Chapter 7

8.9K 285 115
                                    

Chapter 7

"Kilala mo 'yan?" Siniko ako ni Kevin habang nagmamatyag kay Stan na abala sa pakikipag-usap sa mga babaeng naroon.

Naniningkit ang mga mata ko habang sinisiyasat kung paano nalulugod ang mga babae sa pakikipag-usap sa kaniya pero ang totoo naman niyan ay pinagpipyestahan nila ang kaniyang katawan.

He's just wearing a muscle shirt! Mas lalo lamang lumabas ang kagwapuhan niya dahil doon. Ang kaniyang tattoo ay nakalantad. He looks dashingly dangerous! And those women are enjoying it.

"Hoy!" Mas malakas akong siniko ni Kevin.

"Hindi." Malamig na tugon ko at iniwas ang tingin sa kumpulan.

Naiirita ako. What a playboy!

"Nag-usap naman kayo kanina ah? And you even let him drink on your personal tumbler. Nakita ko 'yon huwa mong i-deny..." Tukso niya at kinurot ang baywang ko.

I frowned and slapped his hand. 

"I don't know him." Tanggi ko muli at inayos na ang mga gamit.

It's nearing 9, kahit wala akong klase bukas dahil Sabado ay may group praktis naman kami.

"Whatever, Veil. Pero infairness ha. Ngayon lang akong nagkaroon ng sobrang pogi at sobrang nakakatakam na customer! Pero mukha siyang masungit... it doesn't matter right? He's A+ sexy and handsome!" Puno ng adorasyon niyang sinabi.

Ngumiwi ako sa karumal-dumal na pahayag niya. 

"Buti hindi tumatakbo ang mga lalaki mong customer? Grabe ka!" Tumawa ako at nginiwian siya.

He glared at me. I laughed once again and shook my head.

"Uuwi ka na? What about our drinking session?" 

Umayos siya ng tayo at kinuha ang phone na nakapatong sa counter kung saan overlooking ang mga nangyayari sa mas mababang palapag ng gym niya. Elevated kasi ang counter, tatlong hagdan bago mo marating.

"Paano ka makakalabas kung marami kang customer?" Tinuro ko ang mga abala pa sa paggi-gym at ang kumpulan ng mga babae.

Kumunot ang noo ko nang mahagip ang paninitig ni Stan sa akin. I lowly frowned and looked away. Playboy!

"Sabagay. Then how about tomorrow?" Alok ni Kevin.

Suminghap ako at kinuha ang bag bago tumango. "Game. Sa SeLo, okay?"

Mabilis siyang tumango at niyakap ako. I hugged him back and tapped his chest.

"You're a strong girl, Veil. Maaaring iwan ka ng lahat but I won't. Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka. Okay?" He smiled at me.

Ngumuso ako at ngumiti. "Thanks Kev. Love you."

"Love you too girl. Forget that cheater ex of yours!" Maarteng sinabi niya bago ako pinakawalan.

"Don't worry, I'm no fan of second chances." Tumawa ako na pinatulan naman niya. 

Nagpaalam na ako at bumaba ng counter. Nang makababa ako ay napalingon ako sa gawi nina Stan dahil umingay sila. Muli ay nagsalubong ang kilay ko dahil sa akin nakatutok ang malalim at madilim niyang mata. 

The ladies are saying something funny to him but he was't focusing because he's hawk-eyeing me. I gave him a cold response and quickly left the gym.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. I have to wash my clothes earlier than usual dahil may lakad ako ng 9. Sa DCC ang meeting place namin at susunduin daw kami ni Neil para diretso na kaming lahat sa bahay nila.

CORDIVILLA: BreathlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon