Chaptet 45
"I'm sorry you have to meet my brother that way." Stan apologized.
Kanina pa nakaalis si Christian. Pagkatapos nilang mag-usap na dalawa sa labas ay nagpakita lang ito para magpaalam sa akin. Bumaling ako kay Stan na pinapanood ang pag-aayos ko ng aking pumps.
"Okay lang. I'm just a little surprised. I always wanted to meet your brother." I smiled.
"I will formally introduce you to him next time, including my other relatives." Seryoso niyang sinabi.
Napalingon ako sa kaniya. Inatake ang puso ko ng kaba pero binalot din iyon ng kakaibang kalungkutan. I like that too, Stan. Pero huwag muna ngayon dahil malabo pa ang lahat.
"Really?" Pinasaya ko ang aking boses.
Tumango siya at ngumiti bago lumapit sa akin. I wonder why he's not saying anything about last night. He was hurt I know but he's acting like nothing happened. Huminga ako ng malalim. Mabuti na rin 'yon dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa kaniya kapag inungkat niya ang usapan kagabi.
"Oo nga pala... mamayang gabi," pauna ko.
Mula sa pagmamaneho ay sumulyap siya sa akin. Kumunot ang kaniyang noo.
"Why?"
Huminga ako ng malalim at pwersahang ngumiti. "I will be having a proper dinner with my parents. Austen informed me yesterday."
Ilang segundo niya akong pinagmasdan bago binalik ang atensyon sa daan. Suminghap ako nang hinuli niya ang kamay kong nakapatong sa aking hita. Pinagsiklop niya ang aming mga daliri.
The butterflies in my stomach roared to life. My heart is beating so alive. I bit my lip to suppress my overflowing feelings for him.
"That's good. Are you happy?" He asked.
Siya naman ang pinagmasdan ko ngayon. At sa bawat segundong dumaraan pakiramdam ko unti-unti siyang lumalayo sa akin. Pasikip ng pasikip ang aking dibdib sa hindi malamang dahilan. He was smiling a little and it was the most beautiful smile to start my day.
"Y-yes..." halos pumiyok ako.
Mabilis akong umiwas ng tingin at tumingala upang pigilan ang pamumuo ng luha. Why am I so emotional? Bakit pakiramdam ko bigla na lang siyang maglalaho sa aking paningin? Bigla akong kinain ng kakaibang takot at pait.
My selfish side is starting to take over the rational part of my being. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko at magsumamong mas magtagal siya rito kasama ako dahil sa totoo lang mamimiss ko rin siya ng sobra. Sabi niya ay walang kasiguraduhan kung gaano siya magtatagal doon. And to think that a problem is waiting for him, I have a feeling that it will take long.
He will travel half of the world for work and I will be left alone. I will miss him so bad.
"Susunduin kita mamaya at ihahatid din kita sa kung saan man kayo magdi-dinner. Are you okay with that?" Malambing na tanong ni Stan nang nasa LCADS na kami.
Suminghap ako at hinaplos ang kaniyang mukha. Kumunot saglit ang noo niya, marahil ay nagtataka kung bakit ako nagkakaganito. I smiled and pressed my lips on his. Hindi ko na hinintay ang tugon niya at umatras.
"Don't be late or I will miss you bad." I giggled.
Nanliit ang kaniyang mga mata sa akin. Am I acting too weird? Para bang alam niyang may problema at natatakot akong malaman niya. Ngumisi ako at kumaway bago siya tinalikuran at mabilis na pumasok ng building.
Austen messaged me the address. Nasabi rin niyang nasa Maynila na ang aming magulang. He won't be here because he's busy with his upcoming graduation next month. Nangako akong dadalo ako, maayos man o hindi ang relasyon ko kay Mommy or Daddy.
BINABASA MO ANG
CORDIVILLA: Breathless
RomanceStarved of any support from her family, Veil Cordivilla struggles to finish her degree in Architecture. After her very first heartbreak, she questioned herself whether she made the right choice. Now, she's trapped in a place where she has no option...