Chapter 54

7.6K 217 20
                                    

Chapter 54

I only stopped crying when I noticed that my light make up is ruined. I locked the door and started fixing myself. If I showed up to them in this manner, they'd probably know I cried a lot.

Tumigil nga ako sa pag-iyak pero hindi pa rin tumitigil ang pagkirot ng aking puso. Ngayon alam ko na kung ano ang tingin sa akin ni Stan, a cheater. I created that image, so why am I remorseful now? Ako mismo ang gumawa ng dahilan para maging gano'n ang pananaw niya sa akin kaya wala akong karapatang magreklamo.

Muntik na akong makatulog sa pag-iisip kung hindi lang tumunog ang intercom na nasa lamesa. Pinindot ko ito at naghintay kung ano man ang sasabihin ni Chrissy. Nariyan na siguro siya.

"Ma'am, your mother asked me if you joined Mr. Verdejas' team in visiting the land. She is requesting you presence there." Ani Chrissy.

Hinilot ko ang sentido at napabuga ng hangin. Pupunta pa ba ako? Kung ako ang masusunod, hindi na. Hindi ko alam kung kakayanin kong makisalamuha nang nariyan lamang si Stan sa paligid. Should I just go home? But then... I have a serious matter going on with my mother.

"Sasama ako. Nasaan sila?" Marahas akong bumuga ng hangin.

"Kanina pa silang alas otso umalis Ma'am." Sagot niya.

My eyes widened and I quickly got up from my chair. Bakit wala man lang nagsabi sa akin?! Mabilis kong inayos ang mga gamit sa lamesa at kinuha ang handbag ko.

"Okay. I'll be out." I said.

Lumabas ako ng opisina at nadatnan si Chrissy sa kaniyang cubicle. She nodded at me. I asked her the exact address because I am not familiar yet with the place. Si Austen naman kasi ang nag-aasikaso no'n at may sariling trabaho ako.

"Ma'am by the way," pigil ni Chrissy sa akmang pag-alis ko.

Sinulyapan ko siya at itinaas ang kilay. Tinitigan niya ako at tumikhim.

"Nag-usap na po ba kayo ni Sir Vonrick? He was looking for you yesterday." She asked.

I stared at her. Bakit pakiramdam ko hindi niya alam ang ginawa ko sa sasakyan ni Stan? She's not giving me any kind of weird look. And she's really constant with that Vonrick call-name, huh?

"Nakausap ko na siya. I have to go. If there are any emergency here, just call me."

"Sige, Ma'am."

Halos paliparin ko ang Wrangler papuntang Parañaque. Isang oras na mula nang umalis sila, baka lupa lang ang madatnan ko ro'n kapag nagtagal pa ako. Ipinarada ko ang sasakyan sa tabi ng isang matayog na building na katabi ang bakanteng lote na pagpapatayuan ng gusali. Malawak ito at nilagyan na ng barikada.

Napangiwi ako nang makitang medyo maputik ang lupa. I am wearing heels for Pete's sake! Bakit hindi man lang ako nag-isip 'di ba? May mga nakita akong mga trabahador doon pagkapasok ko. I have no choice but to walk on my heels.

"Good morning, Ma'am. Kasama po ba kayo ng mga nag-iinspeksyon sa lupa? Naroon po sila," tinuro no'ng mukhang trabahador ang bandang kaliwa.

Luminga ako at nakita ang grupo ng mga Engineers at Architects na siya ring nasa meeting kahapon. Nagpasalamat ako sa lalaki at dahan dahan ang ginawang paglakad. Tumitingin ako sa hindi basang bahagi para doon aapak, medyo natatakot ako sa tuwing bumabaon ang heels ko dahil baka bumigay ito. Medyo natagalan ako sa paglapit dahil nga sa pagiging maingat, ayoko namang madapa o ano at gumawa ng nakakahiyang eksena rito.

"Ms. Cordivilla! Good morning!"

Napaangat ako ng tingin at bumungad sa akin si Ion. He was wearing a white shirt, jeans and boots. The perfect outfit for a place like this, not some stupid dress and heels!

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon