Chapter 16

7.8K 222 14
                                    

Chapter 16

Days turned to weeks and to months. During the first weeks, I was still hopeful to see Stan standing in front of my apartment building but I grew tired and mad. He left me expecting of something he oathed but couldn't fulfill.

Two months passed by in a blistering pace. It's like a little touch of a cold wind before the windows are forcefully closed. 

Inabala ko ang aking sarili sa pag-aaral lalo't isang buwan na lamang ay finals na namin. Naging okupado ako masyado na hindi ko na pinansin ang iba bagay na hindi naman gaano kaimportante.

I went back to my routine, gym twice a week, Tuesday and Thursday. While during MWFS, I am in SeLo, earning money.

Today is Sunday at abala ako sa pag-aadvance review. Kailangan kong magsunog ng kilay para sa finals, so I can at least climb back to my original position or even higher than that. Later, I'll continue doing my plates for the finals.

Isang katok sa pinto ang nagpatigil sa akin. I fixed my shirt and went out of my room, walked towards the door and slowly opened it. Nang makitang si Mrs. Tucay 'yon, ang siyang may-ari ng gusali ay mas nilakihan ko ang siwang ng pinto. Nagtataka man kung bakit siya narito, ngumiti pa rin ako.

"Good afternoon po, Ma'am Nona." I greeted politely. "Pasok po kayo." Alok ko at iminuwestra ang kamay.

Ngumiti rin siya pabalik sa akin pero umiling din.

"Hindi ako magtatagal, Veil. Pasensya na kung hindi ko kayo naabisuhan ng mas maaga. Urgent din kasi ito. Maniningil sana ako ng renta para sa susunod na buwan pa. I am in need of money for the operation of my first child." Malungkot na saad niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Kinagat ang aking labi at binitawan ang busol ng pintuan. Alam kong may sakit sa kidney iyong unang anak niya. He's undergoing medications according to Mrs. Tucay herself, pero nangangailangan na pala ng operasyon.

"I'm sorry to hear that po. Magkano po lahat ang babayaran ko ngayong buwan kabilang ang susunod? Baka po sapat na 'yong ipon ko." Ngumiti ako sa kaniya at pinagsiklop ang mga kamay.

Kinuha niya ang maliit na notebook mula sa bag na dala at malungkot pa rin na binalingan ako ng tingin.

"Pasensya na talaga Veil. Alam kong mag-isa ka lang at nag-aaral ka pa pero kailangan na kailangan na talaga 'yong pera para maumpisahan na ang operasyon ni Arky." Tukoy niya sa anak.

Umiling ako at tinanguan siya. "Okay lang po 'yon. Basta maging maayos ang operasyon ni Arky."

"Salamat Veil. Anim na libo ang babayaran mo. May pauna ka naman ng dalawang libo noong nakaraang linggo pa. Pasensya ka na talaga. Kung hindi sapat iyang pera mo kahit apat na libo na lang basta mayroon." She slightly smiled before putting down her notebook.

Suminghap ako at ngumiti. Hindi ko nabilang ang ipon ko pero alam kong lagpas anim na libo 'yon. Hindi ko na muna inisip ang iba pang bayarin dahil sa kagustuhan kong makatulong.

"Babayaran ko na po ng buo. Kukunin ko lang po ang pera." I said and waited for her permission before I went back to my room.

Kabado ako habang binibilang ang naipon. Lagpas siyam na libo lang. Naisip ko ang tuition fee na naghihintay. Kinagat ko ang aking labi at humugot ng malalim na hininga. Bahala na.

Humugot ako ng anim na libo at mabilis na lumabas ng kwarto. Naroon pa rin siya at naghihintay. Tinitigan ko ang mukha niya. Hope and unsettledness is visible on her face. She is obviously stressed and worn out. 

Mas lalo ko lamang gustong ibigay ng buo ang pera. Mrs. Nona Tucay is a humble and kind landlady. Walang problema sa kaniya at binibigyan pa kami ng pagkain minsan. She understands student like us and she gives discount sometimes. At ito lang ang tanging paraan para matulungan ko siya at masubalitan ang mga kabutihan niya sa akin.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon