship! Well... he didn't wake me up because he wants to cuddle some more kaya aligagang aligaga tuloy ako nang hinatid niya ako sa apartment para magpalit.

And the jerk is not even sorry about it! Malaki pa ang ngisi niya pagkahatid sa akin sa building. Ang resulta, hindi ko siya pinagbigyan sa halik na hinihingi niya.

Stan:

Baby, I'm sorry. Galit ka ba?

Umirap ako pagkatapos basahin ang mensahe. Now, he's sorry! Iritado ako kanina pero sobrang manhid yata no'n! Ngayon niya lang napagtanto ang lahat. Tss.

I did not reply. Tinapos ko ang pinapagawa ng ilang designer sa akin. Just some clerical tasks, iyon nga lang ay medyo marami kaya aabutin yata ako ng buong araw.

Lunch came and I was stunned when Architect Andres Nueva bought me lunch. Hindi ko tuloy maiwasan na mailang dahil may iilang nakapansin no'n. Nagpapasalamat nga ako at kahit 'yong isang Architect ay binigyan niya.

"Marami pa ba 'yan?" Tanong ni Andres nang nililigpit ko ang pinagkainan.

Nilingon ko siya, tinuro niya ang patong patong na mga papeles sa table ko. Tipid akong ngumiti at tumango.

"Yes, Architect. Pwede bang mag-overtime mamaya?" Pormal kong tanong.

Ilang segundo niya akong tinitigan bago tumango at namulsa. Umiwas ako ng tingin at naglakad papunta sa basurahan sa gilid at tinapon do'n ang disposable na mga container. Bumalik ako sa aking table.

"May ipapagawa po ba kayo?" Tanong ko nang naroon pa rin siya.

"Uh, yeah pero next week na lang. Ayoko namang ma-pressure ka sa rami ng gagawin mo. Huwag kang masyadong mag-overtime mamaya, I'll tell the other designers not to give you too much work." Seryosong aniya.

Nakagat ko ang labi at agad na umiling. Kinabahan agad ako.

"Hindi Architect, okay lang po! It's a good thing because I'm learning more things, so it's fine." Alma ko at ngumiti.

He stared at me, nagtaas siya ng kilay at nagkibit balikat. Humugot ako ng malalim na hininga. Baka kung ano pang sabihin ng mga empleyado rito kapag ginawa niya 'yon.

"Okay then," aniya at bumalik sa kaniyang cubicle.

Bumuga ako ng hangin pagkaupo ko. Inalis ko ang ibang pangamba sa aking isipan at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Alas kuwatro nang magtake ako ng 15 minute-break. Doon ko lamang natingnan ang cellphone ko sa ilalim ng drawer.

Ngumuso ako sa dalawang missed call at limang messages ni Stan doon. Wala na 'yong galit ko. Kaninang alas dose at alas dos iyong tawag niyang hindi ko nasagot. Naka silent din kasi ang cellphone ko.

I pouted and started reading his texts. Simula kaninang umaga ay hindi ako nagreply sa kaniya.

Stan:

What are you doing? You're not replying.

Stan:

I'm really sorry for not waking you up earlier. Gusto lang kitang makasama ng mas matagal since this is our first day.

Ngumuso ako at hindi mapigilan ang pagngiti. How cheesy, Stanford! Marami nga siyang niluto kanina and it was all delicious! He was so energetic that I think the dark and mysterious Stanford vanished for a while. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti dahil do'n.

Stan:

Take a lunch, please. Do you want me to bring some lunch there?

Stan:

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon